KABANATA 18

306 15 10
                                    

KABANATA 18

"May practice ulit kayo ng basketball?" tanong ni Miah nang matapos na ang kanilang last subject para sa araw na ito. Ikalimang araw nang regular practice sa sinalihang basketball team ni Red kaya naman hindi sila nagkakasabay ni Miah umuwi sa hapon. Ang set-up kasi, after ng practice ni Red sa basketball ay sinusundo niya si Miah para mag dinner sa bahay nila. Simula nang unang araw na mag dinner si Miah sa bahay nina Red ay naulit na iyon gabi-gabi.

"Oo, eh." Inaayos na ni Red ang mga gamit ni Miah at inilagay iyon sa pink niyang bag. "Tara na. Hatid na kita sa sakayan sa labas."

Ngumuso si Miah. Actually napag-isipan na niya itong plano niya kagabi pa.

"Pwede ba akong manood ng practice n'yo ngayon? Tapos sabay na tayo umuwi?" nakangiti niyang suhestiyon kay Red. Si Red naman ay nakatitig sa kanya.

"Sure ka ba? Baka mainip ka?"

Exaggerated siyang umiling. "Hindi. Promise. I'll behave." Nakataas pa ang isa niyang kamay.

Manonood lang talaga siya at hihintayin na matapos ang practice game ni Red. Hindi naman nakakalampas sa pandinig niya na madami palang fangirls itong si Red na mga high school student. Naririnig niya na nanonood diumano ang mga ito sa practice game ng college department.

Nang malaman niya ang balitang iyon ay kumunot ang noo niya. Aba, baka naman lumaki ang ulo nang kaibigan niya. Dapat malaman ng mga fangirl nito na may kaibigan itong tigre.

"Fine. Pero kung maiinip ka sabihin mo lang para maihatid kita sa sakayan para makauwi."

Mukha nga talagang hindi convincing si Red na manonood siya ng practice game nito. Aaminin niyang hindi siya mahilig sa sports. Since kaibigan niya si Red ay papanoodin at susuportahan niya ito.


NASA loob na sila ng gymnasium at napansin ni Red na parang mas dumami ata ngayon ang mga nanonood ng practice game nila compare noong mga nakaraang araw. Mas dumami lang siguro dahil may mga high school student na nanonood din.

"Dito ka na lang maupo. Mga two hours ang practice namin. Sure kang okay ka lang?" tanong ulit niya kay Miah. Ibang saya ang naramdaman niya nang i-suggest ni Miah na manonood ito ng practice game nila. Minsan naisip niya na yayain ito kaso baka mainip lang. Pero ngayon ito mismo ang nag suggest. Sana naman ay hindi ito mainip.

"Okay nga lang. Ayaw mo n'on. May magbabantay ng gamit mo dito. Kung nauuhaw ka lapit ka lang sa'kin." Tumango siya at ngumiti. May patubig naman sa kanila ang team pero mas iinumin niya ang galing kay Miah.

"Start na kami." Paalam niya at nag jog papunta sa court.

"Fighting!" pahabol ni Miah at kinindatan niya ito saka lumapit sa mga ka-team.


KININDATAN siya ni Red.

Kung dati ay naiinis siya sa mga ganoong gestures ni Red pero ngayon ay hindi na. Napangiti na lang siya. Kasabay ng ngiti ay nilingon niya ang ilang high school student na alam niyang nakatitig sa kanila ni Red kanina pa simula noong pumasok sila sa loob ng gym.

"Mainggit kayo ngayon." Sabay halakhak niya sa isip.

So... totoo nga ang balita. May fangirls nga ang Kokey. At karamihan ay habol ang tingin kay Red. At dahil masama ang ugali niya ay sisirain niya ang masayang araw ng mga high school student. Dapat umuuwi na ang mga ito pero nanonood pa ng practice game.

Nagsimula na ang practice ay nagsimula nang magtitili ang mga kababaihan. May mga fangirl din naman ang ibang ka-team ni Red pero naiinis siya sa mga nagche-cheer kay Kokey.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon