111314- Happy 1st anniversary ITBAMNS!
Dedicated to ate Gaile (Bonitababyy). I just want to congratulate you for the success of your book ate. Gawing inspirasyon ang Khuntoria!
---------
------Apple’s P.O.V.------3 Months Later
Honestly, ilang buwan na akong hinahabol---literally---ni Nathan.
Still, wala akong panahon para pakinggan ang sorry niya. Para ano? Para pagkatapos friends na uli kami tas eto na naman ako, maiinlove tas siya naman pa-Dalagang Filipina? Magmumukha pa akong obsessed.
No way. Once is enough.
Kung iniisip niya na magiging friends uli kami, pwes! Magisip uli siya. Leche!
Teka lang, ang aga pa ah, ba’t ba yung Nathan na yun ang iniisip ko?
Kakainin mo lang din ang sinabi mo Apple.
Bigla naman akong napa-upo sa hinihigaan ko dahil sa sinabi ng konsiyensya ko.
“AISH! NAKAYA KO NGA ANG ILANG BUWANG HINDI SIYA NAKIKITA. Edi ipagpapatuloy ko na ngayon no! Ngayon na, na, na, na anniversary pa namin bilang magbestfriend. Noon. Noon yun. Oo! Sus! Why celebrate Apple, wala nang NaPple diba?” napa-buntong hininga naman ako.
“WALA NANG NAPPLE!” Sigaw ko sa loob ng kwarto.
Bumangon ako sa hinihigaan ako at binuksan ko kaagad ang bintana ng kwarto.
“MAKAKA-GET OVER DIN AKO!” Sumigaw ako ng malakas sa bintana ko nang biglang kumatok si Mama.
“Aa? Bakit ka ba sumisigaw diyan?” Dali dali naman akong pumunta sa pinto at pinagbuksan si mama.
“Ha? Ma, hindi po ako yun, si Ginny po yun. Nagising nga ako eh.” Si Ginny, siya yung anak ng kapitbahay namin. Hahaha! Mortal enemy ko yung babaeng yun. Ang kire!
“Si Ginny pala yun? Kaya pala ganun ang boses. Parang naipit na palaka.”
“Grabe ka naman mamang! Ang hard mo. Sige na ma, maglilinis na po ako ng kwarto. Himala diba? Bababa nalang po ako mamaya pag kakain na.” Tumango naman si mama at umalis na rin.
Inayos ko na ang kwarto ko at naligo narin ako pagkatapos.
*
“Hindi ba kayo magkikita ni Nathan anak?” Biglang tanong ni Mama. Usually kasi, nung mga kabataan years pa namin, kapag anniversary namin bilang magbestfriends, nagge-get together kaming dalawa. As if naman na mangyayari yun ngayon.
“Mama, alam mo naman pong di na kami friends nun. Awkward na nga kaming dalawa eh.”
“Oh? May pa awkward-awkward pa kayo, bakit? Mate-take niyo ba ang isa’t isa?” Eto talaga si Mama, pa-bagets.
“Bet mo si Nathan ma?”
“Oo naman. Aba, perfectly imperfect na si Nathan.”
“Eh di kayo nalang ma.” Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama. “Jokey-jokey!”
“Hay nako! Mga kabataan talaga. Nag 21st century lang para nang nabaliktad ang mundo. Ibang-iba talaga kayo sa kapanahunan namin.”
Ayan na, magkukwento na naman.
“Ma, ano nga yung storya niyo ni Papa?”
“Ay nako, yung papa mo, basketball player ‘yan noon. Ako naman tong ignorante sa mga lalaki dahil nga pinag-aral pa ako sa isang girl’s school, eh nadali niya agad. Tanyag pa nga ‘yang papa mo sa paaralang pinag-aaralan niya, kaya laking gulat ng mga manliligaw niyang babae na mag-on na kami nun. Ang sarap talaga balik-balikan ang nakaraan.” Um-action naman si Mama na parang nananaginip. Hay! Ang arte.
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...