Chapter 15

311 4 1
                                    

140704, 07:25 PM
"JUST OWN THE NIGHT, LIKE THE FOURTH OF JULY!" Yaaay! Happy birthday to me. LOL. Enjoy reading. Dedicated kay Angelyn dongsaeng. Lagi siyang nauuna sa pagco-comment. Love yaah :*

LUZHEN (add her on facebook) ------------->

------Apple’s P.O.V.------

Spell haggard, A-P-P-L-E. Bwiset! 8 hours na biyahe? Para na akong si Sisa dito. Gulo-gulo ang buhok.

I-spell niyo naman ang cool at gwapo, A-D-R-I-A-N. Srsly? Ba’t ampogi niya parin? At isa pa, para malaman niyo, crush ko na siya. Yeah. Honestly.

Nasa bahay kubo na kami para makapagpahinga. Mamaya kasi, faith sharing. Ang lamig pa naman sa labas.

“Uyyy! Manood tayo ng basketball sa LVVU. Next week ha?” –Cherry

“Next week na ba ang labanan between Willow University at La Villetelle Villemonteix University?” –Peach

“Ah? Oo! Gusto ko talagang manuod. Wala naman tayong klase sa araw na yun diba? Wednesday yun diba? Dibaaa? Gusto kong makita yung coach ng Willow. Si Sir Mark. Yung Trigo natin nung 4th year? Yiee. Pogi.” –Ako

“Haaay! Ang kire talaga, hindi na nadala. Pakipatay siya please?” Biglang sabi ni Berry.

“Hahahaha!” biglang tawa nina Peach at ni Cherry.

“Uy! Tinatawag na tayo ni Mahal na Bertud.” Patawang ani ni Jules, yung isa naming kasama dito. Sira ulo lang? Tinatawag nilang Mahal na bertud si Madam Virginia.

Kaya lumabas na rin kami with matching shawl. Iwan lamig. Mas safe to kesa sa yakap.

Kaya ayun, share share sila, nakikinig lang naman ako. Wala eh, lumilipad ang isip ko ngayon. Pasensya. Wala rin naman akong maayos na mashe-share. Bukod sa walang kwenta naman yung love story ko, eh hindi naman ata appropriate na ishare ko pa yun.

Natapos ang faith sharing at may 30 minutes pa kaming mag-ayos para matulog. Nagpaiwan naman kami ni Adrian dun sa may bonfire. Excuse me, siya ang nag-aya na maiwan. And, nakapag-punas na rin ako no. Ewan ko dito kung bakit nagpaiwan. Nako! Pag kami mahuli na nag chu-churvaloo dito, ewan ko nalang.


“Natahimik ka ah.” –Adrian

“May sasabihin pa ba ako?” –Ako

“Hahaha, hindi ako nasanay na tahimik ka.”

“Nang-aasar ka ba? Nakakatawa ah. HAHAHA.” Insert sarcasm here Adrian. “Nga pala, ba’t tayo nagpaiwan?”

“Wala lang. Gusto lang sana kitang makausap.”

“Usap na naman Keyey? Hahaha. Joke. Uy may sasabihin ako.”

“Ano yun Pple?”

“Pple ka jan. Parang lalaki. Kapangalan ng kapatid ni Peach.”

“Hahaha. Jorry. Jorry po.”

“Jorry. Haha. Sige na. Ano na yung sasabihin mo?”

“Ano. Kakapalan ko na ang mukha ko ha? I think crush na kita.”

“Alam mo naman Apple, gusto kita diba? Siyempre dapat masaya ako kapag sasabihin mong crush mo ako. Pero, ewan ko kung bakit parang mabigat ang nararamdaman ko ngayon.”

I'm Taken by a Man Named SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon