KABANATA 38

87 9 2
                                    

KABANATA 38


Nakarating na sa venue ng seminar sina Red at Gino. Inaantok man ay kaylangan nilang maging attentive sa seminar para sa thesis nila. At kapag wala silang na-gathered na information baka magbuga ng apoy ang dalawang babae na naiwan nila sa Quezon.

"I didn't expect na malaki pala ang venue. Ang daming tao." Ani Gio sa tabi niya na ngumangata ng sandwich na pabaon sa kanila nina Miah at Tiffany. Nagutom din siya kaya kumagat na rin siya tutal hindi pa naman nagsisimula ang seminar.

Pinasadahan ni Red ang flyer ng seminar. Apat ang guest speaker na nagmula sa mga malalaking kumpanya sa Pilipinas. Pero napakunot noo siya sa huling pangalan ng guest speaker.

"Hindi ako familiar dito sa Mendoza Group of Companies." Ani Red at dinungaw ni Gino iyong tinutukoy niya.

"Same. Wait, Google ko." Anito at nag browse sa cellphone. "Ay woah! Never heard about them pero sila pala ang may ari ng mga 'to." Pinakita nito sa kaniya ang list of businesses ng Mendoza Group.

"Woah. They owned this one of the top five star hotel dito sa Pilipinas pala? Sila pala may-ari n'on." Aniya at sa ibang businesses and establishments ay hindi na siya familiar.

"Manuo Mendoza ang name ng representative ng Mendoza Group ng seminar ngayon. She's the eldest daughter of Mr. Redixon Mendoza ang kasalukuyang Chairman." Tuloy pa rin ang pag scroll ni Gino sa screen. Mukhang na-curious na ata ito sa Mendoza Group. Kahit din naman si Red.

"They're so damn rich." Aniya at napasipol.

"Sobra. Kahit ilang generation ang dumaan sa pamilya nila hindi maghihirap. The fuck is this? Imagine, anak ka ng ganito kayaman?! Tangina kahit na humilata ka na lang buong buhay mo 'di ka mauubusan ng pera."

Natawa si Red sa pinagsasabi ng kaibigan. "Based dito sa bio ni Mr. Redixon Mendoza, dalawa ang anak niyang babae. They are both based in New York since may business sila roon. Branch siguro ng hotel. Sila siguro ang nagha-handle." Tinitigan ni Red ang picture ng may-ari ng Mendoza Group. The middle aged man seems familiar to him. Napakibit-balikat na lamang siya.

"So this is Manuo and Miore Mendoza. Damn, they're so gorgeous! Even their mom! Damn their genes!" dumungaw ulit si Red sa screen ng phone nito dahil na-curious din siya sa hitsura ng huling guest speaker nila mamaya.

"Damn, you're right." Pag sang-ayon niya.

Nagsimula na ang seminar at kahit na antok na antok sila ni Gino during seminar ay matindi ang pakikipaglaban nila alang-alang sa thesis nila. Nang tumayo na ang huling guest speaker pakiramdam ni Red ay nawala ang antok niya. Nagpakilala ito gaya ng pangalan nito sa flyer na representative ng Mendoza Group.

"Good morning, everyone! I'm Manuo Mendoza, President of Mendoza Group." Pakilala nito at buong-buo ang boses. Napanga-nga naman silang dalawa ni Gino dahil mas maganda pala ito sa personal. Dagdag pa ang ganda ng hubog ng katawan nito.

"Damn. If she joins Ms. Universe she might won." Ani Gino sa tabi niya.

"Yeah. She's indeed tall." Pag sang-ayon niya. Sana naman ay malapitan nila ito mamaya para makapag pa-picture for their documentations.

Nang matapos na itong mag speech ay pauyuhan sila ni Gino kung sino ang unang magpapa-picture.

"Brad, nahihiya talaga ako lumapit sa maganda." Ani Gino at nagbu-blush.

"Parang baliw 'to. Oo na ako na ang mag a-approach." Lumapit siya sa gawi ng mga guest speakers. Alang-alang sa kanilang documentations.

