KABANATA 26
"Bro, mukha kang tanga d'yan na kanina pang nakangiti."
Puna ni Dylan kay Red nang mapansin nito na umiinom lang siya ng beer. Nakikisali naman siya sa tawanan kapag nakukuha ng mga barkada ang atensyon niya. Pero maya-maya rin ay papasok na naman sa isip niya si Miah.
Lahat tuloy ng barkada ay tumingin sa kanya. Lahat ng mga ito ay may hawak ng beer at lahat din ay napahinto ang pag tungga sa tinuran sa kanya ni Dylan.
"Nothing's wrong with me." Aniya at tumungga ng beer.
"Tingin mo sa amin hindi ka namin kilala?" segunda ni Dale.
"Who is she?" nanunuyang nakatingin sa kanya si Kyle.
"Woah. Parang nahuhulaan ko na kung sino." Natatawang pumitik sa ere ng peanut si Alex.
"It's Miah. Sino pa?" ani Ian sa katapat niya at lahat ng barkada ay binigyan siya ng nakakalokong ngiti.
"Halata naman, Bro. Pero kaylan mo balak ligawan?" ani Dale.
Napalunok si Red. Halata pala ng mga ito ang pagtingin niya kay Miah. Pero ang dalaga ba alam nito? Ilang beses na niyang ipinakita iyon pero parang hindi pa rin sapat.
Nagkibit balikat na lamang siya. Pero sa gulat niya ay pinagbabato siya ng pulutan ng mga kaibigan.
"Gago. Nasaan ang itlog mo?" kantyaw ni Dylan.
"Guys, stop it. Nagsasayang kayo ng pagkain." Aniya habang pinapagpagan ang damit na puro korniks.
"Don't change the topic, asshole." Sigi pa rin ang bato sa kanya ni Kyle kahit na isa lamang ang gamit nitong braso.
"Kung maka-kantyaw kayo si Ian lang naman ang may girlfriend sa atin." Aniya. Natahimik naman si Kyle, Alex at ang kambal. Mukhang mga napahiya. Si Ian naman ay utas na ang tawa.
"Meaning, ako lang ang may balls sa atin?" ani Ian. Ito naman ang binato nila ng pulutan.
NAKA-UWI na si Red sa bahay nila at matutulog na nang maka-receive ng message mula kay Miah.
Naka-uwi na kayo?
-Witch
Ala una na ng madaling araw. Gising pa rin ito?
Yep. Nasa bahay na ako. Why are you still awake?
-Kokey
Subalit hindi na niya hinintay ang reply nito kaya tumawag na lamang siya. Agad namang sinagot ni Miah ang call niya.
"Hi." Bungad niya.
"Hello."
Napapikit habang nakangiti na lamang si Red nang marinig sa kabilang linya ang boses ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...