Chapter 25

201 4 1
                                    

113014- Dedicated to Saiky. Thank you for shipping VenCh, please send me your wattpad username please? Thank you Sai.
----

------Peach’s P.O.V.------

“Heh! Shht! Don’t---Touch---Me! Awwww.” Sigaw ko habang pinapalo si Seven sa braso niya. Kanina pa buntot ng buntot.

“Miming~” Tawag pa niya sa’kin.

“Mukha ba akong pusa?”

“Cutie-cutie.” Bigla niya namang pinisil ang magkabila kong pisngi.

“Ehem, excuse me? PDA po kayo.” Sumulpot naman bigla si Strawberry mula sa gilid ng flower boxes.

“Hah! Selos ka lang kasi wala kang ka-ganito.” Sabi ko sa kanya sabay labas ng dila ko at niyakap ko pa si Seven.

“Excuse me, na-experience ko na ‘yang ka-cheesyhan na ‘yan noon. I’m done with that at wala na akong planong umulit pa.” Nang-irap naman siya.

“Wala na ba talagang chance ang mga manliligaw mo? Sayang yun ah.” Sabi ni Seven.

“Kailan pa ba naging sa’yang ang mga taong walang kwenta? Hay nako! Mas mabuti pang mag-aral muna dahil ang pag-ibig, nandiyan lang ‘yan. Makakapaghintay lang ‘yan.”

“Hanggang kailan naman maghihintay ang mga manliligaw mo? Hangga’t maka-move on ka kay Edward ganun?” Tanong ko. Nagsimula na kaming maglakad pa-tawid sa quadrangle. Sa kabilang building pa kasi ang punta namin. Mahal kaya ang pamasahe pag ta-tricycle pa kami. Tutal, malayo pa naman ang time at para excercise na rin.

“Wow ah! Para yun? Pag-aaksayahan ko pa ng panahon? Matagal na akong naka-move on dun.”

“MATAGAL DAW EH ANG MGA POSTS NIYA SA TWITTER PURO KA-BITTERAN TUNGKOL KAY EDWARD EH.” Napalingon naman kami sa biglang sumulpot sa likod namin. “HI, SAMA KAMI OKAY?” Sabi ni Apple. Thank God, kumpleto na ang prutas.

“Wala kaya akong pinatatamaan. Tsaka di na ako affected kay Edward na ‘yun.” Naikinig lang si Seven sa usapan naming Apat.

“Kung di ka affected, ba’t mo in-unfollow si Edward at Bella?” Tanong ni Cherry.

“Bawal? Masakit sa mata ang tweets nila jus----”

“Wait, may naririnig kayo?” Bigla kong nasambit.

“Naririnig what?” Tanong ni Strawberry.

Tumingin kami sa direksyon kung saan nanggagaling ang commotion. Nagsisitakbuhan na kasi ang ibang estudyante, ang iba naman, nagpe-peak lang sa mga bintana nila at ang mga kasabayan naming naglalakad eh nagtatanong naman sa’min kung anong meron.

“Anong meron?” Tanong ng babaeng maputi.

“Hindi nga rin namin alam eh.” Sagot ni Apple.

“Baka yung exchange student mula Singapore?” Bulong naman ng babaeng kayumanggi.

“Exchange student?” Tanong ni Cherry.

“Oo, exchange student. AB International Studies daw yung exchange student.” Sabi naman ng maputi na babae.

“Baka nga ‘no.” Tumango-tango lang kami hanggang sa nasa may boundary line na kami, doon na namin hinabaan ang mga leeg namin at naki-usi rin.

I'm Taken by a Man Named SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon