Chapter 28

230 3 3
                                    

010415- Yaaaa! Ang awkward i-type ng "15". Happy New Year Hacienderos & Hacienderas (May fandom name na daw tayo. Awi <3) Dedicated sa inspirasyon ko, si Ate Jade. Ayan, enjoy!

------3rd Person’s P.O.V.------
“January na, hanggang ngayon, di parin nagpaparamdam yung gwapo kong jowa.” Reklamo ni Cherry sa barkada.

“Tsk, ano na ba kasing nangyari sa taong yun?” Tanong ni Peach.

“Aba malay ko.”

“Wala ka ba talagang kahit konting connection dun?” Tanong ni Strawberry. Hindi na kayo dapat ma-bigla sa pagbabago niya.

Nakalista na sa New Year’s resolution ang kamalditahan niya. At isa pa, uso naman daw sa kanya ang metanoia.

“Wala talaga eh. Sigurado akong may British baby na ‘yung lalaking yun. Kilala niyo naman ang tatay nun diba? Ayaw niya sa’kin. Edi maghahanp nalang din ako ng bago. Bahala siya sa buhay niya diyan.” Sa halip ay si Cherry na naman ang naging bitter.

“Hoy hoy hoy, anong maghahanap ka ng iba? Paka-loyal ka uy, sira ulo ka ba?” sabi ni Apple. Katabi din niya si Nathan. “Ikaw Nathaniel, may alam ka ba dun sa kaibigan niyo?”

“Kahit kami nga ng four and dime, walang narereceive mula sa kanya.” Sabi ni Nathan, tumango nalang si Seven for approval.

“Wala nga rin yung account niya sa twitter, instagram at facebook.” Sabi ni Paul.

“See? Nakalimot na. Sus, hindi na babalik yun. Asa pa ako.” Tinitingnan lang nila si Cherry na parang konti na lang ay tutulo na ang luha. “Hindi nga ako nakatanggap ng kahit PM sa facebook nung Christmas at New Year, lalo na nung anniversary namin. Amazing talaga.”

“Ikaw Ram? Kayo naman ang close ni Lance, may balita ka ba?”

“Wala din kaming balita ni Emmy sa kanya.” Sabi ni Ram.

Nasaan nga ba sina Peach, Strawberry, Cherry, Apple at Seven? Ba’t ba nila nakasama sina Paul, Ram at Nathan? Simple, nasa LVVU sila. Tutal naman daw at walang klase, bakit di daw sila bumisita sa kabilang school? Kaya ang nangyari, doon nga sila nagstay.

“Ako na yung out of place sa’ming magkakaibigan. Punyemas naman kasi si Lance eh.” Sabi ni Cherry sabay punas sa tumutulong luha sa pisngi niya.

Kinomfort naman siya ng mga nasa table.

Mahirap nga din kay Cherry ang ganun, simula nung nakidnap siya at inilayo sa kanya si Lance, eh hindi na niya naka-usap o nakatext man lang ulit si Lance. Yung nararamdaman niya sa loob ng isang taon at ilang buwan, parang wala na rin siyang boyfriend dahil sa ginagawa ni Lance.

“Diba nga sabi nun babalik daw siya?” Tanong ni Apple kay Cherry.

“Kailan pa nga ang sabi niyang babalik? Kapag natapos na ang limang lustrum? 25 years ganun?” Nabigla naman ang lahat nung nagalit ulit si Strawberry, mula December kasi, nung sinabihan siya na ‘wag nang magmaldita at maging mabait ulit, eh ganun na nga ang ginawa niya.

“Uy, kalma.” Sabi ni Cherry sa kaibigan.

Por favor mantengan la calma hermana.” Saway ni Paul kay Berry.

“Ha? Ano Paul?”

“Pwede be kalma ka lang? Para namang ikaw ang girlfriend ni kuya Lance.”

Umupo naman si Strawberry sa upuan na parang cool na cool lang, “Aw, sorry naman ‘no.”

“Wala namang problema yan eh. Maghanap ng iba! Sus.”Diretsahang sabi ni Cherry.

I'm Taken by a Man Named SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon