KABANATA 23
Kasama sa loob ng bahay ni Miah si Barky habang nakapamahinga ang ulo ng halimaw sa mga hita ni Miah. Hinahagpos naman niya ang ulo ng aso at binibigyan ng massage. Nakapag sarado na rin siya ng buong bahay at kung antukin man siya ay matutulog na lang siya.
Tulog na tulog na si Barky sa kandungan niya samantalang wala naman sa pinapanood sa TV ang atensyon ni Miah. Naiinis siya kay Red. Pero sa totoo lang, wala naman siyang dapat ikainis dahil malay ba naman nitong may sorpresa sila ni Ma'am Cornejo dito. Hindi naman all the time ay dapat masunod sa ayon at masunod sa gusto niya ang mangyari. Syempre, may sariling buhay si Red. Naisip tuloy niya na minsan ay bigyan niya ito ng privacy dahil hindi naman buong buhay nito ay dapat umikot kasama siya.
Sa kalagitnaan ng pagmumuni napatakip bigla si Miah sa ilong dahil sa mabantot na amoy.
"Umutot ka na naman ng walang pasabi, halimaw ka."
Nakangisi habang nakatingin lang sa kanya si Barky. Pero nabigla si Miah nang umalis ito sa kandungan niya at deretsong nagtatatahol sa tapat ng pinto. Nakasarado iyon. Kapagkuwan ay tumunog ang doorbell nila. Hinintay muna ni Miah ang pangalawang tunog. Napangiti siya nang maisip na baka si Red ang nasa labas. Baka nakauwi na ito sa bahay nila at nalaman ang naudlot na surpresa.
Ngunit napawi ang ngiti niya nang ang mapagbuksan sa pinto ay si Thomas.
Kaya pala tumahol si Barky. Never ng halimaw na ito tinahulan si Red. Kaya naman naiinis si Miah sa sarili niya dahil sap ag expect na si Red ang dumating.
"Hi, Miah. Mas maganda ka talaga kapag nakangiti." Sabay abot nito ng bungkos na bulaklak sa kanya.
Bakit naman kaya nandito si Thomas? Sa Maynila ito nag-aaral. Ang bilis naman ata natapos ng sembreak ng mga ito?
"Ano'ng ginagawa mo dito?" walang gana niyang tanong.
"Bakit? Hindi ka ba masaya? Dinadalaw kita. I miss you so much. Why are you not answering my call? Kahit text ko?" animo'y boyfriend niya ito kung magtanong.
"Umayos ka, Thomas. Hindi kita jowa. At tsaka, wala akong time mag load." Hindi totoo iyong huli. Simula nang maging close sila ni Red ay madalas nang may kargang load ang phone ni Miah.
"Fine. Fine." Nakataas ang dalawang kamay ni Thomas. "And here, pasalubong."
Tinanggap ni Miah ang isang kahon na medyo maliit. Alam na niya. Amoy pa lang nang nasa loob alam niyang chocolate cake iyon.
"Thanks," Pero kaylangan niyang pakitaan ng magandang pakikitungo si Thomas kahit papaano. "Pasok ka."
Sa totoo lang, noong highschool sila ay madalas pumunta si Thomas sa bahay nila. Kung ano-ano palagi ang dala nitong pagkain at regalo. At syempre... hindi mawawala ang bulaklak. Matagal na itong nangliligaw sa kanya.
"Thank you for letting me in." umupo ito nang maayos sa couch. Magkaharapan sila. Thank God at may suot siyang bra at hindi gaano kaigsi ang shorts niya. Inamoy niya ang bulaklak at alam niyang mamahalin iyon.
Hinahagpos-hagpos nito si Barky. Actually close naman ang dalawa, pero iba pa rin ang bonding ni Red at Barky.
Napailing si Miah. Nasa harapan niya si Thomas pero ang nasa isip niya ay si Red. Kalokohan ito.
Tinitigan na lamang niya si Thomas. Medyo gumanda ang katawan nito after ilang months silang hindi nagkita. Alam naman niyang mahilig din mag gym ang isang 'to. Pero sa hitsura nito ay parang hindi pa nakakauwi ng bahay.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...