KABANATA 6

686 27 5
                                    

KABANATA 6

“Sir, crush mo 'yong customer 'no?” nanunuyang tanong sa kanya ni Julie. Kakaalis lang n’on ni Miah mula sa coffee shop nila at abala na naman siya sa pag se-segregate ng mga basura sa likod.

“Maganda lang 'yon pero 'di ko crush.” Malamig niyang sabi.

“Ayee si  Sir deny pa! Magandang mug nga ang pinagamit mo. Kayo pa ang nag serve ng order niya at nilapitan mo pa para kausapin. Nice move, Sir!”

Ano’ng sinasabi ni Julie?

“Magtigil ka d’yan kung ayaw mong sesantehin kita.” Nagbibiro lang naman siya pero bumakas ang takot sa mukha ni Julie.

“Wala namang ganyanan, Sir! Joke lang 'yon. Peace tayo. He-he.” At nag peace sign pa ito sa kanya.

“Hindi ko talaga 'yon crush at hindi mangyayari iyon. Classmate ko siya kaya ko siya nilapitan kanina.”

“Oh? Talaga, Sir? Sinabi n’yo po ba na kayo ang may-ari nito?” nahihiwagaang tanong sa kanya ni Julie.

“Hindi. At kapag sinabi ko, lalaitin lang ako n’on. Kakaibang babae 'yon. Beware of her.”

“Mukha naman siya Sir mabait. Mukha lang seryoso ang mukha pero maganda siya, Sir.”

Natawa siya. Mukhang mabait? Kailan pa? Maganda? Oo. Maganda naman talaga si Miah. Pero paano na lang kaya kung hindi ito maganda at ganoon pa ang ugali?

“At isa pa, Sir. Bagay kayo. May chemistry kayo kanina.”

Kasalukuyang siyang umiinom ng tubig n’on at halos maibuga niya ang iniinom niya dahil sa sinabi ni Julie.

“Oy, Julie. Alam mo ba iyang sinasabi mo? Imposibleng magkagusto ako sa babaeng iyon! Witch iyon! Saksakan ng taray! Hindi gaya niya ang tipo ko at titipuhin ko kahit pa siya na lang ang matirang babae sa mundo. Nakakangilabot ang sinabi mo, Julie.”

“Weh? Talaga, Sir? Imposibleng hindi ka magkagusto sa kanya, Sir. Lalo pa’t kaklase mo siya. Araw-araw mo siyang makikita. Makakatabi sa upuan at makakausap. Imposible, Sir.  Pupusta pa ako sa 'yo, Sir!”

Nababaliw na ang isang crew niya.

“Mag assist ka na nga lang d’yan! Kung ano-anong sinasabi mo.” Tumalikod na siya para pumunta sa labas para magtapon ng basura.

“Seryoso ako, Sir! Pag nagkagusto ka kay Ma’am, ililibre mo ako ng tatlong coffee latte at dalawang cake!” ika nito sa pinakamahal na menu nila.

“Okay,” pagpayag niya para matigil na ang usapan. Ang kulit ng batang ito. Napapnsin niya na medyo matabil ang bibig ni Julie pero nakakatuwa naman ito at kinawi-wilihan niya. Magaling din ito sa sales talk kaya niya ito ni-hire.

“Sabi mo 'yan, Sir. Ilalagay ko dito sa memo natin.” Isinulat nga ni Julie sa memo nila na nakalagay sa dingding ng pinaka office nila. Nilagyan pa nito ng date at pirma. “Sir, pirmahan mo rin.”

“Sari-saring kalokohan ang nalalaman mo, Julie.” Pinatulan na niyang pirmahan iyon dahil naboboring na naman siya at wala nang gaanong gawain.

KINABUKASAN ay regular class na nila. Nakasuot na rin si Red ng school uniform. White polo sa ibabaw na may seal ng university nila at puting t-shirt ang pinangloob niya. Black slacks naman ang pang-ibaba at black shoes. Nagsuot na siya ng I.D. Ito mismo ang magsi-silbing attendance nila sa school. Itina-tap nila iyon sa DTR system sa pinaka entrance ng school.

“Buti na lang ang gwapo ko sa I.D.” sabay ngisi niya. Nagsuot siya ng itim na jacket na may hood. Bilin lagi ng kanyang ina na lagi siyang magdala ng jacket at payong dahil madalas umulan.

Sa lugar nila ay madalas umulan sa bandang hapon. Sa umaga naman ay normal lang ang klima. Pagdating naman ng gabi ay gumaganda na ang panahon kaya medyo malamig ang lugar nila.

Isinakbit na niya ang kanyang itim na backpack. May ilang librong nakalagay doon na binili pa niya mismo. Pero mamaya ay pupunta siya sa library para humiran ng ibang libro para sa majors niya. Gusto niyang basahin iyon kapag bakante ang oras niya sa coffee shop.

