092914- Dapat dalawang chapter 'to ngayon. But then, hindi ko pa natapos ang Chapter 22. Sorry. And also, I changed my way of writing already. Since ito naman talaga ang style ko, not that "*statement here*" --Character. Tinry ko lang. So eto, ibabalik ko na ulit. <3
-----Apple’s P.O.V.-----Ilang buwan na akong nakakatanggap ng blue roses. Either single or naka-bouquet. Jusme, nahihiwagaan na talaga ako dito.
Minsan nga, iniiwasan ko nang pumunta doon sa locker ko, pero kahit anong gawin ko, ayun, meron paring bulaklak. Ano? Mukha bang mausolea ang locker room? Graveyard ganun?
Kagaya nito ngayon, papunta na ako sa locker room, nako! Malapit na nga palang mag Balentayms. Asus, kalandian na naman ano? Nag-expect pa ‘ko.
Pagdating ko sa locker room, as expected, ayun, may blue roses na naman. Ang creepy na talaga ako pa naman ang nag-iisang tao dito.
Ginala ko ang mga mata ko sa buong paligid, at ayun, dumaan si Keyey. Kitang kita, real na real.
“Hoy Kent Adrian Marcos! Ano na naman bang kailangan mo?” Patawa kong sabi sa kanya.
“What do you mean?” Takang tanong niya.
“Sus! Kunwari ka pa.” Tinaas ko yung hawak kong bulaklak. “Eh ano ‘to?”
Nagtagpo naman ang dalawa niyang kilay.
“I don----”
“I bought them,” Natigil naman si Adrian sa sinasabi niya kanina kasi may sumingit sa likod ko. “for you.” Humarap naman ako doon sa nagsalita.
It’s Nathan.
“Nathan?” nabigla ako sa pagdating niya. Teka, anong ginagawa niya dito?
“Apple I’m sorry.” Sabi ni Nathan.
Ha? Hindi ko naiintindihan.
“For what Nathan? Dahil ba dun sa nireject mo ‘ko? Nako! Okay lang ‘yun ‘no.” I tried to smile kahit na nakakaramdan na rin uli ako ng kirot. Shiz! Ilang buwan na kaming di nakapag-usap nitong lalaking ‘to.
“It’s time bro.” Bigla namang sabi ni Adrian sa likod ko. Ibig sabihin, napapagitnaan nila ako.
“Ha? Anong it’s time? Paki-explain nga.” Naguguluhan na ako sa dalawag ‘to, “Wait, magkakilala kayong dalawa?” I added.
“Matagal na Apple.”
Nabigla naman ako sa sinabi ni Adrian.
Anong ibig sabihin nito?
“Hahaha! Hindi ko kayo maintindihan. Ano ba?” Bakit hindi ko alam? Magkakilala sila?
“Let me explain this,” Nathan started.
“Oo Nathan. Dapat lang.” I said.
“I’m sorry Apple.”
“Ano ba Nathan? Bakit ka ba nagso-sorry. Hindi ko maintindihan!” Sigaw ko sa kay Nathan. Nakikinig lang naman si Adrian sa gilid.
“Because I used Adrian to protect you! And now you’re falling in love with him, I can’t take it anymore.” Napa-tanga naman ako sa sinabi niya, bigla kong hinarap si Adrian. I’m seeking for an answer.
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...