KABANATA 29
"Ayaw mo pa rin akong kausapin?"
Agad naagapan ni Red ang muntik nang mabasag na mug na nabitawan ni Miah. Nabigla ito nang lumapit siya habang nakatalikod ito sa kanya.
"I'm sorry." Aniya.
Inirapan lang siya ni Miah saka ito pumunta sa table para linisin iyon. Sumunod naman si Red at tinulungan ito.
"Hey, ilang araw mo na akong hindi pinapansin ano bang nagawa kong mali?" kulang na lamang ay lumuhod si Red sa harapan ni Miah para malaman kung ano ba ang maling nagawa niya?
"Wala." Walang buhay na sagot ni Miah sa kanya habang pinupunasan ang lamesa.
Napangibit si Red sa sagot ni Miah. Ay wala naman pala pero bakit hindi siya kinakausap nito? Napakamot na lang si Red sa batok at patuloy na sinundan ang sinusuyong dalaga.
Na-realize ni Red na mas madali pang mag solve ng Math problems kesa i-solve kung paano sila magkakabati ni Miah. Ni hindi nga niya alam kung bakit ito nagalit sa kanya? Eh, ito nga dapat ang mag explain kung bakit hindi natuloy ang 'libre kuno' nito dahil kinansela nito at mamalayan na lamang niya na kasama na nito si Thomas. Naiinis na naman siya sa isipin na iyon. Pero dahil mahal niya si Miah siya na lang ang uunawa. Hindi naman siguro ito magagalit ng walang dahilan. Baka ayaw lang nito sabihin?
Inisip ni Red mula sa kailaliman ng kanyang isip kung ano ang rason kung bakit ito galit sa kanya...
Nang dahil ba kay Daniella?
"Okay, fine. If I did something wrong, I'm sorry. I'm so sorry." Aniya saka niya hinawakan ang balikat ni Miah para iharap sa kanya. Tatakas na naman kasi ito. Handa na siya sa matalim na tingin nito at handa na rin siya sa oras na basagin nito ang itlog niya.
"Let me go." Ani Miah at deretso itong nakatingin sa kanya. Bakit parang may kahulugan iyon? Bakit parang nasaktan si Red sa sinabi na iyon ni Miah?
Umiling si Red. "Ayokong pakawalan ka..." makahulugan din niyang turan.
"Isa..." banta na ni Miah.
"Kahit na tuhudin mo pa ako I won't let you go..."
Alam ni Red na nakikiramdam lang sina Julie at ang iba pa niyang crew sa paligid.
Pero nararamdaman na niya ang pagka-ilang ni Miah kaya naman ay niluwagan na niya ang pagkakahawak niya sa balikat ni Miah saka bumuntong hininga.
"Fine. We'll talk later. Marami nang customer."
Chance na sana iyon ni Red na makausap na si Miah ang kaso ay dumagsa naman ang mga customer. Hindi naman kakayanin ng mga crew niya kung hindi siya tutulong. Kaya naman hinayaan muna niya si Miah, palalamigin muna niya ang ulo nito at pansin naman niya na ayaw pa nitong makausap siya.
Pero bandang tanghali, nabigla si Red nang pumasok si Daniella sa coffee shop.
"Hi, Red." Bati sa kanya ni Daniella at ang lawak ng ngiti nito. Napansin din niya ang dala nitong paper bag.
"Naligaw ka ata rito?" aniya at binitawan muna ang hawak na tray. "Upo ka." Iginiya niya si Daniella sa bakanteng upuan.
"Hm, dinalhan kasi kita ng lunch. Hindi pa ako ganoon kagaling kaya tinulungan ako ni Mama." Sabay patong ni Daniella ng paper bag at naamoy ni Red ang nakakatakam na pagkain.
"Nag abala ka pa. Okay lang ako." Ayaw naman niyang tanggihan ito pero nagugulat lang siya sa ginagawa ni Daniella. Kung sana ay crush n'ya pa ito ay baka kiligin siya sa ganitong gesture.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...