KABANATA 9
Nagkaroon sila ng long quiz sa isang subject nila. Mabuti na lamang ay nakinig ng maayos si Red sa lecture kaya naman ay mataas ang nakuha niya.
Mataas na iskor din naman ang nakuha nina Gino at Tiffany pero talagang hinangaan na naman siya ng kanyang mga kaklase.
Naniniwala si Red na hindi siya ganoon katalino basta ang mahalaga ay lalawakan lamang ang pang unawa para matuto. Iyon ang sekreto niya kung bakit siya nakakakuha ng mataas na grado.
Pero nahulog na naman siya sa malalim na pag iisip. Yes, he's satisfied of the score he got. Pero hindi niya inakala na muntik na silang magkapareho ng nakuhang iskor ni Miah. Lamang siya dito ng dalawang puntos lamang. Naisip niya, kung hindi pala niya gagalingan ay malalamangan siya ng babaeng iyon.
He was surprised that Miah Serano is smart. Magaling ito sa klase at napapansin na iyon ng karamihan. Pero ramdam niya na mas humahanga pa rin sa kanya ang buong klase. Basta ba ma-maintain niya na natataasan niya ito.
But wait, nakikipag kompetensya ba siya sa babaeng iyon?
Dapat nga hindi na niya iniintindi ang babaeng iyon dahil aksaya lamang ito sa oras niya. Pero talagang kusang pumapasok sa isip niya si Miah. Isa pa, napapansin niyang nadidistract siya tuwing may lecture. Bigla bigla ba naman itong papasok sa isip niya.
Napailing na lamang siya at simpleng nilongon ito.
Nabigla siya nang may kakwentuhan na ito ngayon. Aba't natuto na rin makipag socialize. Noong mga nakaraang araw kasi madalas niyang napapansin si Miah na mag-isa. Hindi na siya magtataka kung bakit. Malamang, natatakot o naiilang kay Miah.
Mabuti na nga lamang ay may nakakasabay itong kumain sa tanghali. May mga kaibigan naman ito pero alam niya at ramdam niya na hindi si Miah ganoon kalapit sa mga kaibigan nito. He didn't know why?
Basta ang mahalaga ay ayaw niya itong mag isa kahit na mataray ito.
He remembered Michaela Serano. Ang kapatid nito. May similarities din pala ang magkapatid. Ang pinagkaiba lang nila, si Miah lumalaban samantalang si Michaela, mas pipiliing manahimik na lamang at umiwas sa gulo. Pero ang kaso, nasasaktan naman ang huli kapag lalong hindi namansin. Kaya kung si Red ang papipiliin, mas gugustohin niyang maging mataray na lamang kesa naman manahimik sa isang tabi. At least kahit papaano hindi siya mabu-bully.
Napailing na naman siya. Ano na naman ang pinag i-isip ko. Peste.
Kinuha na lamang niya ang libro niya na gagamitin nila sa susunod na klase. Mag a-advance reading na lang siya para sa susunod na klase may idea na siya.
Fifth teen minutes na ay wala pa ang kanilang prof. Maya-maya ay dumating sa room ang English professor nila para i-announce na hindi makakapag klase ngayong araw ang prof nila para sa subject nila ngayon.
"Woah, wala ang prof! Alam na this!" ani Gino. Huling subject na nila para sa araw na iyon at ibig sabihin ay uwian na.
"Ang saya an gaga natin u-uwi kaso..." tumahimik sandali sa pagsasalita si Tifanny at tumingin sa labas ng kanilang room. Napatingin sa labas si Red at Gino. "...ang lakas ng ulan."
"Tuwing hapon talaga palagi na lang umuulan. Bukas nga magdadala na ako ng jacket. Payong lang ang nadadala ko. Kakaiba naman dito sa bayan na ito, pag umuulan sa hapon sobrang lamig."
Salita ng salita si Gino nang maalala ni Red ang nangyari kahapon. Naisip niya si Miah.
"May dala kaya siyang payong?" awtomatikong lumabas iyon sa bibig niya.
"Ha?"
"May sinabi ka, Red?"
Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang dalawang kaibigan na nakatinging nagtataka sa kanya?
Bigla siyang umiling. "Hindi wala. Naisip ko lang kung nadala ko 'yong payong ko." Nagkunwari siyang hinahanap ang payong niya. Oo. May dala siyang payong. Isinoli iyon sa kanya ni Miah kanina. Hinding-hindi niya makakalimutan ang matinding inis na naramdaman niya kay Miah kanina.
