KABANATA 22

289 16 0
                                    


KABANATA 22


Intramurals day na. Bale isang araw naman itong event na ito at bago pa maupo si Miah sa kinauupuan niya ngayon katabi si Tiffany ay marami na silang napanood na tournament mula sa iba't ibang level ng College Department. Bale sa mga oras na ito ay laban na ng mga Freshmen at Junior. Last game na at laglag na ang Sophomore at Senior.

Tumingin si Miah sa baba. 

There... alam na niyang hindi ito a-absent sa game ni Red ngayon. Maigi at hindi sumabay ang game ni Daniella sa basketball game ngayon kaya may chance siyang makapanood ng practice game.

"It's starting!" excited na excited si Tiffany sa tabi niya. Kahit din naman siya ay nae-excite. She wants them win. Pero kung manalo man o matalo, she still congratulate Red. Sa katunayan, may binili siyang regalo para dito.

Red never mentioned to her that today is his birthday. Alam lang ni Miah. Paano nga ba? Basta noong nalaman niya ang birthday nito ay tinandaan na niya. She even wrote it in her memo pad. Just in case man na makalimutan niya. Pero kahit sinulat niya, natandaan niya pa rin. It's Red's 18th birthday. She don't know what Red's plan after this. But she already coordinated with his mother, Ma'am Cornejo, that they will surprise him later after the game.

Nagsimula na ang laro at naging mainit kaagad ang naging tagpo ng magkalaban. Halata sa mga freshmen na gigil sila. Makikita talaga ang enthusiasm nilang manalo. Unang nakapuntos si Red kaya napakaraming kababaihan ang nagpaliritan. Hayan na naman ang mga fangirls ni Red. And look... may mga taga ibang school na nasa gym nila. Are they also Red's so called fangirls? Aba'y napaka famous naman sa kababaihan ng Kokey na iyon.

Napapalatak si Miah sa isip. Pero kaylangan niyang kumalma sa kanyang kinauupuan.

"Naka-shoot si Red!" niyugyog pa siya ni Tiffany.

Ngumiti lang si Miah but deep inside in her head, gusto niyang bulyawan ito na nakita niya, may mata siya, nanonood siya at katabi pa niya ito.

Omg. Ka-stress itong katabi ko. 'Sus ang arte mo. Kung hindi ka lang nadistract sa mga fangirls ni Kokey baka nagpapalakpak ka pa at nagtatalon.

Ika ni Miah sa isip. Tama naman ang other mind niya. Nadistract siya sa mga fangirls ni Red. Baka nga naman ay pumalakpak pa siya sa tuwa.

Magaling ang kalaban nina Red na Junior. Pero ganoon pa may ay hindi nagpatalo ang mga Freshmen. Nakamit ng team nina Red ang championship. Hindi man nakuha ni Gino o ni Red ang MVP ay ayos na rin. Pero kung iisipin, napaka gwapo ng dalawa maglaro. Nabingi pa ata siya sa palirit ni Tiffany sa tabi niya. Lalo na kapag hawak ni Gino ang bola. Pero sa totoo lang, marami ang naging iskor ni Red sa naging laro.

Natapos na ang awarding at nakalapit na si Gino kay Tiffany.

"Congrats, Gino." Bati niya.

"Thanks, crush. Mamaya pa si Red. Kausap pa ni coach." Sagot ni Gino habang tinutulungan ito ni Tiffany na magpunas ng pawis gamit ang towel.

Nilingon niya si Red. Kausap pa nga ito ng coach nito. Pero kakatapos lamang mag-usap si Red at ang coach nito ay malinaw na malinaw ang mata niyang nakita si Daniella na lumapit kay Red. Kahit malayo siya at kitang-kita niya.

Hindi niya naririnig ang pinagsasabi ng dalawa nang mapamaang na lang si Miah nang masaksihan niya ang paghalik sa pisngi ni Daniella sa pisngi ni Red.

Agad na umakyat sa bunbunan niya ang dugo niya at pakiramdam niya ay ang init-init niya.

Look at them... parang ang saya-saya pa ni Red. Naikuyom ni Miah ang kanyang kamao at nag-igtingan ang kanyang mga ngipin.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon