KABANATA 12

389 20 2
                                    

KABANATA 12

Hindi maalis ang simangot sa mukha ni Miah nang matapos ang subject nila sa NSTP. Nagkaroon sila ng hatian sa dalawang grupo. At hindi niya nagustuhan ang naging resulta.

Kada sem mula first to second year nila ay kaylangan nilang may ma-accomplish na community sevice. Bahala na lang sila kung anong klase, marami naman silang pagpipilian.

"Tangina lang ng result! Why him?!" She quitely said. Wala namang makakarinig sa kung anong sasabihin niya dahil palagi siya sa likod umuupo.

She likes sitting at the back. Nawawala ang inis niya sa tao at isa pa, ayaw niyang tinitingnan siya, gusto niya siya mismo ang titingin sa paligid niya. Kapag may tumingin sa kanya, nakikita niya. Unlike kung sa harap siya uupo, hindi niya nakikita kung sino ang nagwawalanghiya sa likod niya.

Hindi niya alam pero parang nababasa niya ang bawat galaw at tingin ng tao. Dahil siguro masyado siyang observant simula pagkabata. She admit that she's a loner too like her sister Michaela, ang pinagkaiba lang, kusang ang tao ang lumalapit sa kanya. Unlike her sister, nilalayuan dahil mukha daw weird. Well, it's true.

"We have no choice. Kaylangan na nating pagplanuhan ang dapat nating gawin sa community service."

Nag angat ng mukha si Miah kay Red na ngayon ay nasa harap na niya. Iyon nga ang naging result, naging magkagrupo sila. Nasa Team B sila at kaylangan hatian ang magiging plano.

Mainit ang ulo niya. Bakit sa kamalas malasan ay pangalan nito ang nabunot niya kanina?

"Sit there." Nguso niya sa upuan na nasa tabi niya. Bakante iyon. Sumunod naman si Red.

Ang kabilang grupo ay kanina pang nagpaplano sa gagawing community service. Sila wala pang napapagusapan at siguro'y nainip na si Red kaya ito na mismo ang lumapit sa kanya.

Aba'y dapat lang.

Ang bawat grupo ay dapat mayroon dalawang leader. At para sa Team B, silang dalawa ang napiling leader ng Prof nila sa NSTP.

Kumuha ng ballpen at notebook si Miah. Mataman lang na nakahalukipkip sa tabi niya si Red at nakaharap ito sa kanya. Bawat galaw niya ay tinitingnan nito. Naiirita siya.

"Pag-usapan muna natin kung anong klaseng community service."

Tumango-tango si Red. "Pero dahil bago pa lang tayo sa ganito, mukhang 'di naman siguro tayo mahihirapan kung outreach program ang gagamitin natin."

"Whatever." Sabay irap niya. Sinulat niya iyon sa Notebook niya.

"Any suggestion place? What do you prefer? School? Village? Or orphanage?" Tanong ni Red sa kanya.

Buti naman at binigyan siya nito ng choices. Kung ito na naman ang magdedesisyon lalayasan niya ito.

"Orphanage." She answered.

"Orphanage then." Sabi ni Red at sabay hablot sa kanyang notebook at ballpen. Nabigla siya roon dahil dumikit pa ang daliri nito sa kamay niya.

May sinulat ito sa notebook niya.

"May alam akong orphanage malapit sa Sariaya. Wala pa namang trenta minutos ang byahe mula dito hanggang doon." May sinulat ulit ito sa notebook niya. Place ng kanilang community service. "We need to put some in-charge sa food. About the transportation siguro mag rent na lang tayo ng jeep para mas malawak ang malalagyan natin ng mga pagkain at kasya na tayong buong grupo d'on."

May napapansin siya. Bakit itong Kokey na ito na lamang ata ang nag dedesisyon?

"Bakit ikaw na lamang lagi ang nagdedesisyon? Why you're not asking me?" Irita niyang sabi.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon