KABANATA 14
"All settled. Makakapag conduct na tayo ng outreach program sa Sariaya Orphanage on Saturday." Sabay umupo sa tabi ni Miah si Red.
Kasama ni Red ang dalawa nilang ka-grupo sa community service papuntang Sariaya Quezon para mai-settle nila ang gaganaping outreach program. Hindi na niya niyaya si Miah dahil ayaw niyang mainitan at mapagod pa ito. Siya na lang ang bahala mag propose sa orphanage at makipag usap kasama ang iba nilang kagrupo. Naghati na naman sila ng gagawin, bahala na daw si Miah sa documentation at sa budget basta si Red ang bahala sa mga kagamitan at transportation.
Wala na namang problema si Red sa gagamitin nilang sasakyan dahil nakahiram na si Red ng pick-up van kay Dale. Siya na lang din ang bahalang mag drive. Ang mga napili nilang pagkain during the program ay settled na din at iba na nilang groupmates ang magdadala sa meeting nila.
"This is a bit challenging. That's why we need everyone's cooperation." He said. Naamoy niya ang pabango ni Miah at simula nang lumapit siya ditto ay natandaan na niya ang amoy ng pabango nito. 'Di nga lang niya alam kung anong brand.
"Bakit? Wala ba akong cooperation? Por que hindi kita sinamahan pumunta sa location kanina pinaparinggan mo ko ng ganyan ngayon?" sarkastikong tanong ni Miah. Napakunot noo siya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.
"What are you talking about? Wala naman akong sinabi na wala kang cooperation." Ngumuso siya. Minsan, hirap din siyang intindihin ang mga babae. Gaya na lang nitong mabangong nasa tabi niya.
"Huh. Kunwari ka pa. Iyon naman ang gusto mong palabasin." Nakahalukipkip na si Mih sa tabi niya. Well, palagi naman itong mataray na nakahalukipkip tapos makataas ang dalawang kilay at ang mata nito'y akala mo lagi lalamunin ka ng buhay.
Hinilot ni Red ang sentido niya. Heto na naman tayo. He thought to himself. "Okay. Pasensya na kung iyon ang iniisip mo but I swear to God, hindi iyon pumasok sa isip ko. Convinced now?"
Hindi siya pinansin ni Miah at tumayo ito sa kinauupuan. Tumayo din siya at sinundan ito. "Look, bakit ka ba nagagalit?"
"Don't block my way o aapakan ko 'yang paa mo." Banta nito sa kanya.
"I'm not blocking your way. Sorry kung nainis ka sa sinabi ko I really don't mean it." Tuloy-tuloy pa rin si Miah sa paglalakad.
"Nakakainis ka kasi! We're groupmates! Tapos hindi mo man lang ako isinama sa pagpo-propose ng program natin sa Sariaya!" Sabay tuluyan na itong nag walk-out.
Ilang segundong napamaang si Red dahil sa sinabi ni Miah. Galit pala ito dahil hindi man lang niya ito niyaya na sumama. Ang kanya naman ay ayaw niya itong mapagod. Naisip niya, minsan talaga na akala mo na ang isang bagay ay okay lang sa babae 'yon pala ay hindi. Na-stress tuloy siya.
Nag jog siya palapit kay Miah. "I'm sorry hindi ko kasi naisip na magagalit ka. Ang akin lang kasi ayokong‒"
Naputol ang pagsasalita niya dahil lumingon si Miah sa kanya at may isinenyas sa taas.
Ladies room. "Oh, shit!" mura ni Red dahil isang hakbang na pala siyang nasa loob ng CR ng mga babae. Hiyang-hiya siya at agad siyang lumabas. "I'm sorry..." inirapan ulit siya ni Miah at nawala na ito sa paningin niya dahil pumasok na ito sa loob ng isang cubicle.
Tatlong minutong nag-antay si Red sa labas ng CR nang lumabas na si Miah. Mula sa busangot na mukha nito ay napalitan iyon ng pagkagulat. Ngumiti siya dito. Ngunit bumalik ulit ang simangot nito at napangiwi siya.
Naglakad na naman ito palayo at parang aso na sumunod na naman siya. "Hey, kaya hindi na kita niyakag kasi ayokong mapagod ka. Iyon 'yon. Hindi naman sa ayaw kitang isama. Ayaw lang talaga kita mapagod."
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...