KABANATA 1
Maagang pumasok si Red sa eskwelahan pero late na siya ng pumasok sa classroom. Bago siya magtungo sa classroom niya dumederetso muna siya sa student council office. Gawain na niya iyon araw-araw. At pagkatapos sa student council office ay sa library naman siya pumupunta dahil isa siyang student assistant. Bukod sa pagiging vice-president ng buong school ay isa rin siyang student assistant. Sa library ang pinaka trabaho niya. Kaylangan niya iyon para ma-maintain niya ang scholarship niya sa eskwelahang ito. Syempre, hindi rin siya nagpapabaya sa grado niya.
Ngayong taon na siya ga-graduate sa high school. Pinaghahandaan na rin niya ang pagtungtong sa kolehiyo. Syempre, kaylangan niya ulit ng scholarship. May isang university dito sa Quezon na kapag na-meet ang passing grade sa entrance exam ng kung ano mang naisin kurso ay magiging scholar. Nakapag inquire na siya sa university na iyon. Wala siyang balak na mag-aral sa Manila dahil ayaw niyang malayo sa kanyang ina. Wala itong magiging kasama pagnagkataon.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may mabunggo siya pagkaliko niya ng hallway. Tiningnan niya kung sino ito.
Miah Serano. Ang kilalang pinaka mataray sa buong school. Yes, he knows her. Sinong lalaki sa buong campus ang hindi makakakilala sa magandang mataray na babaeng ito? Bali-balita ay magaling itong mangbasag. Hindi mo gugustuhin na kausapin ito ng hindi maayos dahil masa-sampolan ka ng matinding katarayan nito. Pilosopo din daw ito. Sarcastic at may pagka sadista. Idag-dag pa na maldita din ito. Lahat na yata nasa babaeng ito. Kaya ang ilang kalalakihan nacha-challenge sa babaeng ito but they ended up crying. Walang nakapag paamo sa babaeng ito. Wala ni isa.
Nakakasalubong niya minsan ang babaeng ito pero hindi na lamang niya pinapansin. At kapag nakakasalubong niya ito ay parang hindi siya nito nakikita. Well, hindi na lang niya iniintindi dahil hindi naman kawalan sa kanya ang atensyon nito. Hindi rin ito 'yong tipo na ito ang unang mamamansin. Ikaw pa mismo ang dapat pumasin dito. This girl is really annoying.
“Naku, Miss, sorry.” Paumanhin niya. Kunwari ay hindi niya kilala ito.
Ang sama ng tingin sa kanya ni Miah. Parang nakikita niya sa loob ng isip nito na nilalagari nito ang ulo niya sa galit.
Napalunok siya. Uh-oh. Mukhang makakabangga pa niya ang kilalang mataray sa school na ito. Pero humingi na naman siya ng tawad kaya palagay niya’y okay na iyon.
Pero mukhang hindi. Galit na galit ang mukha nito. Hindi naman niya sinasadya na mabunggo niya ito, ah. Pero nagtaka siya sa hawak nitong lamesa. Para saan iyon?
“May mata ka?” sabi nito na agad na nagpakunot sa noo niya. Bigla siyang nainis. Hayan na, mukhang magkakagulo na silang dalawa. “Next time paki gamit ha? Huwag mong ibulsa.” She said in sarcastic at inirapan siya nito.
Aba’t! Bulong niya sa isip pero pinigilan niya ang sarili niyang patulan ito. Babae ito at isa siyang student council vice president. Baka magkamali pa siya kung hahayaan niyang lumabas ang inis niya.
“Teka, Miss, nag-sorry na nga yung tao, eh.”
Tumaas ang magandang kilay nito. “Ops, my bad. Tao ka pala, hindi kasi halata, eh.”
Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa bun-bunan niya. Ininsulto siya ng babaeng ito! Ito ang kauna-unahang nagsabi sa kanya ng bagay na iyon. Hindi siya mayabang pero alam naman niya sa sarili niya na may hitsura siya. Alam niyang maraming babaeng naghahabol sa kanya kahit hindi siya ma-pera. Maraming babaeng gustong makuha ang atensyon niya pero hindi niya pinapansin. Pero ang sinabi sa kanya ni Miah ang nagpababa sa ego niya. This witch!
“Anyway, tutal may kasalanan ka sa akin, paki dala na lang nito sa room 402 then punta ka sa room 403 at kuhanin mo d’on ang chair ko. And then, dalhin mo din sa room 402, okay? Para ma-accept ko na ang sorry mo.” Patuloy nito.
