KABANATA 30

216 12 2
                                    

KABANATA 30


Hindi ngayon bukas ang coffee shop ni Red dahil lahat ng crew niya may school activity ngayong araw. Hindi naman pwedeng sila lang ni Miahang tumao sa coffee shop. Ayos lang sana kung okay sila ngayon, pero hindi. At ayaw naman niyang mapagod masyado si Miah.

Tanghali na ay nakahiga pa rin si Red sa kama. Nasa Manila pa rin ang kanyang ina kaya mag-isa pa rin siya sa bahay. At mula sa labas ng bintana alam niyang makulimlim ang langit. Uulan siguro. Kaya nagsanhi ng pagkatamad niyang bumangon dahil na rin sa panahon.

Napatingin si Red sa kabilang bahagi ng kama kung saan tumutunog ang kanyang telepono. Si Daniella ang caller.

"Napatawag ka?" aniya.

"Hm, pwede mo ba ako samahan kumain ng pizza ngayon? Nag ke-crave kasi ako. 'Di ka naman busy ngayon 'di ba?"

Mas gugustohin na lang sana ni Red sa bahay. "Hm, yes. But—."

"And may sasabihin din akong importante." Putol ni Daniella sa pag tanggi niya ang kaso napaisip siya sa sinabi nito.

"Pwede mo na naman sabihin iyon dito." Suhestiyon niya.

"Mas okay sa personal, Red."

"Okay."

"Salamat!" rinig niya ang excitement sa boses ni Daniella kahit magkausap sila sa telepono. Pero naku-curious lang si Red kung ano ba daw ang importanteng sasabihin nito.

Habang gumagayak si Red ay si Miah ang nasa kanyang isip. Ang alam niya palagi nitong kasama ang ungas na si Thomas. Araw-araw na lang ata magka-date ang dalawa. Lamang na lamang na sa kanya si Thomas.

Syempre hindi siya papayag. He needs to think a way. Hindi niya hahayaan na maging ganito na lang ang maging katapusan. Galit si Miah sa kanya sa hindi niya alam na dahilan at iyon ang aalamin niya.

He knows someone who can help him.

Si Daniella.

Kaya pumayag na rin siyang samahan ito.


"MAY BAGONG bukas na pizza parlor dito." Ani Daniella habang naglalakad sila.

Laging maganda sa paningin niya si Daniella, kahit naman noon pa. Pero hindi na sya lubos na humahanga dito dahil na kay Miah na ang atensyon niya. Kung siguro'y dati pa siya pinansin ni Daniella ay baka girlfriend na niya ito ngayon. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ilang buwan lang niyang nakasama si Miah ay nahulog na agad siya sa dalaga.

Alam ng lahat na maganda si Miah. Mostly sa hitsura nito kaya madaming nagkakagusto dito. Pero mas nagustohan lalo ni Red ang personalidad ni Miah. Basta presensya pa lang ni Miah masaya na siya kahit na may oras na akala mo'y may dalaw ito.

Hindi talaga niya mapigilang hindi mapangiti sa tuwing naiisip ang dalaga. Pero iniisip niya na ano kayang kasalukuyang ginagawa nito ngayon? Malamang ay magkikita na naman ulit ang dalawa ni Thomas dahil narinig niya kahapon ang dalawa na may lakad ang mga ito. Wala nga lang siyang idea kung saan. Kung alam man niya, malamang ay baka mag-stalk lang siya.Halos inaraw-araw na ata ni Thomas idini-date si Miah. Nate-threaten tuloy si Redna baka any moment ay tuluyan nang maagaw ni Thomas si Miah sa kanya.

Kaya naman ngayon ay tatapatin na ni Red si Daniella. Hindi na siya sasama simula ngayon na lumabas dito dahil alam niya na sa habang tumatagal ay baka maipon ang pundasyon sa damdamin ni Daniella, hindi naman siya sa nagyayabang pero baka mahulog na nang tuluyan si Daniella sa kanya. Kaya habang maaga pa lang ay titigilan na niya ang pagsama dito. Mananatili pa rin naman siyang kaibigan ni Daniella pero alam niyang magiging awkward na sila sa isa't isa.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon