- VON -
Nandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant malapit sa Condominium na tinitirahan namin ni Cyrus para i-celebrate ang aming monthsary palapit na kami sa lamesa ng hilahin nito ang isang upuan at alalayan akong maka upo.
"Ano kaba Cyrus, hindi muna ko kailangan itratong parang babae. Kaya kong hilahin yung upuan hindi naman ako lumpo" Natatawang banggit ko dito. " pero thank you padin mahal kasi Mahal mo ko. " nahihiyang dugtong ko.
Napasimangot naman to dahil sa unang sinabi ko pero napangiti din nang nakakaloko ng makitang namumula ko dahil din sa sinabi ko. " Hindi kita ginagawang babae, ginagawa ko yun kasi Mahal kita at dahil Mahal kita gusto kong pinag sisilbihan ka kahit ayaw mo pa! " seryosong banggit nito.
" at Mahal na Mahal din kita. " sagot ko naman dito na sobrang kinikilig dahil sa mga sinabi nito.
" Pero Mas MAHAL KITA." sagot naman nito sakin na ayaw mag patalo. " at pag kumontra kapa ay dadalhin kita sa isang kwarto at alam muna ang mangyayari." Banggit nito sakin habang naka ngisi na may pataas taas pa ng kilay. Tsk. Bastos talaga ehh!
Tumahimik naman ako para tumigil na siya maya maya lang nang onti ay dumating na ang mga pagkain inorder namin medyo weird yung pakiramdam ko ngayong mga oras na to. Alam mo yun bakit hindi ko maramdaman na masaya ako ganun din si Cyrus, parang may iba ehh! Parang may hindi normal na mangyayari.
Nagulat nalang ako ng biglang namatay ang ilaw sa loob ng restaurant kinain ang buong paligid ng kadiliman at katahimikan. Nagulat nalang ako ng bigla akong maka rinig ng ungol ng umiiyak na bata. Tinatawag ko ang pangalan ni Cyrus pero walang sumasagot sinubukan kong maglakad at kapain ang paligid pero wala akong makapa hanggang sa biglang lumiwanag sa isang sulok at lumabas dun yung Mommy ni Cyrus.
Tumakbo ko palapit dito pero bigla akong napa hinto matapos makita ang matatalim na pagtitig nito saakin.
"Hindi kita matatanggap! Hindi kita gusto para sa anak ko ayoko sayo." Galit na galit na sigaw nito saakin.
Hindi ko naman maiwasang maluha dahil sa mga sinabi nito akala ko pa naman tanggap na niya kami yun pala hindi pa. Hanggang dumilim ulit ang paligid at nawala ito narinig ko ulit na umiyak ang baby kaya sinubukan ko ulit hanapin ito hanggang biglang lumiwanag sa likod ko paglingon ko nandito ang Doctor na naka usap ko tungkol sa sakit ko.
" Anong ginagawa mo dito Doc.? " nagtatakang tanong ko.
"May Brain Tumor ka Von, hindi kana gagaling mamatay kana!"
"May Brain Tumor ka Von, hindi kana gagaling mamatay kana!"
Paulit ulit itong nag echo sa tenga ko at pakiramdam ko nabibingi ako ng sobra.
"May Brain Tumor ka Von, hindi kana gagaling mamatay kana!"
"tama na" mahinang banggit ko habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
Bigla ulit dumilim ang paligid at nung sumunod na liwanag nakita kuna ang sanggol na umiiyak pero laking gulat ko ng makita si Cyrus na kinarga ang bata at pilit itong pinapa tahan kitang kita sa mga mata nito kung gaano ito kasaya maya maya lamang tumahimik ang bata at tumatawa na ito kasama ni Cyrus napaka saya nilang tignan hanggang biglang lumabas si Cassy sa kung saan lumapit ito kay Cyrus at nag halikan sila pagkatapos nilang gawin yun sabay silang tumingin sakin.
Parang hinawa ang puso ko sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Ito naba yun? Tapos naba? May mas sasakit paba dito?
Nagulat naman ako ng lumapit sakin si Cyrus at sabihing " Masaya na ko sa Pamilya ko Von at mas Mahal ko sila kesa sayo." Walang emosyong banggit nito. Paulit ulit yun sa tenga ko at walang katapusang sakit ang naramdaman ko pakiramdam ko biglang huminto sa pag tibok ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...