What the hell?! Hindi ba siya kilala ng babaeng ito? Hindi ba nito alam na siya ang vice president ng student council? Ng buong campus? Hindi man lang siya ginalang nito! Siya si Redenthor A. Cornejo at siya ang Student Council’s Vice-President at isa rin siyang magiting na SA!
Napangiti na lang siya sa inis. At ang ikina-sorpresa pa niya ang pag ngiti rin nito ng nakakainis. Pero ginawa niyang nakakaloko ang ngiti niya. Nang agad niyang napansin ang pagtataka nito ay pinawi na niya ang ngiti niya at pinatigas ang tingin niya sa babaeng ito sabay sabing:
“Mukha mo!” sinabi niya iyon sa mukha mismo nito. Papatunayan niyang hindi lahat ng lalaki ay kaya nitong pasunodin sa pamamagitan ng pagtataray nito. Minsan, kaylangan nitong lumugar at kilalanin kung sinong taong babanggain nito. Hindi lahat ay takot sa kanya. At papatunayan niya iyon.
Tinalikuran na niya ito at bumaba na siya ng hagdan. Narinig niyang sumigaw ito.
“Go to hell!”
Humagalpak siya ng tawa. “See you there na lang, Miss!” segunda niya.
Napailing na lang siya. Alam niyang hindi tama ang ginawa niyang pagsigaw kay Miah. Pero nainis lang naman siya kaya niya nagawa iyon.
That girl! Umakyat ulit siya para balikan ulit ito para humingi ng pasensya. He didn’t really mean it. Nabigla lang siya sa inis dahil umaga pa lang ay pagod na kaagad siya. Stress siya sa daming gawain sa office tapos late pa siyang papasok sa room.
Pero pagbalik niya sa lugar kung saan siya nagkabunggo ay wala na si Miah.
“Ang bilis naman n’on.” Luminga-linga siya sa paligid.
Naalala niya ang sinabi nito na papunta ito sa room 402 dala-dala ang isang table. Baka naglilipat section ito. Bakit naman kaya? Pinatalsik ba ito sa dating section nito dahil sa kasamaan ng ugali? Baka nga.
Pero mukha itong kawawa kanina sa pagbubuhat ng table. Kung hindi lang siguro siya tinarayan nito ay baka siya na ang magbuhat ng table na iyon papunta kung saan.
Naalala rin niya na may upuan itong pinapakuha sa kanya sa room 403. Pumunta siya roon para kuhanin.
“Oh, vice-president, napasyal ka sa classroom namin.” Bati sa kanya ng isang estudyante.
“May kukuhanin lang akong upuan. 'Yong walang lamesa.” Sabi niya.
“Kukuhanin mo ba ang upuan ni Miah? Banda d’on ang upuan niya.” Tinuro nito ang pinaka huling bakanteng upuan na wala nang table. Pinaka-dulo iyon at katabi ng bintana.
“Salamat.” Dumeretso siya doon para kuhanin. Pero bago niya kuhanin lumingon siya sa nakasunod pa ring estudyante sa kanya. “Bakit nga pala dinadala ito ni Miah sa ibang section? Pinalipat ba siya ng section?” tanong niya dahil pinapatay na siya ng kuryosidad niya.
“Hindi. Nagpalipat talaga siya sa section 2. Tinanong naman namin siya kung bakit. Sabi niya ang papangit daw namin kaya ayaw na niya sa section na ito. Grabe talaga si Miah Serano.”
What the hell?! Napamura siya sa isip niya. 'Langya! Excuse na ba 'yon?! Napailing na lang siya at binuhat na ang upuan para ihatid sa room 402. Pero nanumbalik na naman ang inis niya kay Miah. Bakit ganoon ang ugali ng babaeng iyon? Puro naman magaganda ang hitsura sa klase ng 403.
Sa inis niya iniwan na lang niya ang upuan kung saan sila nagkabangga kanina.
“Tsk. Iba ka talaga, Miah Serano.” Saka niya iniwan ang upuan nito na puro vandal at nagtungo na sa room 401 kung saan ang section niya. “Now I’m damn late!” halos takbuhin na niya ang corridor dahil five minutes na lang ay tutunog na ang bell para magsimula na ang klase.
A/N: Kung natatandaan n’yo ang scene na ito sa I Love That Weird Girl…
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...