Dedicated to ate Az na kamote. Hiyoooo!
-----------------------------> Paul and Peach-----Peach’s P.O.V.-----
“Hoy! Mga 9:43 a.m. tumawag ka sa’kin ha. Aasahan ko yan dahil ni-loadan na kita. Umayos ka, baka itawag mo yan sa girlfriend mo mokong ka!” sabi ko kay Paul. Diba nga? Ngayon na magsisimula yung operation namin?
“Oo na kasi eh. Tsaka, anong girlfriend? Wala kaya akong nililigwan no. Besides ayoko pang pumasok sa isang relasyon.”--Paul
“Tae! Akala mo di ‘ko alam? Eh sino si Happee?” nakita ko namang nanlaki yung mga mata niya. At mukhang guilty.
“H-ha? Te! Wag kang maingay please? Please?”
“Haay nako! Naunahan mo pa ako eh no? Sige na, di kita isusumbong. Naiintindihan kita eh.”
“Yehey!”
“Ehh! Kalandi mong lalaki ka! Pang-ilan na ‘yan?”
“Una ko pa no.”
“Talaga?”
“Oo naman.”
“Ows?”
“Pangatlo!”
“Oh. Ansabeh! Hahahaha! Haay nako! Bahala ka diyan sa buhay mo Paul. Alis na ako. Byeee!” tapos nun, lumabas na ako ng bahay at sumakay ng jeep.
[School]
“Peach! May nabalitaan kami kagabi.”—Strawberry
“Ano naman yun?” sabi ko.
“Diba nagquiz tayo kahapon? Ikaw daw ang nakakuha ng mataas na marka! Congratulations besh!”—Cherry
AKO ANG NAKAKUHA NG PINAKA-MATAAS NA SCORE KAHAPON?
Nakooooo! Ang saya-saya ko!
Well, quiz lang yun pero, ang laki kaya ng percentage ng quiz pag nagta-tally na ng grades. Ang goal ko kasi, eh masali ako sa mga honor students this year.
“Waaa! Iba talaga pag may inspirasyon no?” at napa-ubo uli ako dun.
“Anong inspirasyon? Hooy! Sariling sikap ko ‘to no. Pamilya ko ang inspirasyon ko.”
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...