KABANATA 8
Makinis at maputi ang mukha, matangos na maliit na ilong, malinis ang kilay na hindi na kaylangang ahitan o kortehan dahil natural na natural at maganda ang pagkaka arko. Medyo bilog na mata at may kalantikan ng kaunti ang pilikmata. Makikipot na labi na natural na mapula.
Mukha talagang anghel si Miah.
Pero agad iwinaksi ni Red ang anomang naglalaro sa isip. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pinag aaralan niya ang kabuoan ng mukha ni Miah.
Ang ginawa niya, hinawakan niya ito sa pulso at ipinahawak niya ang payong niya.
Bago pa niya hindi mapigilan ang sarili ay lumayo na siya kay Miah at naglakad sa gitna ng ulan. Malapit lang naman ang parkehan ng mga bike kaya agad siyang sumakay sa bike niya para makalayo.
What happened a while ago? Why he felt something weird? Gulong-gulo siya. Para mapigilan kung ano man ang magawa niya ay nilayuan na niya si Miah.
Siguro na-intimate lang siya dahil maganda si Miah. Tama. That's it.
Mabuti na lamang ay naka hood siya. Ininda na niya kung mabasa man siya ng ulan. Hindi naman siya ganoon kabasa dahil mabilis siyang nakauwi. Ang kaso, nagalit sa kanya ang kanyang ina.
"Ano? Ipinahiram mo ang payong mo sa kaklase mo? Tapos ikaw nagpakabayani sa ulan?" sermon ng kanyang ina.
"'Ma, nakakaawa ang kaklase ko. Wala siyang dalang payong." Depensa niya habang nagpupunas ng buhok na basa. Naligo kasi siya pagkarating para hindi magkasakit mula sa basa ng ulan.
Nasa kusina silang mag-ina at ditto siya mismo sinesermonan. Habang sinesermonan siya ay nagtitimpla ang kanyang ina ng mainit na tsokolate at pinaghahanda siya ng miryenda.
Bigla siyang napangiti na kahit sinesermonan siya ng mga oras na ito ay inaalagaan naman siya.
"Oh? Hindi mo naman kasalanan na wala siyang payong." Sermon pa rin ng kanyang ina.
"'Ma, hindi naman niya inaasahan na uulan at tsaka, hindi siya masusundo ng kung sino mang susundo sa kanya. Ang mahirap pa, babae siya. Baka kung ano pang mangyari sa kanya doon kung maghihintay siya ng pagtila ng ulan. Konsensya ko pa ng hindi pagpapahiram sa kanya ng payong." Dahilan ko na lang.
Napabuntong hininga na lamang ang kanyang ina at inabot na sa kanya ang ginawa nitong mainit na tsokolate.
"Huwag ka sanang magkalagnat." Pumunta ang kanyang ina sa medicine cabinet at kumuha doon ng gamot. "Inomin mo ito pagkatapos mong mag meryenda."
Napangiti na lang siya.
"Masyado ka talagang mabait, 'nak."
Mas ngumiti siya ng malawak. "Wala akong magagawa, 'Ma. Pinalaki mo akong ganito."
Ngumiti ng magaan ang kanyang ina at lumapit sa kanya at niyakap siya habang nakaupo. Hinalikan nito ang kanyang sentido.
"'Love you, 'Ma." He said then he hugged her Mom's arm.
"'Love you too, 'nak. Buti na lang kahit malaki ka na hindi ka nahihiyang magsabi sa akin ng 'I love you'. Kaya naiinggit sa akin ang kapitbahay natin, eh." Natawang sabi ng kanyang ina.
Pati siya napatawa. "Bakit naman ako mahihiya kasi, 'nay? Kung ganoon ikinahihiya ko na mahal ko kayo." Sumubo siya ng tinapay. "'Wag n'yo rin pong kakalimutang uminom ng gamot, okay?"
Tumango ang kanyang ina at sinaluhan na siyang mag meryenda.
At pumasok ulit sa isip niya si Miah. Naalala na naman niya ang mukha nitong nasilayan niya ng malapitan kanina.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...