KABANATA 36

205 15 5
                                    

KABANATA 36


"Red, saan ka pupunta? Bakit ang layo mo?"

Nakatalikod si Red sa kaniya at hindi siya nito nililingon.

"Red!" tawag niyang muli. Pero nagtataka siya kung bakit hindi siya makagalaw na animo'y may pumipigil sa kaniya.

"Red?! What the hell?! Bakit ka lumalayo? Red!"

Habang tumatagal ay palayo nang palayo sa kaniya si Red. Binuhos na niyang lahat ang lakas niya para makagalaw para mahabol ito pero hindi pa rin siya makaalis sa kinatatayuan niya. Malayo na si Red at halos wala na ito sa paningin niya.

Iyak siya nang iyak habang sumisigaw. Litong-lito siya kung ano ang nangyayari. Bakit ganoon ang ginawa ni Red? Bakit lumayo ito? Isang sigaw pa siguro ang kaylangan niyang gawin para lumingon ito.

"Red—!"

"Red!"

At nagising si Miah na habol ang hininga mula sa masamang panaginip. Napahawak siya sa dibdib at uminom ng tubig na nasa bed side table niya. Ramdam din niya ang matinding pawis sa noo at likod.

She took her phone at agad tinawagan si Red. Isang minuto halos niyang pina-ring ang telepono ni Red nang sa wakas ay sumagot din ito.

"Yes, baby. What happened?" husky ang boses ni Red sa kabilang linya at halatang nanggaling ito sa mahimbing na tulog.

"R-Red..." she's still crying from her bad dream. Narinig niya ang pag panic ni Red sa kabilang linya.

"Miah, what happened?" ramdam niya ang nag aalala nitong tinig sa kabilang linya.

"Red, I had a bad dream..." she sobs.

"Wait me there. I'll be there in 3 minutes."

Gaya ng sinabi nito ay nakarating agad ito sa bahay nila. Naka hoodie jacket ito, magulo ang buhok at magkaibang tsinelas pa ang naisuot. Halatang nagmadali talaga itong makarating sa kanila.

Nang makalapit si Red sa kaniya ay agad siya nitong kinulong sa mga braso nito.

"I'm here now." Sabay halik nito sa noo niya.

"I don't know if I can go back to sleep." She said.

Hinagpos ni Red ang ulo niya. "Do you want me to sleep here? I mean, babantayan kita until na makatulog ka before ako matulog."

She nodded. She needs him right now.

They are both lying in her bed. Hindi naman ito ang unang beses na nagtabi sila ni Red matulog. But knowing that he is beside her ay nawala lahat nang naging takot niya dahil sa masamang panaginip.

She hugged him tightly. "Don't go..." aniya.

Red hugged her back. "I won't." Anito habang hinahagkan ang noo niya.

Now she feels safe. Yakap pala nito ang kaylangan niya para mawala ang takot na naramdaman niya. Unti-unti ay nakaramdam na siya ng antok.

"Sleep well. I love you." Narinig niyang sinabi ni Red bago siya tuluyang nakatulog. Napangiti siya.


"'MA, are you sure?" hanggang ngayon ay nakamaang pa rin ang bibig ni Red nang sabihin ng ina na mag reretiro na ito sa pagtuturo sa Elementary. Ilang taon na nga naman itong guro sa nasabing school.

"Yes, anak. The orphanage needs me more. Malaki ang utang na loob ko doon kaya panahon na ata para bumawi ako. I'm gonna work there full time. But don't worry uuwi naman ako ng madalas dito."

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon