090714 -First update for today. That means, may kasunod. Ay! Siyempre.
------Peach’s P.O.V.------
“Baks, di naman nangangagat ang tubig. Baka gusto mo nang lumusob no?”
“Mamaya na kasi. Ang lamig kaya.” Ambakla naman nitong pitong ‘to!
“Baks, siyempre malamig. Tubig nga diba? Adik lang? Halika na nga!” hinawakan ko naman siya sa braso niya at kinaladkad papunta sa dagat.
“Oy oy oy! Ang landi niyong dalawa ah. Please nga, wag dito.” Kahit kailan, ampait talaga nitong si Berry.
“Te? Magsaya naman tayo ‘no? Last day na natin dito ta’s hanggang ngayon bitter ka parin?” –Ako
“Anong konek ng Subic sa nararamdaman ko? Hay ewan! O sige na nga, hiyang-hiya naman ako sa mga kalandian niyo.” Pasimple niya namang tinulak si Seven sa tubig.
Hahahaha! Basang sisiw.
“Tatawa-tawa kayo diyan ah.” Bigla niya naman akong hinatak kaya nabasa din ako.
“Hoy Berry, halika dito! Wala kang takas.” Tapos hinatak ko rin si Strawberry.
“Aaaaah! Leshe ka!” sigaw niya naman sa’kin. Winisikan niya naman ako sa mukha ng tibig dagat dahilan yun para maka-inom ako.
“Ang alat!” sigaw ko.
“Ayan na ang isa pang lovebirds plus Cherry’ng sabit.” Ang init talaga ng dugo ni Bespren kay Bespren. Haha! But don’t get them wrong ha? Hindi sila Frienemies, sadyang ganyan talaga sila mag-asaran.
“Hi Bibi!” sigaw ni Cherry kay Strawberry.
“Beybs ko.” See? Kanina kung makapagsabi ng sabit, ngayon, nagbe-beybs na. Adik lang diba?
Lumusong na rin sila sa tubig kasama namin.
“Maglaro kayo guys! Wrestling.” Nanlaki naman ang mga mata ko bigla, “I mean yung wrestling na hmmm, halimbawa si Peach, sasakay siya kay Seven tapos si Apple, sasakay kay Kent Adrian. Tapos magre-wrestling si Apple at si Pea. Kitty kitty catch?” Ha? Ano daw ang sabi ni Cherry? I mean, gets ko yung sinabi niya. Ano nama yung Kitty kitty catch?
“Anong kitty kitty catch?” –Ako
“Ibang term ko ng ‘gets’. Sa maayos na dictionary ng mga matatalino, kitty kitty catch means catching the one you love. May susunod pa nga ‘yan eh. Like this oh, ‘Kitty kitty catch. Kitty kitty catch. Boom boom boom, boom boom boom.” Adik na ‘tong si Cherry ah.
“Ay ewan ko sa’yo Che, sira ulo ka na ba?”
“Basta! Laro na kayo.” Tiningnan ko naman si Seven. Tumango naman siya.
Nagsimula namang sumampa si Apple kay Adrian. Ako rin.
“Go!” Hudyat na ‘yun sa pagsisimula ng laro.
Hanggang sa may siko lang ni Seven ang tubig kaya kapag mahuhulog ako, di naman ako malulunod.
Sa buong laro, tawa lang ako ng tawa kasi napupunta sa mukha ni Adrian ang tubig. Di tuloy siya makakita ng maayos.
Pagkatapos ng laro, nagpaligsahan pa kami sa pinaka-matagal na mag-stay sa ilalim ng tubig. Eh ako naman ‘tong si madaya, pagkatapos nilang lumubog sa ilalim, aahon naman ako at sa huli, ako ang nanalo. Galing ko diba?
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...