KABANATA 31

272 19 2
                                    


KABANATA 31


Simula nang iwasan ni Miah si Red ay pakiramdam niya'y bumalik na naman sa pagiging boring ang buhay niya. Eh, masisisi ba niya ang sarili kung kasalanan din naman ni Red kung bakit siya nainis dito.

Oo nga't gusto makipag ayos ni Red sa kanya pero as long as na nakikita niya ang pagsama ni Red sa kaibigan niya ay naiinis siya. Nagi-guilty naman kasi siya dahil kaibigan niyang matalik si Daniella pero hindi niya maiwasang mainis. Bagay naman kasi ang dalawa. Kasi the point na magkabati sila ni Red, baka maichapwera na lamang siya.

Kaya sumasama siya kay Thomas. At least kahit papaano ay lumabas siya ng bahay. Naboboring din naman siya kasama si Thomas pero mas naboboring siya sa bahay.

At ngayon nga ay magkikita sila ni Thomas. Dadalhin daw siya nito sa isang bagong bukas na Seafood restaurant sa may Diversion road ng Masin. Pero kalahating oras na ang nakakalipas base sa napag-usapan nila ay wala pa ring Thomas na sumusulpot.

Hindi na naman kasi siya nagpapasundo kay Thomas sa kanilang bahay dahil galit si Barky dito. Ewan ba naman niya. Samantalang si Red at Barky sobrang close. Kulang na lamang ay sumama ito kay Red kapag umaalis na ito.

Kaya ngayon ay nandito siya sa parke at kalahating oras nang naghihintay kay Thomas.

"Nasaan nab a ang Tom Sawyer na iyon?" irita niyang usal sa sarili at nag desisyon nang tawagan ito. Ika-cancel na lang niya total ay tinamad na siya. Nag-crave pa naman siya sa seafoods.

Never siyang tumawag kay Thomas at ngayon pa lang mangyayari. Nakatatlong ring nang sagutin na rin nito ang tawag.

Kaso hindi boses ni Thomas ang narinig niya.

"Who the hell is this?" ani ng maarteng babaeng nasa kabilang linya.

Nagpanting ang tainga ni Miah. "Where's Thomas?" cold niyang tanong.

"Bitch, I'm his girlfriend." Sagot nito.

"Tanga. Tinatanong ko kung nasaan ang ungas na si Thomas. Hindi ko tinatanong kung sino ka sa buhay niya." Sarkastiko niyang sagot.

Iimik pa sana ang babae sa kabilang linya nang mahimigan niya ang boses ni Thomas na animoy bagong gising ang ungol.

Naputol ang linya pero makalipas ang ilang sandal ay si Thomas naman ang tumatawag sa kanya. Sinagot niya iyon.

"Miah! It's not what you think." Ani agad ni Thomas na halata mong bagong gising.

"Ay, pasensya na naistorbo ko pa ang ginagawa n'yo ng girlfriend mo. Sige na. Ituloy n'yo na ang ginagawa n'yo." Aniya.

"I'm so sorry! Hintayin mo ako riyan." Anito.

"Hindi. Ayoko nang makita ang pagmumukha mong kupal ka dahil may kalalagyan ka talaga." Sabay baba niya ng tawag ang malalim ang pag hinga niya. Seriously, she wants to kick him in his balls right now. Kapal ng mukhang manligaw ay may kaulayaw naman pala tuwing gabi.

"Boys. Nakakabwiset kahit kailan." Humalukipkip siya at tumango-tango. "What now? I'm alone again. Ang mga taong hinayaan kong maging parte ng buhay ko umaalis din." Napailing siya. No. She's not going to cry. Ni hindi nga man lang niya nararamdaman na basa ang mata niya. She's just mad at everything.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. She's about to go nang mag ring ang cellphone niya. Red is calling...

"Ano naman kayang kaylangan ng isang ito? Mamaya maka istorbo na naman ako at kung ano na naman ang marinig ko. Better not to answer this." Sumilong si Miah para kuhanin sa bag ang payong niya nang mag beep ang cellphone niya. Hundyat na may nag text sa kanya.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon