KABANATA 4
Pasukan na bukas. At isang lingo na rin makalipas nang mag grand opening ang coffee shop na pinatayo ni Red. This is the beginning. Kahit isang lingo pa lang itong nagbubukas ay marami ng tao. Napapansin niya kasi na tuwing hapon na lang ay malamig sa lugar na ito kaya itong business na ito ang naisipan niyang itayo. Isang coffee shop.
Maraming customer kapag umaga, hapon at gabi. Ngayon niya napatunayan na maraming tao pala ang mahilig magkape. May mga na-hire na naman siyang mga crew na kapwa niay working student. Sa Tayabas Western Academy ang mga ito pumapasok at mga night sudent department. Iyon din ang eskwelahang pinasukan niya noong high school. Sa gabi pumapasok ang mga ito at sa umaga naman ay nagta-trabaho sa coffee shop niya. Dalawang babae at dalawang lalaki ang empleyado niya.
Pulos mga high school pa ang mga ito pero nasa ikalimang baiting na ang mga ito ngayong taon. Halos kaedaran lang din niya. Iyon nga lang ay nauna siyang grumaduate sa apat dahil ilang oras lang naman ang klase ng mga estudyante sa gabi kaya umabot ng limang taon ang curriculum nila.
Mismong grand opening niya ipinagtapat sa ina niya ang pinatayong coffee shop. At noong grand opening din mismo ang kaarawan ng kanyang ina. Hindi ito makapaniwala na siya ang nag ma-may-ari niyon.
Ang kapital na ipinundar niya para sa negosyong ito ay inipon niya sa bangko at pinalawig niya. Humiram siya sa mga kaibigan niya na ngayon ay nabayaran na niya para mapabilis ang pag bubukas. Malaking tulong ang naibigay sa kanya ng mga kaibigan niya especially si Alex Crisanto. Marami itong naitulong at naituro sa kanya. Hindi niya tuloy naiwasang mamangha sa kaibigan. Kaedad lang niya ito pero marami nang alam. Kaya nasabi niyang hindi pa nga talaga niya lubos itong kilala.
Nagtataka siya dahil Engineering ang kukuhanin nitong kurso gayong ang dami nitong alam sa business. Alex Crisanto is an extraordinary man. Alam niyang hindi basta-basta ang utak nito. Kaya hindi na siya maso-sorpresa kung isang araw ay malaman niya kung gaano kayaman ito.
“Ang daming customer, Sir.Nakakatuwa.” Sabi ni Julie na katabi niyang nagbibilang ng pera sa counter. Isa ito sa empleyado niyang estudyante. Si Maya naman ay kasalukuyang nag aayos ng mga cups. Ang dalawa niyang crew na lalaki ay abalang nag a-assist ng mga customer.
“Yeah, and thanks for the hard works.”
“Naku, Sir, kung hindi dahil sa inyo wala sana akong pang baon sa school. Salamat sa pag hire sa akin, ha?” napangiti na lamang siya. Masaya siyang nakakatulong sa mga estudyanteng pursigido makapasok.
“Sabi ko naman sa inyo na Kuya Red na lang.”
Palaging ‘Sir’ ang tawag ng mga ito sa kanya. Hindi naman siya sanay kaya ipinipilit niyang ‘Kuya’ na lamang ang itawag ng mga ito sa kanya.
“Eh, Sir, kayo ang may-ari nito kaya nakakahiya naman kung ku-kuyahin ka lang namin. Sir dapat.” Napatawa na lamang siya sa segunda ni Marwin na nag mo-mop ng sahig.
“One coffee latte and two allo zenzero, please.”
“Yes, Ma’am.Two eighty po lahat.”
Pinagmamasdan niya lang ang pagtatrabaho ng mga empleyado niya. Pero most of the time tumutulong siya.
“Let me help you.” Sabi niya at siya na ang nagsalin ng coffee sa cup. Nilagyan niya iyon ng illusion design. Bakas sa mukha ng customer ang ginawa niyang design at kinuhanan pa iyon ng litrato. Naka-tag pa mismo iyon sa facebook page ng kanilang coffee shop. Yes, ginawaan na niya mismo ng facebook page for advertisement. Dumadami na kasi ang mga customer nila. May ilang pang nag i-status na ganito:
“Here at Matina’s Coffee Shop. Super love their coffee latte! <3” at nakapost ang inorder nilang kape. Derived ang pangalan ng coffee shop sa pangalan ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...