KABANATA 11

416 19 8
                                    


KABANATA 11

"Puro selfie." Usal ni Red habang pinagmamasdan ang mga nakapaskil na mga litrato ni Miah sa ding-ding niti. Napatawa siya. Dahan-dahan niyang ibinaba sa malambot na kama si Miah. Humiga naman si Miah ng ayos at waring may inaabot at kinakapa.

"Naramdaman na siguro niya na nasa sariling kama na siya." Napangiti si Red. Siguro ang kinakapa ni Miah ay ang fluffy pink hotdog pillow nito kaya pinulot niya iyon sa kama at binigay kay Miah na agad na niyakap nito.

He smiled again. "Mas maganda ka pala kapag hindi ka nakasimangot o seryoso ang mukha mo."

Tinanggal na niya ang suot na sapatos ni Miah para makatulog na ito ng maayos. Pinagmasdan niya ang kabuoan ng kwarto nito. Simple lang at malinis. Iyon nga lang ay marami itong salfie sa pader na pahugis puso. She's really beautiful to all her pictures. Kahit ano pang klaseng hair style nito. Mapahaba o maikli.

Kung hindi lang sana nabasa ang phone niya ay kukuhanan niya ang hugis pusong mga selfie ni Miah sa pader.

Sunod niyang tiningnan ang study table nito. Alam niyang bago pumunta sa party si Miah ay nagbasa ito ng notes dahil naka bukas ang mga note nito. Na-motivate tuloy si Red.

"Even her penmanship is beautiful." Tinitigan niya ulit si Miah. Nalusaw na ang inis niya dito mula sa pagkatilapon niya sa pool kanina. "Kahit na mukha kang mataray alam kong may soft side ka rin. And I'm looking forward for it. I'll wait of that side of yours.

He went to the kitchen para i-check kung ano bang kinakain ni Miah. Napa-poker-face siya nang pag bukas niya ng ref na ang bumungad sa kanya ay puro junk foods at unhealthy drinks. Puro cup noodles pa.

"Psh. Kaya pala ang gaan-gaan niya."

Bumalik siya sa kwarto ni Miah at tinitigan niya ulit ito habang natutulog.

"I have to go home pero parang ayaw kitang iwan mag-isa. Sorry. But I'll be back."

Naninibago tuloy si Red sa kanyang sarili. He talked to Miah like that. But how he wishes he can able to talk to Miah like that habang gising ito at hindi siya tatarayan o pipilosopohin.

Umuwi na si Red.

But that night, before he left the house, he made a promise.

"Bahala na. But I will stick to her kahit itaboy niya ako."

Hindi niya alam kung bakit ba niya naisip iyon. Eh, hindi naman sila close ni Miah at malamang pagtatabuyan lang siya nito.

"Eh, 'di bahala na ang mga super hero na labas ang underwear."

KINABUKASAN maagang bumalik si Red sa bahay ng mga Serano. May dala na siyang almusal para kay Miah. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon, basta gusto lang niya.

Binuksan niya ang gate at agad niyang nakita si Barky na nagising dahil sa prisensya niya.

"Good morning, Barky." Bati niya sa malaking aso na napaka kapal ng buhok. Tumugon naman ito ng tahol at hinimas niya ang ulo nito. "Buti na lang hindi mo ako tinatahulan. Good boy!" tuwang-tuwa ang aso sa paghimas niya dito. Maya-maya pa'y umakyat na siya sa batong hagdan at pumasok na sa loob ng bahay.

Pinatay niya ang nagdaang ilaw kagabi. Alam niyang hindi pa nagigising si Miah kaya dumeretso muna siya sa silid nito. Muntik pa siyang mapatawa nang Makita niyang nahulog na sa sahig ang mga unan nito. Ang kumot nito ay malapit na ring mahulog sa sahig. Ibinaba muna niya muna niya ang dalang pagkain at inayos ang mga nahulog na unan. Kinumutan din niya si Miah dahil medyo malamig sa kwarto nito.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon