101914- So sorry for this late update. Too busy .
Dedicated kay Ate Kei. Hi ate, nakikilala mo ba ako?
------------
March, Summer
------Strawberry’s P.O.V.------Fuck! I hate summer.
Una sa lahat, pag summer, tambay ako sa bahay. Kasama ko ang makulit na si Raspberry.
Pangalawa, pag summer, katulong ako sa bahay. In the way na ako ang taga. Taga-laba, taga-linis, taga-hugas, taga-grocery at taga-luto.
And speaking of grocery, inutusan na naman akong mag-grocery ni Mama.
Ang list? Sobrang haba. I’ll just say hi to the big cart later.
Pagdating ko sa mall, diretso agad ako sa supermarket. I don’t want to waste any time.
Nga pala, okay na kami ni Cherry. Naintindihan ko na siya. At isa pa, wala namang magbe-bestfriends na hindi nag-aaway. Misunderstandings lang din yun kasi nabigla ako. Alam niyo naman kung ano ako diba? Bungangera masyado.
Dali-dali kong kinuha yung mga items na nasa list, I wanna go home. I wanna watch Reign.
Dahil nga sa manunood ako ng tv mamaya, kumuha nalang din ako ng mga junkfoods at yogurt. Aish! Sino naman kaya ang magbibit-bit nito palabas? Ano ako?
“It’s you again!” May narinig akong nagsalita sa may likod ko. Hindi naman ako humarap. Hindi kaya binanggit ang pangalan ko. “Are you deaf?”
At dahil dun, humarap na ako.
Oh shit bricks! Ba’t siya nandito?
“Perv,” I said.
“What? Wala akong ginagawa ah.” Patawa niyang sabi.
“Hahaha! Wala nga.” I said sarcastically.
“Wow! That was 6 months ago. October pa ‘yun ah. You still remember me? Lagi mo pala talaga akong iniisip. Ano?” Nanlaki naman bigla ang mga mata ko.
Oh! This man.
“Ang hangin mo ah.” Sabi ko habang tinutulak ang cart.
“Hahaha! I’m not.” Sabi niya naman. Akwali, hindi ko siya kilala.
“I don’t talk to strangers.”
Bigla niya namang nilahad ang kamay niya sa harap ko.
“Hans Kristoff Montero-Garcia. 22, magfo-fourth year college. Nursing student.”
“And so?”
“Hindi na ako stranger Strawberry.” Na-shock naman ako sa sinabi niya. Kilala niya ako?
“Pa’no mo nalaman ang pangalan ko?”
“Kung interesado ka talaga sa isang tao, you’ll find a way to know him or her. And because I’m interested with you, I stalked you.”
“What?”
“Hindi ka naman siguro bingi ano? I just stalked you. Don’t worry. Hindi naman yun big deal. Hindi din naman ako mamamatay tao.”
“Pero huy! Nakakatakot ka rin kaya ‘no.”
“Tch. ‘wag kang matakot okay? Tsaka, ‘wag mo rin masyadong i-feel na crush kita.” He smirked, “I just wanna be friends with you. And I want to say sorry.”
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...