------------------------> Adrian
------Peach’s P.O.V.-----“There are three words, that I’ve been dying to say to you. Burns in my heart, like a fire that ain’t going out. There are thre---ARAY!” Ano ba’t naudlot ang pag-kanta ko ah? Walang’yang Apple, kung maka-kurot ah.
Dalawa lang kami ngayon kasi si Berry at si Cherry, nasa klase nila. Diba nga? Ka-schedule ko si Apple. So yun. Pero minsan, nagkaklase kaming apat.
Naloloka na nga lang ang prof sa pagiging maingay namin.
“Ano? Nakikinig ka ba sa’kin Peachy?” nagkamot naman ako ng batok.
“Ano ba kasi? Ano nga yun? Paki-repeat.”
“You’re not paying attention ha? Ganito kasi, hindi ko na talaga ma-control ang feelings ko. And I’m planning to tell Nathan the truth. That I really like him and whatsoever.” Then I froze. Planning to tell Nathan the truth? Sa tingin niya? Di alam ni Nathan ang feelings niya? Sa pagiging showy niya?
“Okay ka lang Mansy? Uy, matagal ng alam ni Nathan ang desire mo sa kanya. At hindi yun hidden. Clingy ka kasi.”
Tiningnan ko naman siya na parang nalungkot.
“Ay? Ganun pala talaga ako ka-attached? Pero eto, gusto ko kasing sincere ang pagkakasabi ko sa kanya. Walang halong biro Peach. Gusto ko na kasi talagang magkaroon ng freedom sa nararamdaman ko.”
Napa-kamot naman ako sa ulo ko. Nakakaloka talaga ‘tong babaeng ‘to.
Una, akala ko sila talaga ni Nathan. Kasi nga yun ang sabi niya. Ibig sabihin, dalawa pa kaming NBSB. Pangalawa, siya pa ang gustong mag-confess. Lalaking gawain diba?
Pero kahit na may pagka-engot si Mansy, saludo ako sa pagiging brave niya. Nako~ Sino ba namang tao ang gustong magconfess sa crush niya? Ang lakas ng loob ng babaeng ‘to. Grabe lang.
“Ha? Sige, kung yan ang desisyon mo, sige. Pero kasi, hindi ba yun nakakahiya? Tsaka baka ano--”
“Ano? Baka mareject niya ako?” nagbuntong hininga siya. Ayan na naman tayo Mansanas, na-aapektuhan na naman ako sa pagiging malungkot mo. “Hmm, okay lang. Lahat naman dumadaan sa rejections. Ano pa ang silbi ng luha kung walang ganun diba? Tsaka, okay na rin yun, basta alam na niya.”
“Hmmm, I’m proud of you Mansy.” Tapos hinug ko siya.
Basta kasi, feeling ko.
May nararamdaman talaga akong ‘di maganda eh.
Tsaka feeling ko, maaapektuhan ako sa gagawin ni Apple. Lalo na’t bestfriend ko siya.
Basta, hindi ko maintindihan.
Natapos ang araw na yun, at nagkasama nga kaming apat. Tas nung uwian, hinatid kami ni Seven. Si Apple naman, nagpa-drop sa Starbucks.
Nabo-bother talaga ako. Ewan. Aish!
------Apple’s P.O.V.-----
“Coffee jelly for Miss Apple.” Kinuha ko na ang coffee ko at lumabas na rin ng starbucks. Pupunta pa ako sa park. Nagpatawag si Nathan.
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...