041514- Super late update.
———Peach's P.O.V.———
March The end of our school days! Yes, next school year, fourth year college na kami. Ambilis ba naman ng panahon?
It's Kristoff's graduation day tomorrow. In-invite niya kaming pumunta sa pinaka-importanteng event na yun na kasama si Strawberry——of course, she needs to be there.
Marami nang nangyari these past few months. Cherry's enjoying Russel's company. Still, hindi parin nagpaparamdam si Lance. I wonder where he is. Dakilang supporter pa naman ako sa Chance couple. But I think hindi na sila magwo-work. Why? Anlaki na ng galit ni Cherry kay Lance e. Mabait naman si Russel, nakikipag-kulitan naman siya sa'min, pero minsan nga rin, napagkakatuwaan namin siya kasi sakitin. Lagi ngang nahihimatay yun e.
Well Nathan and Apple, they're going strong. Nakakainggit nga sila e. Ang sweet sweet kasi nila. Para parin silang magbarkada kung magkulitan pero mahal na mahal nila ang isa't isa. Akalain niyo yun? Through ups and downs, sila parin ang mag-on. And you know what? After our graduation daw next year, Nathan is planning to propose to Apple. Para daw secured na siya sa future. Haha, nakakatawa lang—-but sweet.
"Ate! Matagal ka pa ba diyan?" Naalimpungatan ako bigla sa tumawag sa'kin.
"Oo malapit na."
"How many times did you said that?" Ugh, why can't he consider that I'm a girl. "Anyway, your prince charming is waiting here."
Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Actually, nasa may pintuan lang si Paul at nakiki-charge.
May napansin lang kasi ako e.
"Anong nakain mo't napapa-english ka ngayon?"
"Cool isn't it?"
Sinuntok ko naman siya sa dibdib niya.
"It's not."
-
"Lovey," Ang harot a. May pa-beso beso pang nalalaman.
"Ang arte mo 'no. Dahil ba 'yan sa nandito lang sila Mama at Papa kaya may pa-beso beso kang nalalaman?"
"Hahaha! Hindi a."
"Hay nako. 'Tong mga batang 'to talaga." Komento ni Papa.
"Ikaw naman Dan, pabayaan mo na 'yang si Aielle." Bigla akong napangiti sa sinabi ni Mama, "Matanda na 'yan e." Binabawi ko na ang sinabi ko.
"Are they dating?" Tanong ni Papa—-refering to us.
"Ewan ko ba diyan sa kanila. They're not even real." See? Kahit si Mama, alam na alam niyang fake lang kami ni Seven, "Hindi ko nga alam e kung anong meron dito sa henerasyon ng mga batang 'to. Nagpapa-uso na ng kung anu-ano."
"Alam mo kasi Mama, uso na 'yan sa mga librong binebenta sa National Bookstore at sa nababasa sa mga online sites." Sagot ko kay mama. Totoo naman diba? Mostly sa mga lovestories na di kapani-paniwala ay nanggaling sa mga libro.
"At? Anak, pwede namang mamuhay ng normal lang diba? Isa pa, bagay naman kayo nitong si Seven at boto rin kami sa kanya dahil mabait siyang bata. Mukhang magkakasundo rin sila ng Papa mo." Hinarap ni Mama si Seven, "Zai kongxian shijian ni zuo shenme?" Napa-kunot noo ako bigla kay mama at tiningnan ko si Seven na parang hindi na rin mababasa ang expression.
[What do you do in your free time?]
"Mang, hindi po Chinese si Se—-"
"Ah, xiong zhao, nei yi, bi ji ni." Nabigla ako sa sagot ni Seven. Ano? Bra? Underwear? Bikini?
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...