Dedicated kay Tita Han. Haluuuu~ :**
__________------Peach’s P.O.V.-----
“Peachy! Kung maganda ka, dapat, may boypren ka na ngayon. Eh sa wala. Eh di panget!” tsss, asar!
“Tibo ka yata Peach.” ANO? Ako? Tibo? Hindi kaya!
“Hoy! Ayus ayusin mo’ko Apple. Masyado yata akong maganda para maging tomboy.” Sabi ko.
“Eh bakit wala ka pang boyfriend? Hoy! Alalahanin mo, 2nd year college na tayo. At wala pang araw na nakarinig kaming may boyfriend ka na.” –Strawberry.
“Lol!” tapos, kinagat ko yung burger ko.
Andito kami ngayon sa 7eleven ng mga kaibigan ko. Lunch break ngayon sa school kaya, nandito kami.
“So ano na nga Peach? May manliligaw ba?” Hay nako! Asar na asar na ako sa kanilang tatlo ah.
Alam niyo, noon pa sila ganito. Ewan ko ba kung good influence ba sa pag-aaral ko ‘tong mga babaeng to eh. Mas fino-force nila akong mag boypren.
Try ko kayang mang good time. Hahaha!
“Yung totoo kasi, ahmmm, may...boyfriend na ‘ko.” Hahahaha! At nakita ko namang nanlaki ang mga mata nila. As in yung malaking malaki.
“As in? Oh? Yung totoo?” –Cherry
“Ano ba yan! Nag sasabi na nga ako ng totoo eh. Akala ko ba gusto niyo ‘kong magkaboypren? Tapos ngayon, di kayo naniniwala?” Go Peachy! Lord! Patawad po. Hindi ko po intensyon ang mang good time. Sadyang asar na po ako eh.
“Oh Em Gee! We’re happy for you Peach! So, wala nang NBSB sa grupo natin. Hahaha! That’s nice.” Meron pa nga eh no? Ako kaya.
“Ahehehe! Oo nga eh *kamot sa batok*.”
“Wait! What is his name?” –Strawberry
“H-ha?” bigla ko na lang ininom yung coke ko na nasa plastic cup.
Teka, ano nga ba ang pangalan niya? Gosh! Tuloooooo---- Oy!
Ano tong nakikita ko sa plastic cup?
“Anong pangalan niya?” –Cherry
“His name is SEVEN!” sabi ko.
Seven, from the store’s name. SEVEN-ELEVEN.
Eh yun ang nakita ko sa plastic cup eh.
Ambantot kaya kung ELEVEN. Kaya, si-neven ko na lang.
“Seven? Ang weird naman ng pangalan ng lalaking yan! But it’s really unique.”—Apple
“Hahaha! I know right.”
“Sa’n mo siya nakilala? Kailan naging kayo? Ba’t mo naman tinago sa’min?”sunod-sunod na tanong ni Cherry.
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...