122914- I'm really sorry for updating this late but, still, it's Christmas pa diba? Merry Christmas dears. Mwamwa :* Dedicated pala kay ate Louisse C. (Fallenbabybubu). She's my inspiration in writing. I wuv you ate. Go and check out her works, she's the great!
------Peach’s P.O.V.------
“So yun na nga, naturn on daw ‘tong si Be---” Nagulat naman ako nung biglang sinapok ni Strawberry si Cherry sa kalagitnaan ng pagku-kwento nito.“Ang sadista niyo.” Singit ni Seven na busyng-busy sa pagti-tirintas ng buhok ko. Hindi na nga namin siya pinapansin eh.
“Wala naman akong sinabing ganyan. Wag kang gagawa ng kwento kung ayaw mong idispatsa kita.” Minamalat pa si Strawberry habang nagsasalita. Nako, if I know, dahil yun sa cornetto na binigay ni Kristoff.
“Hahaha! Alam mo Berry, dapat kiligin ka. Atleast supportive kaming mga prutas sa paglalandi niyo ni Kristoff.” Sabi ko. Well, bet na bet ko si Kristoff para kay Berry. Eh basta, may chemistry, biology, physics at kung ano pang branches of science sila. Kahit na may pagka-bitter si Berry.
“Walang paglalanding nagaganap. Excuse me, hindi ko siya bet.” Bigla namang humina ang boses niya, “Ah, pero maitsura nga siya.” At rinig na rinig namin yun.
“OMAYGHAD! DISISIT.” Sabay naming sigaw.
“Sige pa, mang-asar pa kayo. Lahat na lang binibigyan ng malisya. Siyempre, gwapo yung tao. Alagang-alaga ang katawan kasi nga may pera. Nako, kayo talaga.” Sabi pa niya. Asus, palusot.
“Teka, ano naman pala ang sabi niya tungkol sa ‘di mo pagsipot sa party?” Tanong ni Apple.
“Ayun, parang shunga. Nagtatampo kuno. Ang sarap bangasan. Pake ko naman no.”
“Eh, ba’t kasi ayaw mo siyang kausapin ng matino?” Tanong ko.
“Hindi ko nga kasi feel ang mga lalaki ngayon. One word; Pareho. Pare-pareho lang silang manloloko.”
“Hindi naman lahat.” Singit uli ni Seven.
“Alam mo kasi Berry, hindi ibig sabihin nun na niloko ka ng isang lalaki eh lolokohin ka na rin ng iba. May mga matitino paring nandiyan.” Litanya ni Cherry.
“At ako yun.” Sabi ni Seven sa likod ko.
“Whatever Sev.” Hinarap uli ni Strawberry si Cherry, “Tapos?”
“Sige nga Berry, ipikit mo ang mga mata mo. Isipin mo na kunwari lalaki ka. Tapos papakinggan mo ang broken na si Strawberry, malalaman mo kung bakit siya nagkaganyan. Mag-aatubili ka pa bang lokohin siya pagkatapos ng ganung nangyari sa kanya back then?” Dinilat naman ni Strawberry ang mata niya pagkatapos siyang sabihan ni Apple. “Sa ganoong kalagayan, may 99.9% na hindi ka sasaktan ng lalaki pag nalaman nilang sinaktan ka ng past mo, mas po-protektahan ka pa nila lalo na kung gusto ka talaga niya.”
“Tama. We have soft spots for broken girls. Not broke, in terms of money. Haha.” Kung anu-ano na lang ang ginagawa ni Seven sa buhok ko habang pinapakinggan kaming apat. Nakakatulong naman siya actually.
“Oo na. Sige na. Panalo na kayo.”
“So hindi ka na bitter?” Pang-asar ni Cherry.
“HINDI NAMAN AK---”
“Shh, magso-sona ka pa eh.” Sabi ko sabay tabon ng bibig niya.
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...