090714 -Second update for today. Koya Locker/ Koya Starplayer on the side.
Koya Locker on the side-------------->------Strawberry’s P.O.V.------
Ang bilis tumakbo ng araw at Wednesday na.
Remember, laban ng LVVU at Willow ngayon. Nabalitaan rin namin na reserve player si Paul kaya pupunta kami ng LVVU.
“Bilisan mo Cherry! Langya, ang tagal tagal mo eh!” sigaw ko sa tapat ng bahay nina Cherry. Nakasakay na ako ng kotse. FYI, hindi ako nagdadrive. May driver kami tsaka minor pa lang ako.
Nasa loob ng bahay nina Cherry yung dalawa ko pang kaibigan. Nako! Ang tagal ah. Naka-uniform kami para papasukin kami sa school. Bawal kasi ang outsider lalo na kung wala kang kakilala o transaction sa LVVU. Kaya kung papasok ka, dapat naka-uniform. Strict diba? Ang arte ng school.
Ilang minuto ang lumipas, dumating na rin sila.
“Wow ang tagal niyo ah.” –Ako
“Nagprepare pa po kami ng sandwich para kay Paul at pati narin sa mga players ng LVVU.” –Apple
“Aw. K. Let’s go.” At bumiyahe na rin kami papunta sa LVVU.
Pagdating namin sa school nila Paul, dumiretso kami sa court at umupo narin sa bleachers. Ilang minuto na rin kasi, magsisimula na ang game.
*prrrrrtttt*
Nagulat nalang ako nung biglang nag-whistle yung referee. Nagjump ball na pala sila.
Okay, start na ng game. Di pa naman ako mahilig sa basketball. Ayokong manuod sa TV ng basketball kasi di ko naiintindihan.
Color yellow ang LVVU at green naman ang Willow.
Picture lang ako ng picture habang naglalaro sila dun. Cheer naman nang cheer ang mga kasama ko.
“Ang pogi ni Sir Mark!” sigaw ni Apple. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga tao. Hinarap ko naman si Apple na nasa left side ko at nagsenyas ng quiet.
Sa peripheral vision ko naman, nakita ko si Nathan.
“Apple! Si Na-----” hindi pa ako tapos magsalita nang biglang sumigaw si Apple.
“GO LVVU! WHOOOOOO! I LOVE YOU DADDY!” Ay nako. Di man lang ako pinatapos?
Nagpatuloy ang laro hanggang sa natapos ang 1st quarter. Tapos bumalik sila sa paglalaro at lamang na ng 10 points ang Willow. Natapos ang 2nd quarter at bored na bored na ako. Jusko! Kailan pa ba ‘to matatapos?
Pagdating sa 3rd quarter, nakapaglaro na si Paul.
Bumalik uli ang laro. May napansin naman akong tatlong players ng LVVU na di ko nakita kanina.
“Ampogi ng star player nila.” Sigaw ni Cherry kasi ang lakas na ng mga cheers sa loob ng court.
“Saan?” –Peach
Tinuro naman ni Cherry yung ‘star player’ ng LVVU. Kaya napatingin narin ako.
Ay, bagong pasok pala siya.
“POGI NGA!” Sigaw nilang tatlo. Okay bye. I don’t care.
Well, star player nga siya kasi nakakabawi na ang LVVU laban sa Willow University. Pagtingin ko sa score board, WOW! Ang laki na ng lamang. Kamangha-mangha!
Natapos ang 3rd quarter at magfo-fourth quarter na rin. Umayghad! Kinakabahan na ako.
Ilang minuto ang lumipas at halos mauhaw na ako sa kakacheer para sa LVVU. As if naman na patatalsikan nila kami ng prize nila.
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...