Hindi ko alam kung may nagbabasa pa ba nito o wala na? Hindi ko na kayo maramdaman. Hahahaha.
KABANATA 19
"Tiffany?"
Gulat si Miah nang makita si Tiffany ngayong hapon sa gym. Hindi naman ito usually nanonood ng practice game.
Napatingin siya sa court. Then she saw, Gino. At si Gino ang tinitingnan ni Tiffany. Napapansin din ni Miah na palaging sabay na umuuwi si Gino at Tiffany dahil mag kaparehas na taga Sariaya ang dalawang huli. Malimit pang mag-solo ang dalawa kaya ang siste, silang dalawa ni Red ang naiiwan.
Nagkakaunawaan baa ng dalawa?
Por que magkasabay umuwi?
Por que nanonood ng practice game ni Gino si Tiffany?
Ganoon ba iyon? Eh, bakit silang dalawa ni Red? Parehas lang naman kina Tiffany at Gino, ah. Pero wala silang unawaan?
Tama. Masyado lang sya'ng nagbibigay ng meaning.
"Tiff!" agad naman niya nakuha ang atensyon nang kaibigang mestiza.
"Hey, Miah!" masaya itong lumapit sa kanya. "Nandito ka pala? Kay Red?"
Kumunot ang noo ni Miah. "I'm just bored." Denied niya.
"Fine. Chips," Inalok siya nito ng chichiriya. "Hindi ko akalain na magaling pala maglaro ang team natin."
"Yeah. Well... " nagkibit balikat siya. "Boys."
"Hilig mo ba manood ng basketball?"
"Hindi masyado. Gusto ko lang may kasabay pag-uwi." Sagot ni Miah. Hindi niya pwede sabihin ang totoo. "Ikaw?"
"Same reason." Sabay hagikhik ni Tiffany.
Napatawa sa isip si Miah. Liar.
Natapos na ang second set ng practice at si Red at Gino ay papalapit sa kanila. Pansin ni Miah na parang iba ang ngiti nitong si Gino nang makita si Tiffany. There's really something between Tiff and Gino. Kung ano pa man iyon, bahala na lang ang dalawa.
Pero halos mabuga ni Miah ang juice na kanyang iniinom nang hubadin ni Red ang suot nitong jersey! Bakit naman biglang-bigla? Bakit walang pasabi? Eh, 'di sana'y nakapag prepare siya!
Nang gawin ni Red iyon ay maraming pumalirit na kababaihan.
"Ow. He's hot." Pati si Tiffany ay napa-react.
Halos masamid siya buti na lang hindi niya ipinahalata. Goodness!
Pero aaminin niya, Red has a nice body! Kaylangan niyang kumalma. Bakit hilom na hilom ang abs nito? Bakit ang perfect ng biceps nito? Bakit may v-line si Red? Pawisan pa ito. Kahit na gusto niyang kumagat labi ay hindi niya magawa.
She never seen a nice body like him. Parang gusto niyang mag nose-bleed. Pero kalma lang siya. Iyon ang dapat kahit na ang loob ng katawan niya ay nagwawala.
Hindi niya na-imagine na sa tagal na niyang nakakasama ito ay nagtatago pala sa damit ni Red ang ganda ng katawan nito. Now, alam na niya kung ano ang hitsura nito kapag naka topless.
Pero bigla siyang napakunot ang noo.
Bakit sa madaming tao ito naghubad? Ang dami tuloy nakakita! Dapat siya lang muna!
Sa inis niya hinablot niya ang bag ni Red at hinanap ang t-shirt nito. Nang makita niya ay bigla niyang ibinato iyon kay Red.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...