KABANATA 25
A/N: Please don't forget to vote and comment. Thank you! <3
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maganda ang mood ni Red nang dahil sa nangyari kahapon. Bakit parang sapilitan ang pag-aya ni Thomas kay Miah kahapon? Napabuntong hininga siya at bumangon na mula sa higaan. Hindi bale na, magkikita naman sila ni Miah mamaya sa coffee shop.
Hindi naman niya hinayaan na wala siyang update kahapon sa dalawa. He texted Miah kung okay lang ito. Nagkwento naman ng pahapyaw ang dalaga. Kumain daw ang mga ito sa isang restaurant at namasyal kung saan-saan. Date na nga ang tawag d'on.
"'Nak, kain ka na." nakahain na sa hapag ang almusal. Tinulungan niya ang ina na mag salin ng kape nilang dalawa.
Napansin niyang mukhang nakabihis ang kanyang ina. May lakad ito? Sabado ngayon, ah.
"S'an ang punta mo, 'Ma?" sabay higop niya ng kape. Pakiramdam niya ay nabuhay ang buong katawan niya mula sa dalang init ng kape sa kanyang Sistema.
"Sa Maynila, 'Nak." Walang lingon na sagot nito. Abala ang ina sa paglalagay ng palaman sa tinapay nito.
Napataas naman ang dalawang kilay niya. Maynila daw? Ang layo naman. "Ano'ng gagawin mo d'on, 'Ma?"
Ngumiti ang kanyang ina. "Dadalawin ko 'yong orphanage na tinuluyan ko dati."
Tumango-tango siya. Ilang taon na rin pala noong hindi nakakadalaw doon ang ina niya. Sa totoo lang, hindi talaga taga Candelaria ang ina ni Red. Naikwento ng ina na sa isang orphanage ito lumaki. Kaya naman walang kinikilalang Lolo at Lola si Red. Namatay daw sa sakit sa puso ang Lolo niya. At ang Lola naman niya ay namatay sa aksidente. Nag i-isang anak lang ang ina niya kaya wala siyang pinsan na maituturing. Kaya ngayon, sila lang mag-ina ang magka-anak. Wala pa siyang ama. Pero ayos lang naman sa kanya. Masaya naman sila ng kanyang ina.
"Kaylan ang uwi mo, 'Ma?"
"Baka sa isang araw na. Tutulungan ko muna ang mga madre sa orphanage."
"Sige, 'Ma. Basta ang vitamins n'yo on time ang inom."
"Oo naman anak. Mauna na ako." Tumayo na sa hapag ang ina niya. Nakahanda na pala sa sofa ang dala nito. Ilang bag na Malaki at personal na bag nito.
"Hatid na kita sa sakayan, 'Ma."
"Sige, 'nak at medyo mabigat pala ito."
"Pagkababa n'yo ng bus magtaxi na lang kayo papunta d'on."
Tumango ang kanyang ina.
NANG MAIHATID ang ina at siguradong maayos ang aging upo sa bus ay umuwi agad si Red para mag-asikaso na papuntang coffee shop. Pero dinaanan muna niya si Miah sa bahay nito para sabay na sila papunta doon gamita ng kanyang bike.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...