KABANATA 3
Araw na ng entrance exam ng kursong Business Ad sa EU.
Maagang gumising si Red para paghandaan ang entrance exam na iyon. At habang bakasyon ay nag-aral talaga siya about business para naman may konting alam siya. Kahit na dinadaga ang dib-dib niya ay nilalakasan pa rin niya ang loob niya para sa entrance exam.
Pinalsak niya ang earphone niya sa tainga niya. Isinuot niya ang itim niyang baseball cap style. Sumalampak na siya sa bike niya at inilagay na ang hood ng jacket niya sa ulo niya at nagsimula nang pumidal.
Kapag nagsimula nang magbukas ang kanyang ipinatayong coffee shop ay bibili siya ng hulugang motorsiklo. Para naman mas madali na siyang makakapasok sa eskwelahan. Patapos na ang ipinapatayo niyang coffee shop at naghahanap na lang siya ng iba pang manufacturer para sa iba pang materyales na gagamitin sa coffee shop. Malaki rin ang naging tulong ng kanyang mga kaibigan para sa pinapatayo niyang business. Lalo na ang experience ng kambal na sina Dylan at Dale. Huling taon na ng mga iyon para sa college at mas malalaking business na ang hahawakan nila. Si Kyle naman sa Maynila nag-aaral at graduating na rin. Hindi nila masyadong nakakasama na ang isang iyon dahil sa sobrang pagka-busy. Wala na ata iyon panahon para mangbabae hindi katulad ng kambal. Si Ian naman may girlfriend na. At siya naman ay busy sa entrance exam.
Si Kyle ay kumukuha ng kursong Civil Engineering dahil may sariling Engineering firm ang pamilya nito. Si Ian naman ay sa Maynila rin mag-a-aral kasama ang girlfriend nito. Tulad niya, Business Ad din ang kukuhanin nitong kurso at kaylangan din nitong mag masteral dahil tagapag mana ito ng kumpanya ng magulang nito. Samantalang ang girlfriend nitong si Michaela ay Multimedia Arts major in Photography naman ang kukuhanin. Pero magkasama naman ang dalawa sa iisang university.
May isa pa siyang kaibigan na dumagdag sa tropa nila. Si Alex Crisanto. Schoolamte niya noong highschool. Kaklase niya ito noong first year highschool pero napalipat na ito sa ibang section nang mag second year sila. Hanggang sa mag fourth year hindi na niya ito naging kaklase. Pero ganoon pa man ay kaibigan pa rin niya ito. Kaibigan din pala ito ni Ian kaya napalapit na ito sa buong tropa. Alam niya ang istorya nito. Naging ex-boyfriend pala ito ni Michaela dati. Pero ngayon okay na ang tatlo. Mukhang awkward tingnan pero close silang tatlo.
Ang alam niya ay sa Maynila din mag a-aral ng college si Alex pero sa ibang university. Anak mayaman si Alex si Crisanto at kilala sa buong bayan ang angkan nito. Bukod doon ay kilala din ang pamilya nito sa Maynila. Nagmamay-ari din ng isang Engineering firm ang pamilya ni Alex. Ang alam niya ay may branch iyon sa Japan. Wala siyang masyadong alam sa mga ganoong bagay dahil hindi naman siya anak mayaman. Nalalaman lang naman niya ang mga ganoong bagay dahil sa mga tropa niya.
Thirty minutes pa naman bago magsimula ang entrance exam pero dagsa na ang mga estudyante sa EU. May mga kasabay din pala silang ibang course at napakaraming estudyante sa buong campus. Animo’y pasukan na.
Natapos na ang isa’t-kalahating oras ng examination. one hundred items ang coverage ng exam at aaminin ni Red na medyo nahirapan siya. Sa ngayon ay naghihintay na lamang sila ng result na ngayong araw din mismo i-a-announce.
Naka-upo siya sa unahan at hindi niya tinitingnan ang ibang estudyante sa likod. May ilan siyang nakitang kakilala niya at dating ka-schoolmate niya noong highschool pero taga ibang department. Sa business course ay wala pa siyang nakikitang kakilala. Buti na lang at marami silang lalaki.
Nakahalukipkip siya at prenteng nakaupo sa arm chair. Nag sa-soundtrip siya habang naghihintay ng result. Ang ilang estudyante na sa paligid ay nag da-daldalan lamang. Pero napapansin niya sa sulok ng mata niya na parang may nakatingin sa kanya. Hindi na lamang niya inintindi iyon dahil pumasok na ang watcher nila hudyat para i-announce na ang result.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...