At gaya kahapon, sabog na naman sa buong school ang mga estudyante. Nagkalat na naman sa paligid at ang iba ay maiingay. Ala syete y media pa lang ng umaga pero marami nang estudyante. Karamihan mga freshman na gaya niya. Ilang department muna ang kaylangan niyang lampasan bago siya makarating sa business department building.

“Uy, Red!” nabigla siya sa tumawag ng pangalan niya.

“Jiro!” nag bro fist sila ni Jiro. Classmate niya noong high school.

“Kumusta? Dito ka rin pala pumapasok? Ang dami ko nang nakitang ka-schoolmate natin. Kaso iba-iba ng course. Ano’ng course mo, bro?” tanong ni Jiro sa kanya at umalakbay. Umalakbay din siya dito.

“Mabuti naman ako. Nagulat ako nang makita ka. Akala ko sa Lucban Quezon ka mag-aaral. Business Ad ang kinukuha ko. Engineering pala ang kinukuha mo? Sabi mo dati mag e-Educ ka?”

“Gusto kasi ni Mama na mag Electrical Engineer daw ako. Sayang nga 'yong exam ko sa Lucban, eh. Pasa na ako sa Educ kaso hindi ko na naituloy.” May panghihinayang ang boses nito. Alam niyang gusto talaga nito maging P.E teacher kaso hindi sinoportahan ng ina kaya bumagsak sa pag e-Engineer. Pero magandang kurso din naman iyon.

“Sayang nga. Pagbutihin mo na lang ang pag-aaral, bro. Pwede ka namang maging Engineer Professor, eh.” Pang e-encourage niya dito.

“Pero gusto ko pa rin maging P.E teacher, eh. Tsk. 'Di bale na. Enrolled na, eh.”

Tinapik ni Red ang balikat nito. “Sige, mauna na ako. Alas otso ang unang klase ko, eh.”

“Sige, kita na lang tayo ulit.”

Nagpaalam na siya dito para umalis. Mabuti naman at may nakita na siyang kakilala niya. 'Yong ibang nakakasalubong niya ay pamilyar lamang sa kanya at 'yong iba naman ay kilala talaga siya dahil sa pagiging vice-president niya noong high school.

Pagkapasok niya sa loob ng classroom hinanap agad ng mata niya si Miah. Wala pa ito sa loob ng classroom at baka on the way na.

Aba, bakit ko naman kaya siya hinahanap? Umupo na lang siya sa bandang tabi.

Lahat ng mga classmate niya ay naka uniporme na rin gaya niya. Malilinis tingnan lahat ng estudyante. Ang mga babae ay naka blouse na puti nan aka tuck-in sa fitted maroon skirt nila. May maroon na necktie sila at stockings sa binti. Ang ilan ay hindi na nag stockings dahil confident na sa magaganda, makikinis at mapuputing binti. Nakasuot sila ng black na heels.

May ilan lang talagang kalalakihan ang napapatulala sa binti ng iba nilang classmate na babae. Pero natawa na lang siya. Mga kamanyakan ang pina-iiral.

Biglang pumasok si Tiffany nan aka uniform na rin. Nang makita siya ay agad siyang binati nito.

“Hi, Red. Good morning!” sobrang tamis ng ngiti nito sa kanya.

Napatulala siya. Ang aliwalas nitong tingnan dahil naka pony ang mahaba at kulot nitong blondeng buhok. Naka make-up din ito pero hindi makapal. Tumambad kaagad sa kanyang mata ang maputi at makinis na binti nito.

“Wow,” narinig niyang sabi ng isa niyang classmate na lalaki na si Xander.

“Hi, Tiff. Good morning din.” Umupo na ito sa tabi niya. “You look good in your uniform.” Puri niya dito.

“Thanks. Ikaw din. Ang pogi mo.” Sabay hagikhik nito.

“Agang-aga nag bo-bolahan.” Sabi ni Gino na umupo na rin sa tabi nila. Pinanggigitnaan siya ni Tiffany at Gino. “Pero, Tiff, ang ganda mo ngayon. Ang puti mo pa. Gatas ba ang pinangliligo mo?” natatawang tanong ni Gino kay Tiff. Siniko naman niya ito.

“Baliw ka talaga, Gino. Natural na itong kulay ko.” Sabay irap ni Tiffany kay Gino habang natatawa.

Nagtatawanan sila nang mga oras na iyon nang biglang pumasok sa loob ng room si Miah. Lahat napatahimik sa pagpasok nito pati sila. Awtomatikong nanglaki ang mata niya at napaawang ang bibig niya. Pakiramdam niya ay lahat ng atensyon ng kalalakihan ay nakuha nito.

Pati na rin siya.

She’s like an angel… he whispered. 

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon