KABANATA 28

328 10 4
                                    


KABANATA 28


A/N: Sorry for the long wait of my UD. May nangyari lang na nagpawala ng panandalian sa pagkahilig ko sa pagsusulat. But I'm back. I'm so sorry again. 


After that incident, hindi na nag-usap sina Miah at Red.

Heto, mukhang tanga si Red na pasulyap-sulyap kay Miah habang tahimik lang na nagtatrabaho sa paligid niya. Minsan si Julie ang kausap nito at never siyang tinapunan nito nang tingin. Halos tatlong araw na rin ang nakakalipas nang mangyari iyon. At tatlong araw na rin na naiinis si Red sa nangyayari sa kanyang paligid.

First, he can't talk to Miah. Second, kahit lapitan man lang ay hindi niya magawa. Sa totoo lang wala talaga siyang kasalanan. Hindi niya maintindihan hanggang ngayon ang nangyari at ang root cause kung bakit ba ito nagalit sa kanya. Kapag sa oras na susunduin niya ito sa bahay nito para pumasok, wala na ito sa bahay. Nasundo na ng kupal na si Thomas. At iyon ang pangatlong kinaiinisan niya. Kahit man lang pag hatid sa bahay pauwi. Si Thomas na rin. Hatid-sundo ni Thomas si Miah araw-araw. So paano siya makakakuha ng tyempo?

Gusto niyang maintindihan at malaman ang ikinagalit ni Miah sa kanya. At pakiramdam niya ay may malaking kasalanan talaga siyang nagawa at hindi lang niya alam. That's why he need to talk to her. Pero paano? Iniiwasan nga siya ng mangkukulam.

Natapos na naman ang buong trabaho at nasal abas na si Thomas ng coffee shop at mukhang kupal nan aka sandal sa magarang kotse nito.

"Sir, gwapo ng manliligaw ni 'Te Miah ano?" siniko pa siya ni Julie habang pinupunasan niya ang mga mug.

"Crush mo si Thomas?" aniya.

"Sana. Kaso kay Ate Miah na siya, eh. Pero mas bagay talaga kayo ni Ate Miah. Kaso war kayo, eh. Inano mo na naman kasi, Sir?" Kunot nuong tanong sa kanya ni Julie habang hawak ang mop.

"Hindi ko alam. Wala akong ginagawa sa kanya. Bigla na lang siyang nagalit." Saka niya nilinisan ang coffee brewer.

"'Sus, baka naman kasi may nilalandi ka. Baka nagselos si Ate Miah?"

Napakunot noo si Red sa tinuran ni Julie. Tsaka sino ang pagseselosan nito? Tsaka may 'sila' ba?

"Ewan ko sa 'yo, Julie. Magtrabaho ka d'yan ng marangal at malapit na tayo mag close."


"P'RE," bati sa kanya ni Thomas. Sabay-sabay lahat silang empleyado na lumabas ng shop saka niya kinandado iyon.

"Thomas." Ganting bati niya. Kunwari busy siya sa pag lock ng kadena.

"Can we talk later? Sa Brocode Bar?"

"Sige." Pag payag niya. Pero nagtataka siya kung anong meron?

"Seven pm. Sharp."

Tumango na lamang si Red saka pumuwesto sa drivers' seat. Si Miah naman ay nasa loob na ng kotse at hindi naman nito narinig kung ano man ang pinag usapan nila ni Thoma.

Kinuha na niya ang bike sa garahe at hinatid niya ng tingin ang kotseng papalayo kung saan lulan si Miah.

Bakit parang pakiramdam ni Red ay palayo nang palayo sa kanya si Miah?


AT GAYA ng napag-usapan nila ni Thomas na magkita sa Brocode Bar, dumating si Red. Kasalukuyang busy sa counter ang kambal niyang kaibigan. Agad naman niyang nakita si Thomas na may tinutungga nang beer. At nakita niya ang dalawang boteng napataob na nito.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon