KABANATA 17

332 20 0
                                    

KABANATA 17

"Oh? May bisita pala tayo?"

Napatayo si Miah mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa nang makita ang ina ni Red na pababa ng hagdan mula sa kwarto nito.

"Magandang gabi po, Ma'am Cornejo." Bati niya sa Ginang. Iyon ang tawag niya sa ina ni Red since ito ang teacher niya noong elementary.

"Kaygandang bata mo talaga. Habang lumalaki ka mas gumaganda ka." Nakangiting komento sa kanya ng ina ni Red. Aaminin niyang medyo na-flatter siya kasi out of nowhere bigla siyang pupuriin nito. Ikinagagalak ni Miah na hanggang ngayon, sa dami nitong naging estudyante ay kilala pa siya nito.

"Thank you po. Masaya po akong kilala n'yo pa rin ako, Ma'am." Ngumiti siya ng malawak.

Maganda ang ina ni Red. Pansin niya na sa ina ni Red nakuha ang mata nito at palagay niya'y the rest ng feature ng mukha ni Red ay sa ama na. Mapusyaw ang kulay ng balat ng ina ni Red samantalang si Kokey ay moreno. Pero bagay naman kay Red ang sariling kulay ng balat.

"Aba, syempre. Isa ka sa magaganda at pilya kong estudyante noon. Nanghihinayang nga ako ako kapag napapaaway ka at nagkakaroon ng galos. Remember noong grade two ka? Nakipag away ka kay Jumbo. Tapos nagkagalos ka at kahit hindi pa kita estudyante noon ako ang gumamot sa iyo." Galak na galak na kwento ni Ma'am Cornejo.

"Ma..." awat ni Red sabay hilot sa sariling sentido.

Napapangiti na lang siya pero hindi niya naaalala iyon since grade two lang daw siya noon. Pero alam niyang marami siyang sinapak noong elementary at hindi niya maitatangging palaaway talaga siya noon.

"Thank you po sa paggamot sa akin noon kahit hindi ko na maalala." Sabay tawa niya.

"Tapos naalala ko noong ako na ang teacher mo. Hindi ko hinayaang may dadapo sa balat mo noon. Ayoko talagang may aaway sa 'yo." Sinipat nito ang kabuoan niya at nakaramdam siya ng discomfort. "Buti na lang hindi nag peklat ang mga naging sugat mo noon." Nag aalala nitong dugtong.

Okay. Hindi niya inakala na makwento pala ang ina ni Red.

Lumingon siya kay Red na humihingi ang pasensya ang hitsura. Ngumiti lang siya para i-assure dito na natutuwa siya sa ina nito.

"Aba. Dinner time na. Dito ka na maghapunan, hija." Yaya sa kanila ni Ma'am Cornejo.

"Yes, 'Ma. Niyaya ko nga siya mag dinner dito." Ani ni Red. "Magkwentuhan muna kayo. I'll prepare dinner."

"'Nak. Nagluto na ako ng hapunan. Ako na ang maghahayin. Ika'y umupo dito at i-entertain mo aring bisita mo." Tumayo na si Ma'am Cornejo at nagtungo na sa kusina.

"Entertain daw kita. Ano'ng gusto mo? Sayawan kita?" Nanunuyang biro ni Red.

"Gago." Buka ng bibig niya pero walang boses. "Kay Ma'am Cornejo ka pala nagmana." Ika niya.

Tumikhim si Red. "Pasensya ka na kung medyo makwento si Mama. Ganyan talaga siya. Minsan nga paulit-ulit na ang kwento niyan sa akin." Tumawa si Red.

Si Red at ang ina lang nito ang tanging nakatira sa bahay na ito. Iyon ang pansin ni Miah. Ultimo sa mga picture nan aka-display ay ang mag ina lamang ang nasa litrato. Kahit Lolo at Lola ay wala siyang nakita.

"Kokey..." untag niya kay Red.

"Will you stop calling me that?" pinandilatan siya ni Red.

"Ayaw." Nag pout siya.

"Ano ba 'yon?" Inaayos ni Red ang mga photo album na tinitingnan niya kanina.

"Sorry kung gusto kong itanong 'to, ha? Bakit wala akong nakikitang pictures ng Papa mo?"

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon