KABANATA 13
"Dalawang estudyante po, Pacific Mall." Ani ni Red sa kundoktor para ticket-an sila. Doon ni Red napagpasyahan na bumili ng phone kasama si Miah.
Lihim na napangiti si Red nang tanggapin na niya ang ticket at simpleng tiningnan si Miah sa tabi niya. Naka pwesto ito sa tabi ng bintana at kunot noong nakatingin sa labas. Ngunit naramdaman yata nito ang pag titig niya rito kaya tumingin ito sa kanya. Nakita nito ang hawak niyang ticket at bago pa nito hablotin iyon sa kamay niya ay iniwas niya kaagad ito.
Ngumiti na lang siya at iniabot sa kundoktor ang bayad. "It's my treat."
"Bahala ka." Sabay irap ni Miah sa kanya at ibinalik ang paningin sa labas.
Alas tres pa lang ng hapon at mahaba pa ang oras nilang dalawa. Napangiti ulit siya ng lihim. Napakadali naman pala nitong pasamahin sa kanya. Ang tanging paraan lamang ay i-blackmail niya ito. Halos mapahagalpak pa siya nang tawa nang mapagtantong guilty talaga ito sa nangyari. Buti naman at naisip niya iyon para mahulog ito sa bitag niya.
Ito yata ang unang pagkakataon na nagtabi sila ng ganoong katagal. It feels weird pero hindi na ni Red binigyan iyon ng pansin.
Ni hindi man lang nagsasalita si Miah. Pati siya hindi niya alam ang sasabihin. May pagkakataon pang nagdidikit ang braso niya kapag biglang pe-preno o maaalog ang bus.
Naalala niya tuloy nang magawa niyang mahawakan si Miah. May pagkakataon naman na hindi niya iyon ginusto at kaylangan lang. Katulad noong muntik na itong makaapak ng dumi ng aso. Ayaw naman niyang umuwi ito ng pilay. Napagtanto pa niya kung gaano talaga ito kapayat dahil ang nipis ng bewang nito.
Halos umabot ng forty-five minutes ang naging byahe nila bago sila nakarating ng mall.
"Pag nakabili ka na ng phone, wala na akong atraso sa'yo!" Asik ni Miah sa kanya habang sila'y papasok na ng mall.
Hindi na ata mabilang ang ilang lalaki ang napansin ni Red na lumilingon kay Miah. Lalo pa't naka skirt ito dahil sa uniform. Hindi naman iyon gaanong maigsi pero nakakaagaw pa rin ng pansin sa mga kalalakihan.
Inilabas niya ang pula niyang jacket sa bag at walang paliguy-ligoy na ipinulupot niya ang manggas niyon sa bewang ni Miah para kahit paano'y matakpan ang nakakaakit nitong hita.
"Ano'ng ginagawa mo?!" Saway ni Miah sa ginagawa niya.
"Pwede bang hayaan mo na ako. Magagalit ka na naman sa akin, eh, may kasalanan ka pa nga sa akin." Sabay iling niya.
"Bakit mo kino-cover-an ang likod ko? I don't have my periods right now!"
Napakunot noo si Red at ngumisi siya. "Not your back. Your legs."
Parang hindi pa rin na-gets ni Miah ang ibig niyang sabihin.
"Ano'ng problema ng hita ko?!"
Nasapo na naman ni Red ang noo niya. "It's seducing." Nag tiim bagang siya. "Hindi ko na alam kung ilang kalalakihan ang sumipol d'yan sa hita mo. And I damn hate it." Seryoso niyang sabi.
Napamaang naman si Miah at hindi na ito umimik.
Good.
Pero malapit na sila sa helerang booth ng mga gadgets nang umimik ito sa likod niya.
"Dapat pala tinakpan mo iyang mukha mo dahil marami ding kababaihang lumilingon sa tumitingin sa'yo." Nakahalukipkip si Miah habang tumatawa.
"I don't think it's a compliment or a joke. But and thanks and it's not funny." Sabay tawa niya ng pagak. Akala naman ni Miah Serano hindi niya ito kayang basagin.
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...