Happy birthday to me! Don't forget to comment and vote.
KABANATA 21
Sa Friday na ang intramurals ng college department at handang-hada na ang team na sinalihan ni Red para sa laban. Wala naman problema sa kanila kung matalo sila. Simpleng required activity lang naman iyon.
Lunes ngayon. At wala silang klase dahil papalapit na naman ang sem-break nila pero magkakaroon pa sila ng final exam. Naalala tuloy ni Red ang balak na application ni Miah sa coffee shop niya. Hindi niya inasahan na gustong magtrabaho doon ni Miah. Mukha naman itong seryoso. Then fine. But first, kaylangan niya muna 'ulit' amuhin ito. Of course, he kissed her yesterday. At hindi niya makakalimutan ang unang pagtatagpo ng mga labi nila. He can't help to smile.
"Anak, wala ba kayong pasok ngayon?" Nagaayos na ang ina ni Red para sa klase nito ngayong araw.
"Wala, 'Ma. Maglilinis na lang muna ako dito sa bahay hanggang alas diyes tapos saka ako pupunta ng coffee shop." Aniya habang pinaplantsa ang blusa ng ina.
"Eh, wala pala kayong pasok, bakit hindi mo imbitahan dito si Miah?" suhestiyon ng kanyang ina. Gustong-gusto talaga nito na palaging nasa bahay nila si Miah. Itinuturing na kasi ng ina niya na sariling anak na babae si Miah.
Miah is a daughter that her mother never has. Kaya ganoon ang trato ng kanyang ina rito kay Miah. Si Miah naman ay malambing din sa ina niya. Siguro'y nami-miss nito ang sariling ina na nasa abroad.
"She's busy, 'Ma." Walang lingon niyang sagot sa ina.
Wala siyang narinig na sagot mula sa ina. Alam na niya kapag ganoon ang reaksyon nito. Hindi ito naniniwala sa kanya. Eh, kahit naman inbitanhan niya si Miah ay hindi rin naman ito papayag.
Nang makaalis na ang kanyang ina ay si Miah pa rin ang nasa isip niya. Lagi namang okupado ng babaeng iyon ang isip niya simula nang makilala niya ito. Aaminin na niya, noong una nawe-wirdohan pa siya sa nararamdaman n'ya. Pero na-confirm niya iyon nang madalas na niya itong matitigan.
"Ano kayang ginagawa ng witch na iyon? If I'll visit her, baka itaboy lang niya ako." Pero may naisip si Red.
He will cook lunch for Miah. Pero hindi siya magpapakita. He's worrying. Baka tamarin na naman kasi ang babaeng iyon magluto at baka mag end-up na naman sa instant noodles o kung ano mang hindi masusustansyang pagkain.
I'll bring you lunch. Wag ka na magluto. – Red
Maya't maya ang sulyap ni Red sa phone niya kung nag reply ba si Miah. Nakaraan na ang isang oras ay wala pa rin. Okay, fine. Gustohin man ni Red na tawagan si Miah ay hindi niya magawa. Baka babaan lang siya nito o baka nga hindi pa sagutin ang tawag niya.
Napailing na lamang siya at nagluto.
NASA tapat na ng bahay ng mga Serano si Red. Inilapag na lamang niya sa harap ng pinto ang niluto niyang pagkain para kay Miah. Hindi na niya mabilang kung ilang Tupperware na nila ang nasa bahay ng mga Serano. Pero wala namang problema iyon sa kanyang ina. Nag doorbell na lang siya at umalis na.
Tulala lang si Red sa loob ng coffee shop at iniisip si Miah. Pero parang lalo siyang napapa-senti sa background music ng kanyang coffee shop. I'll Take My Chances ng The Click Five ang naririnig niya sa paligid.
Alam niyang napapansin ng mga crew niya ang pagiging tahimik niya.
"Sir, nag-away na naman kayo ni Ate Ganda?" puna ni Julie. Tiningnan niya lang si Julie at tamad na nag ayos ng mga mug at paper cup.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...