Bakit ba ako mag aalala kung wala siyang dalang payong? Nakakainis kaya ang babaeng iyon.
Bumuntong hininga siyang habang ang mga kaklase nila ay naglalabasan na para umuwi.
Biglang nag vibrate ang phone niya. May na-received siyang message galing sa dati niyang classmate. Nag i-invite ito para sa birthday party nito sa darating na lingo.
He will come ofcourse. He is one of his closest friend noong high school so why he wouldn't come. It's a night pool party mismo sa bahay nito. Malayo pa naman ang Prelim exam nila kaya okay lang kahit gumala-gala siya kahit papano.
He glances at Miah for a second. Nakatingin din ito sa phone nito at sigurado siyang naka-received din ito ng invitation. But he doesn't know if that girl will come. Bakit nga naman hindi siya i-inbitahin ni Thomas, eh, natatandaan niyang nangliligaw ang kulogo sa witch na iyon. Noong third year pa sila at hanggang ngayon! Baka nga si Miah pa ang gawing date nito.
Nahuli siya ng mangkukulam na nakatingin sa kanya!
Holy shit!
Binigyan na naman siya ng matalim na tingin nito. Agad siyang umiwas ng tingin.
Tigilan mo na nga ang pagtingin-tingin sa kanya mamaya kulamin ka nang mangkukulam na iyon.
Marunong mangkulam si Miah?
Magandang mangkukulam?
Syempre, mangkukulam marunong sa spell. Pinapaganda niya ang appearance niya sa likod ng nakakainis niyang attitude.
The fuck just get out of my mind!
"Ang lalim ng iniisip mo, Red."
Saka pa bumalik ang isip ni Red sa realidad nang marinig niya ang magandang boses na iyon. Agad niyang nilingon ang magandang babaeng tumawag sa kanya. Hindi pa man niya nakikita ang mukha nito but he knew who owns that angelic voice.
"Daniella.." pakiramdam niya ay lumulutang siya. Ang ganda nito. Habang tumatagal mas gumaganda si Daniella.
"Hi, Red." Ngumiti ito ng matamis sa kanya.
"H-hello." Kulang na lang ang pakpak at belo ay mukha na talaga itong anghel.
"Kumusta ka, Red? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo kanina?"
Nag-isip siya ng dahilan. "Oh, that. I've just received an invitation from Thomas. Birthday niya sa Sunday."
"Yeah. Naka-received din ako ng message ngayon-ngayon lang. I'm going to come. Ikaw?"
Lumundag ang puso niya!
She's coming!
"Ofcourse. Hindi pa naman ako masyadong busy next week. Malayo pa naman ang prelim."
"That's good. Para na rin tayong nagkaroon ng high school reunion although wala pang isang taon tayong graduate sa high school." She said.
"Yeah." Tumang-tango siya. May gagawin kaya si Daniella? Sa ayos nito ay parang pauwi na rin ito gaya niya.
Naisip niya imbitahan itong magkape sa coffee shop niya. Alam niyang hindi pa ito nakakarating doon o siguro naman ay nakita na nito ang shop niya.
"Uh, are you busy today? Gusto mong mag coffee tayo?" He said while smiling. Ngumit nawala ang ngiti niya nang pumagitna si Miah sa kanilang dalawa.
"Kanina ka pa ba dito, Daniella? Sorry, I just fixed something. Let's go?" sabi ni Miah habang nakatingin kay Daniella. Si Daniella naman ay tumingin sa kanya na may halong paumanhin.
"I'm sorry, Red. Maybe next time. May lakad kasi kami ni Miah ngayon. See you again!"
Umalis na ang dalawa habang nakaawang ang kanyang bibig. Ganoon kabilis lang nakuha ni Miah si Daniella sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay karibal niya si Miah! Bakit ba si Daniella pa ang best friend nito?
Kumunot ang noo niya at huminga ng malalim.
"Miah Serano, sa maghapong ito ilang beses mong sinira ang araw ko." He whispered.
Nakasunod pa rin ang tingin niya sa dalawang babae. Nakita niyang lumingon sa kanya si Miah. Inirapan siya nito.
"What now again?!"
BINABASA MO ANG
Just the Girl
RomanceIpinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang langis at tubig sila na hindi maaring magkasama. Palagi silang nag-aaway ng babaeng ito. Ayaw na ayaw pa nitong mapapa dikit sa kanya na animoy...