083014- Two updates for today.
------Peach’s P.O.V.------
“I’m so sorry.” Tiningnan niya ako sa mga mata. Nahihiya na naman ako. Kiss yun eh. Ay! Hindi lang pala talaga ‘kiss’ ang tawag dun, lamutak na. Di ako makapaniwala na gumaganti ako sa mga kiss na yun. Iba talaga yung feeling.
“Okay nga lang. Naiintindihan ko. Pero, mali talaga yun eh.” –Ako
“I know. Kaya nga ako nagso-sorry. I will not do that again.” Nginitian ko naman siya.
“Nga pala, honestly speaking, be open minded ah. Hmmm, did you and Aria kissed or had sex?” nanlaki naman ang mga mata niya.
“What? Haha. That’s so absurd. I haven’t kissed her and hindi ko rin siya naikama.”
“What? Sigurado ka? Alam mo okay lang naman kung nakissan mo si Aria eh. Hindi talaga maiiwasan yung kiss kiss sa magjowa eh. Pero naiintindihan ko yan, nasa not-so-right age na rin naman tayo. Kaya dapat lang maging open minded na tayo.”
“Yep. Tsaka, I know my limitations as a boyfriend. Hindi na ako nagbe-below the belt o kahit nga below the neck.”
“Hahaha. Sagutin mo’ko ng maayos ah? Ano ba ang nafe-feel o nasasabi ng mga boys sa isip nila kapag nakakahalik sila ng babae?”
“Diba ikaw pa lang ang nahahalikan ko?” namula naman ako dun kahit hindi dapat, “Kanina, I was like, ‘Will she slap me? Will she push me away?’ and, in my thoughts I’ve said ‘Yes!’ Ugh! Nakakahiya.” Tapos nilubog niya ang mukha niya sa tubig.
Hahaha! Ang cute naman nito.
Hinawakan ko siya sa leeg niya para maiahon siya sa tubig.
“Huy! Ang emo nito. Ba’t ganun ang naiisip mo?”
Tinitigan niya ako ng diretso sa mata.
Dug dug. Dug dug.
“Peach, I don’t know but, to tell you honestly, I think I’m starting to like you.” Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Dug dug. Dug dug.
“H-ha? T-teka, hindi ba’t--- Hindi pwede Seven. We’re just pretending diba?”
“L-I-K-E,” Ayun nga! Like nga. Sabi ko nga. LIKE, hindi Love. Juicekopo Peaches, “Kaya, kung ayaw mong humantong tayo sa next level, ‘wag kang gagawa ng mga bagay na ikagugusto ko.”
“I like you too. LIKE. Honest ka kasi. Sige, okay. May mission pa tayo diba?”
“Hahaha. Yep. Peach, ang sama mo.”
“Oy! Anong ako? Ano na naman ang nagawa ko?”
“Ikaw ang dahilan kung bakit unti-unti ng nawawala ang feelings ko sa ex ko. Hindi ako galit. Mas masaya pa nga ako dahil parang natulungan mo ako na maka-move on sa kanya, dahil sigurado akong hindi na rin sa kanya tumitibok ang puso ko ng buong buo.” Heart to heart talk. Hinawakan niya naman ang kamay ko na nasa ilalim sa tubig na malinaw at pinaglaruan ito. Nanahimik parin ako. “Gusto ko na nga ring tumigil sa ginagawa nating ‘to. And I want you to know that I’m willing to court you. No matter what happen.”
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Iba ang naramdaman ko, parang kinakabahan na hindi ko maintindihan.
“H-ha? Ligaw? You’ve got to be kidding me. We’re just pretending diba?”
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...