Chapter 30

240 2 0
                                    

022215- Late valentines gift guys.
-----

------Aria’s P.O.V.------

“Ayan ang napala mo, naghands-up ka kanina tas hindi ka pala marunong. Nangdamay ka pa ng tao.”

“Hindi naman ako naghands-up. Na tyempuhan ako ni Miss kanina nag nagstretch, kaya ayun. No return, no exchange.”

Sinapak ko naman siya ng mahina.

“Eh ba’t mo ‘ko sinali?”

“Para quits tayo. Hahaha.”

“Really nigga?”

Hinilamos niya ang kamay niya sa mukha ko.

“Sus, alam ko namang marami kang alam sa balentayms-balentayms. Babae ka e.”

“Hin---”

“Shhh, okay, let’s start. Ano ba ang dapat na maging theme ng Social Gathering this year?”

“Actually, heart’s day mangyayari yun diba? Dapat red tapos love.”

“Hmm? Red? Hindi ata fair yun. Diba kailangan nating mag-P.E. sa araw na ‘yan, mga Aviation Electronic Technology students lang ang makakarelate dahil red ang P.E. uniform nila. And actually, Feb. 13 ang Social Gathering at sabado pa ang Valentines kaya ‘wag puro pag-ibig ‘yang iniisip mo.” Konti na lang susuntukin ko na talaga ‘tong si Jaja.

“Hay nako! Prep nga ng Valentines day diba? Don’t you think, may energy ang mga estudyante sa araw na ‘yan dahil kinabukasan, araw na ng mga puso, sa 13, doon lang nagkakaroon ng chance ang mga torpe na makita ang crush nilang estudyante at gumawa ng move.”

“May point ka naman.”

“Kaya may plano ako, dapat may mga booths.”

“Anong klaseng booths?”

“Hmm, booths like dedication booths—na pwede silang magrequest ng songs na ipe-play o may ipapadala silang letter and then babasahin natin, tapos confession booth---may sticky notes na ididikit sa freedom wall with the message of the one who confessed plus their name plus ang pangalan ng love nila, I also planned about the marriage booth, blind-date, and food booths. Kung maaaprubahan ng Student Council at ng Principal ang proposal natin, magiging masaya ang Social Gathering.”

“Andami mong sinabi.” Sabi niya.

Tumayo naman ako sa kinauupuan namin.

“Hay nako! Ikaw ang nagvolunteer, binigyan kita ng ideas, ‘yan lang ang isasagot mo? Puta! Edi wow. Bahala ka na nga diyan.” Nag-walk out na ako sa harap niya pero bigla niya akong hinatak pabalik.

“Joke lang. Ano ka ba.”

“Hay nako! Hindi magandang joke yun.” Sabi ko sabay upo ulit.

“So, narealize mo nga hindi talaga magandang magjoke sa taong nag-effort ng todo sa’yo?” Nung una hindi ko ma-gets ang sinabi ni Jaja, “Nagbrainstorm ka kanina, sinagot lang kita ng hindi kaaya-aya as a joke, nagalit ka. Ganun din ang nangyari sa inyo ni Seven, minahal ka niya, nagjoke ka, nagalit siya. Nakakainis isipin diba?” tinutukan ko lang siya, “Ngayon, hindi na siya makikipagbalik sa’yo. See? Isang mali mo lang, nagulo ang lahat.”

“Alam mo, nagpapaka-busy na nga ako sa mga school works para kahit sandali, makalimot ako. Then you brought that topic back. I know it’s my mistake. Hindi mo na dapat ipamukha sa’kin ang kamalian ko. Kung sa ngayon, hindi man niya matanggap ang sorry ko, then kasalanan ko yun. It’s all my fault. Ako na okay?”

I'm Taken by a Man Named SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon