020215- Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagyaya akong pumunta ng internet cafe para mag-update ng Strawberry Special sa mismong araw ng kaarawan ni Victoria Song ng f(x) na portrayer ni Strawberry. So ayan, enjooooy!
-----------3rd Person’s P.O.V.------
Aligagang-aligaga sa kusina sina Seven at Peach. Naghahanda sila ng makakain para mamaya sa pagbisita nila.
“Oy Seven, kung manggugulo ka lang, pwede bang maupo ka na lang diyan sa tabi?” Sabi ni Peach. Naka-yakap kasi si Seven sa kanya habang naghihiwa siya ng mga rekados.
“I feel cozy here.”
“Cozy! Sus, maghiwa ka na nga lang ng manok. Mas makakatulong ka pa.” Binigyan naman ni Peach si Seven ng kutsilyo. “’Wag puro landi honey.”
Naka-back hug parin si Seven kay Peach habang nagsisimulang maghiwa ng manok na naka-ngisi.
“Sabihin mo sa’kin kung kailan kita ihahatid sa Muntinlupa. Mukhang adik ka na eh.” Sabi ni Peach.
“Adik sa’yo.” Ngumiti naman si Seven sabay kindat kay Peach.
“Isang hirit pa ha? Ba’t ka kasi nakangisi? Nakakaisip tuloy ako ng masama sa’yo.”
“HAHAHAHA!” Tumawa pa ng malakas si Seven at tumigil din pagkatapos, “Tinawag mo kasi akong Honey.” Pabulong niyang sabi.
“Ha? Hahahaha, Yun lang?”
“Uy, hindi yun simpleng honey lang para sa’kin ah.”
“Hay nako, ang babaw ng kaligayahan mo baks.”
“Ikaw lang naman kasi ang kasiyahan ko.”
“Ases, tama na ang landi, magluluto pa tayo ng arroz caldo.”
“Bukas na pala ang birthday ni Strawberry ‘no?” Tanong ni Seven habang naghihiwa ng manok.
“Oo, tas nasa ospital pa siya. Ang swerte talaga ng kaibigan ko ‘no?” Pa-sarkastikong sabi ni Strawberry.
“Ano ba kasing pinag-gagagawa ng bespren mo kaya siya nagka-beke?” Matatawa sana ulit si Peach nang narinig niya ang kung anong meron ang kaibigan niya nang binalaan siya ni Seven. “I mean, hindi ordinaryong beke.”
“Ewan ko dun. Naaawa nga ako nung isang araw sa kanya. Ansakit daw kasi ng leeg niya. Akala namin, simpleng stiff neck lang yun.”
“Tsk. Kawawa naman si Berry. Nagkaganyan din ako noon eh.”
“Kaya nga dadalhan natin siya ng arroz caldo diba?”
“At dapat, made with love.” Nginitian ulit ni Seven si Peach. Yung ngiting in love na in love.
Suskopo! Konti na lang at matutunaw na ako sa mga ngiting ‘yan. Lesh! Nakaka-in love! Sabi ni Peach sa sarili.
“Oh? Nakatingin ka na naman? Pogi ko ‘no? Ahe, in love na ‘yan sa’kin.” Or not?
“’Hoy! Wag kang nagbubuhat ng bangko.” Naghugas siya ng kamay at pagkatapos ay humarap kaagad kay Seven, “Pero---gwapo ka nga lovey.”
Kinorner naman siya ni Seven sa counter top at lumapit ito ng kaunti sa kanya.
“Binobola mo ba ako lovey? Hahaha!”
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
Chick-Lit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...