KABANATA 7
Laglag ang mga panga ng mga kalalakihan sa loob ng classroom nila nang tuluyan nang makapasok sa loob si Miah. Hindi naman ganoon kaikli ang skirt na uniform na suot ng kaniyang mga kaklase na babae pero para kay Red ay malakas ang dating ni Miah nang magsuot ito ng uniporme. Dangan nga lamang ay seryoso na naman ang mukha nito.
Anghel na seryoso.
Halos sunod ang tingin ng lahat nang maglakad na ito sa paborito nitong upuan.
Sa pinaka dulo. Sa sulok. Sa tabi ng bintana. Napapansin ni Red noong high school pa lamang sila ni Miah na paborito nitong umupo sa likoran at sa tabihan ng bintana. Hindi man niya ito naging kaklase noong high school ay madalas naman niyang makita ito sa classroom nito kapag siya ay napapadaan.
Pero ang nakapagpatahimik sa kanilang lahat ay nang lalong bumusangot ang magandang mukha ni Miah nang madatnang may naka upo sa paborito nitong upuan.
Napatingin na lang si Joseph. Classmate nila na siya mismong naka-upo sa pinaka mamahal na upuan ni Miah.
Deretsong nakatingin ng masama si Miah kay Joseph. Lahat ay nag aabang kung ano ang mangyayari. Kahit si Red ay nag aabang sa sasabihin ni Miah. Hindi man ito umimik ay mabagsik pa rin ito.
Alam niya. Alam na alam niya ang ugali ni Miah Serano. Piliin man nitong hindi magsalita pero sa kilos nito ay may pasabog din.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Joseph kay Miah.
Hindi niya masisisi si Miah. Sa klase nila ay siya pa lamang ang nakakakilala sa ugali nito. He knows these coming days, baka hindi magustuhan ng mga kaklase niya ang ugali nito.
Hindi man niya kaibigan si Miah, pero kilala niya ang ugali nito. Malditang hindi maintindihan.
Humalukipkip si Miah sa harap ni Joseph at bahagyang sinilayan ang relo. Mataray ulit nitong tiningnan si Joseph.
Halos gusto niyang lapitan si Joseph at sabihang umalis na sa kinauupuan at humanap na lang ng bakanteng upuan dahil nandito na ang reyna na siyang uupo sa upuan nito.
Pero ayaw niyang gawin iyon. Ke-aga-aga ayaw niyang masira ang mood niya kaya napailing na lang siya.
Pero agad ding lumingon si Red dahil curious siya sa mangyayari.
"Kanina ka pang nakatitig sa akin may crush ka ba sa akin?" nakangising tanong ni Joseph kay Miah. Hinaplos pa nito ang baba nito at animo'y gwapong-gwapo sa sarili.
Patay kang Joseph ka!
Ngumiti si Miah. Ngiting alam niyang hindi dahil masaya o natutuwa. Mas gugustuhin pa ni Red na makitang seryoso ang mukha ni Miah. Kasi alam niya na good mood ito. Pero sa oras na ngumiti ito ng ganyan, matakot na.
Ngiting-ngiti si Miah at pati mata nito ay naka ngiti. Mukhang hindi magugustuhan ni Red ang mangyayari. Kakaiba na ang ngiti ni Miah.
Napasinghap silang lahat nang hawakan ni Miah ang pisngi ni Joseph. Yumukod ito para mapantayan ang taas ni Joseph habang naka-upo.
"Hindi ako nagkaka-crush sa mukhang taeng napabayaan." Sabay tapik ni Miah sa pisngi nito. "Akala ko pwet, mukha pala." Hirit pa ni Miah.
Nabigla na lang si Red nang humagalpak ng tawa ang lahat. He knew it. Sabi na nga ba't huwag babanggain si Miah Serano.
"Oh, man. Hard." Komento ng isa sa kaklase nila. Basta nangingibabaw ang tawanan.
Mukha tuloy napahiya si Joseph.
"Umalis ka sa upuan na iyan. Diyan ko gustong umupo."
Nanggagalaiti sa inis si Joseph. Kitang-kita ni Red ang pag i-igting ng mga panga nito. Napailing na lang siya.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...