Chapter - 4

13.8K 513 14
                                        

- VON -

Tatlong araw na simula nung nag walkout si Cyrus, hindi ko alam kung anong rason niya sa ka dramahan niya at hanggang ngayon hindi niya parin ako kinakausap. Tuwing makaka salubong ko naman siya iniiwasan niya ko para tuloy akong tanga na nagtataka, pwede niya namang sabihin sakin kung anong pinagdadaan niya eh! Maiintindihan ko naman siya para san pa at naging mag kaibigan kame.

"Babe wag mo kong masyadong isipin magkikita pa naman tayo sa Lunes." banggit ni Arturo na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala.

Nginitian ko naman siya ng pilit. " Oo iniisip nga kita." sabe ko sa kanya, napangiti naman ang unggoy "Iniisip ko kung pano kita papatayin." pahabol ko.

Tumawa lang siya ng malakas, akala ko pa naman maiinis siya tapos iiwan na niya ko. " Sadista ka pala mag mahal babe hahahaha." tawa niya parin tumayo naman na ko at umalis na.

Kinabukasan nag dadalawang isip ako kung pupunta ba ko kila Cyrus o hindi, ngayun araw kase ang birthday niya at nangako ako sa kanya na pupunta ko. Pero pano naman ako pupunta kung meron kameng hindi pag kakaintindihan, mamaya pag tabuyan niya pa ko doon mapahiya pa ko tapos yung kabilang utak ko nanggugulo naman pag hindi naman ako pumunta baka lalong magalit sakin yun, Haisssstttt ano kayang gagawin ko.

Para kong timang dito sa kwarto ko, paikot-ikot ako sa kama tapos biglang tatayo, uupo tas hihiga ulit para nakong baliw. Hanggang ngayun kase hindi parin ako nakaka pag desisyon kung go ba ko o hindi sa birthday ni Cyrus hapon na at nandito parin ako sa bahay.

Nasa ganun akong pag iisip nang biglang may nag salita " Wala kaba talagang plano pumunta sa birthday ko." galit na banggit nito, sa sobrang gulat ko nalaglag ako sa kama.

"Aray" sigaw ko dito. "Ano bang problema mo bat nang gugulat ka huh! " Galit kung sigaw sa kanya. Sakit kayang malaglag, pero wala lang sa kanya yung galit ko mas galit parin siya sakin.

"Kailangan talaga susunduin pa! Feeling babae ang arte." masungit na banggit niya sakin.

"Hoy! Cyrus kung susungitan mo lang ako hindi ako pupunta sa birthday mo.! " galit galitan kong sagot sa kanya pero deep inside natutuwa ako na kahit galit siya sakin sa hindi ko alam na dahilan nandito parin siya para sunduin ako.

"Mag bihis kana! Aantayin kita sa labas. " masungit paring banggit niya, lumabas naman na siya nang kwarto ko. Palibhasa gwapo kaya malakas ang loob mag sungit eh! Kung panget lang yang si Cyrus hindi yan mag iinarte eh! Banggit ko sa sarili ko.

Nag bihis naman na ako at agad na lumabas ng kwarto mahirap na baka lalo pang topakin ang birthday boy, naabutan ko naman silang nag tatawan sa may sala nang mapansin nila ako tumahimik si Cyrus balik siya sa seryosong mood nya.

"Alis na po kame Lola, Lolo" pag papa alam niya sa kanila. Ngumiti naman sa kanya ang dalawang matanda bilang tugon sa sinabi niya.

Nasa loob na kame ng sasakyan nila at walang ni isang umiimik samin, bahala siya dyan manigas siya bat ko naman siya kakausapin porket birthday niya. Talo niya pang pay regla eh! Wala naman akong ginagawa sa kanya tsk.

"Happy Birthday huh! " sarkastikong banggit niya sakin. Napapikit naman ako sa sobrang asar, bat pa kase ako sumama sa saltikin nato. Pero dahil birthday niya mag papakababa ako taray diba?.

"Happy Birthday Cyrus" binigay ko sa kanya yung pinaka malaking ngiti ko yung wagas na wagas para wala siyang masabe.

"Ang plastic " banggit niya sakin, tignan mo to ginigigil talaga ako sobra sobra nayung pagtitimpi ko pero parang inuubos niya talaga yung natitirang pag pipigil ko.

"Pwede karing mag Thank You Cyrus!" asar na banggit ko sa kanya, pero parang hangin lang yung sinabi ko sa kanya.

"Kaya kaba hindi pupunta sa Birthday ko dahil hindi ka pinayagan ng Boyfriend mo? " seryoso niya paring banggit sakin. Ano daw Boyfriend ko? Anong Pinagsasabi nito ni Cyrus, nababaliw naba siya?.

"Siya pa talaga pinili mo huh! Kung sino payung nanakit sayo siya payung nilandi mo? Tsk. Nag papanggap kalang atang kawawa eh! Para mapalapit sa mga lalaki." galit niyang banggit sakin.

Hindi ko naman mapigilan yung emosyon ko, ano bang hugot ng lalaki nato hindi ko siya maintindihan bakit niya ba nasasabi yung mga ganitong klaseng salita saakin."Bahala ka Cyrus kung ano man yang pinaniniwalaan mo, mag kaibigan tayo pero parang hindi mo ko kilala." naluluhang banggit ko sa kanya.

Pinahinto ko naman yung sasakyan para bumaba pinigilan niya ko pero masyadong masakit yung mga sinabi niya, umuwi ako sa bahay at diretso sa kwarto ko umiyak ako nang umiyak, siraulong yun pag bintangan ba naman akong may karelasyon kung alam niya lang na siya yung gusto ko. Hindi kuna napansin ang oras basta naramdan ko nalang na nakatulog nako.

End Of Chapter - 4
VOTE AND COMMENT

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon