-------------------------> Paul honeyy <3
-----Paul’s P.O.V.-----
“Iba talaga ang amor niya no?”
“Yah! Sinabi mo pa. He’s really hot.” Rinig kong sabi nung mga babae sa likod ko.
Nilingon ko naman sila at ngumiti ako sa kanila.
“Hi.” And I saw them blush. Hahaha! Napaka-simple namang utuin ng mga ‘to.
Tumalikod na rin ako at nagpatuloy sa pagpila.
Ramdam ko namang kilig na kilig na yung mga babae sa likod. Tch. Landi.
“Excuse me, excuse me.” Rinig kong sabi nung bagong dating na babae. Teka, sisingit ata ‘to?
Pero di ko na lang yun pinansin. None of my business.
“Hi! Ikaw si Eiden diba? Pasuyo sandali.” WHAT? How did she know my second name? Ang alam ko kasi, Paul ang alam nilang pangalan ko.This girl is really familiar.
Imbes na sagutin, tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Hmm, pasuyo ng juice tsaka cheese burger. Okay lang ba?” Nanguutos? Sa’kin?
“Kilala ba kita? Close ba tayo? Kung maka-utos parang nanay ko eh no?”
“Please to meet you, I’m Luzhen Lee. So ayan, kilala mo na ako okay? Ay!” lumapit naman siya sa’kin. “At close na rin tayo. So? Pwede na ba akong magpasuyo?” tch.
“Pera mo?” tapos nilapit ko naman ang kamay ko sa kanya.
She handed me 50 peso bill.
“Doon lang ako sa table na yun ah.” W-wait? Ako ang maghahatid ng pagkain niya?
Bago pa man ako maka-react, naka-alis na siya.
Ibang klase! By the way, kilala ko naman talaga si Luzhen. 4th year na rin kasi siya, kaso, magkaiba kami ng sections mula pag-first year kaya di kami close. Ba’t naman din ako makikipagclose sa kanya? She’s not my type.
Nung nabili ko na ang pinabibili ni Maam, pati yung order ko, dinala ko na kaagad yun sa table kung saan siya naka-upo.
Papalapit pa lang ako sa kanya, kitang-kita ko na ang mga puti niyang ngipin. Aissh! Bakla ka Paul.
“Maam,” Sabi ko sabay lapag ng order niya. “pwedeng dito na lang ako uupo?” binigyan niya ko ng isang death glare. Anong meron?
“Alam mo? ‘Di ako nagpapatabi pag kumakain eh.” Aaksyon na sana akong magtransfer ng table ng hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit at pinigilan ako, “At dahil nagpautos ka kanina at sa tingin ko, mabait ka *clears throat*. You may sit.” Hindi ko siya pinansin kaya’t nagpatuloy ako sa pagtayo. “SIT! GAGO.” Nanlambot naman ako nung nasabi niya yun. WTH!
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...