Pero ibubuka pa lamang niya ang bibig niya nang may lumapit na magandang babae kay Miss Manuo. Mukha itong nasa early forties na pero slim at maganda pa rin ang tindig nito. Hindi nalalayo ang hitsura ni Manuo sa nasabing Ginang.

"Anak, everything's done? Can we go now? We might be late sa lunch with your father." Anito kay Manuo.

Ah, mag-ina nga. He though.

Mukhang tagilid silang magpa-picture pero sa gulat ni Red ay biglang lumapit si Gino at ito na mismo ang nakipag-usap sa mag-ina para sa picture taking. Pumayag naman ang mga ito.

"Come on, Red. They are in a hurry." Ani Gino na naka pose na sa gulat na mag-ina.

Nang makuhanan na niya ng ilang shots ang mga ito ay nag suggest si Gino na siya naman ang kukuha ng litrato.

"I'm good. And okay na iyong pictures."

"Ayokong nalalamangan kita. Hurry up, they're in a hurry daw."

Nag atubili naman si Red na tumabi kay Manuo pero napansin niya na iba ang tingin sa kaniya ng Ginang. Nang matapos ang picture taking ay ramdam pa rin ni Red ang pag titig sa kaniya ng Ginang. Nakaramdam tuloy siya ng awkwardness.

"What's your name, Hijo?" nagulat si Red sa tanong ng magandang Ginang. Napatingin naman si Manuo at Gino sa kanila.

"Redenthor Cornejo, Ma'am." Natigilan ito saglit sa sagot niya.

"Are you a student?" Well, nananatili pa rin ang ngiti nito sa mukha.

"Yes po." Aniya at pakiramdam niya ay mauubusan siya ng laway sa lalamunan. Why is she so intimidating?

"What school?"

"Enverga University po. Sa Quezon Province. We're currently in our thesis making po that's why we attended this seminar." Sagot niya na baka magtanong pa ito ulit.

"Oh, I see. Good luck on your thesis then." Anito at niyaya na ang anak na umalis.

"Thank you, Ma'am."

Magkatabi na sila ni Gino nang magsalita ito.

"Bruh, what the hell was that? Baka nainis siya kasi inabala natin? Baka i-report tayo sa school." Tinitigan niya kung seryoso ba ang kumag na si Gino.

Seryoso nga.

"Baliw. Kaya nga sinabi kong nag te-thesis tayo assuming na need natin 'to sa project. And also they can decline us kung ayaw talaga nila. They said sure naman at hindi naman sila mukhang inis."

Inakbayan na lamang niya ang kaibigang masyadong nag o-overthink.


NANG KUMAKAIN na sila sa isang fast food ay nagbo-browse naman si Gino ng mga pictures na kinuha nito sa seminar. Natigilan siya sa pagsubo ng pagkain nang biglang kumunot ang nuo nito.

"Brad," tinapik pa nito ang braso niya at muntik pang mahulog ang pagkain niya.

"Bakit parang kahawig mo si Miss Manuo Mendoza? Look, hawig talaga kayo. Pag drinowingan kita ng hair mukha kayong kambal. 'Yon nga lang mas maputi siya sa 'yo."

"The fuck are you saying?" kumunot na rin ang nuo niya at pinagpatuloy ang pagkain. He's starving to death. Nainip siya masyado sa seminar.

"Oo nga brad. Hawig talaga kayo!" anito na ayaw pa rin tumigil sa pagsasabi ng mga nonsense na bagay.

"You're just exaggerating. Kumain ka na lang kupal ka."

"Baka kaya nakaktitig sa 'yo yung mother ni Miss Manuo Mendoza tapos tinanong ka."

"You're spitting nonsense." Umiling siya at hindi na inintindi ang sinasabing kagaguhan ng kaibigan.

Anyway, he will look for the pictures later dahil sila ang naka assigned sa attachment making.




A/N: Hello, guys! I know it's a short update after many months but huhu forgive me. I'm trying na magbalik sa writing, ang hirap magbalik kapag hindi ka pa fully motivated kasi chaar. Anyway, take care always, guys! Stay healthy!

210119

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon