"Kaya ko to, hindi ko pwedeng iwan si Cyrus! Masasaktan siya, malulungkot siya. Ayokong magka hiwalay kami. Mahal na mahal ko siya! " - VON
#Unedited
- VON -
Bago umalis si Cyrus papuntang Dubai ay nang galing muna ako sa Hospital para sa second test ng sa sakit ko. Umasa ako na sana mabago ang resulta nito at mali ang unang test sakin na sana wala talaga akong sakit, pero totoo palang masakit umasa. Dahil kinumpirma lang ng Doctor sa pangalawang pagkakataon na talagang may Brain Tumor ako at sa kasamaang palad ay lumalala pa.
Gusto ko sanang pigilan si Cyrus sa kanyang pag alis. Ayokong maiwan dito mag isa natatakot akong baka bukas o sa susunod na araw mawala na ko sa mundo. Natatakot akong hindi na makasama si Cyrus at hindi na kahit kailan maramdaman ang pag mamahal niya. Alam ko naman na lahat ng tao dadating sa point ng buhay nila na kailangan na nilang mamaalam.
Pero hindi ba masyado pang maaga para sakin? para samin ni Cyrus? tang inang buhay naman to ohh! Bakit ba ang malas malas ko! Bakit tuwing magiging maayus na ang lahat samin tsaka naman dadating yung pag subok na napakahirap. Yung mga pagsubok na lagi nalang nagiging dahilan ng paghihiwalay namin.
Pero sa lahat ng pag subok na napagdaanan namin, ito na ata ang pinaka mahirap at pinaka nakakatakot. Nakaka takot kasi kailangan ko tong pag daanan mag isa at wala akong planong sabihin kay Mahal dahil ayaw kong madamay pa siya sa kamalasan ko.
Kung sakaling mawala na ko sa mundong to wala ng chance na magkaka balikan pa kami ni Cyrus. Hanggang ngayon nga wala parin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang tungkol sa sakit ko.
Mas nag aalala pa kong sabihin sa kanya kesa sa mga magulang ko. Alam ko kasing pag nalaman niya sobrang mag aalala at masasaktan siya at ayokong mangyari yun.Ihahatid na namin si Cyrus ng Mommy niya ng biglang umatake ang sakit ng ulo ko, sobrang pinipigilan ko lang yung sakit para wag siyang mag alala. Ayoko naman na dahil lang sakin masira yung pangarap ng magulang niya para sa kanya. Kaya kahit sobrang hirap at sobrang masakit pinipilit kong maging ok. at ngumiti sa harap nito.
Hindi naging madali ang dalawang linggong wala si Cyrus. Araw araw na kong hindi pumapasok dahil sa araw araw ding pag atake ng sakit ko. May mga time na bigla nalang sasakit yung ulo ko na halos parang mabibiyak na to. May time naman na bigla nalang akong tutumba kung san man ako abutan ng panghihina at ang pinaka malala ang pagsusuka ko. Halos araw araw na paulit ulit lang na nangyayari sakin yan, walang pinipiling oras at lugar ang pag atake nito.
Hindi nadin ako nakaka kain ng maayos, mas madalas na hindi na talaga ako kumakain. Hindi rin ako nito pinapatulog at sa tuwing umaatake ang sakit ko ang lagi ko lang sinasabi.
"Kaya ko to, hindi ko pwedeng iwan si Cyrus! Masasaktan siya, malulungkot siya. Ayokong magka hiwalay kami. Mahal na mahal ko siya! Gagaling ako! Gagaling ako."
Nung time na nagka usap kami sa skype pinilit kong maging masigla
Sa harap niya kahit sa loob loob ko sobrang nanghihina na ako, gusto ko nga siyang hilahin sa loob ng screen ng computer ko at yakapin ng mahigpit gusto kong sabihin na:
Mahal! Hindi kuna ata kaya pwede bang isang yakap lang para lumakas naman ako kaso hindi pwede eh! Kaya ang ginawa ko.Nag kwento ako ng kung ano ano sa kanya na nag jogging ako na nag gala ako sa mall at kung ano ano pa! Para lang pag takpan yung sakit ko pero ang totoo nandito lang naman ako sa bahay at pilit na nilalabanan ang sakit na to.
Makalipas ang ilang araw nakipag kita ako kay Rex para sa unang session ng Chemo ko. Laking gulat ko pa nga na galit na tumawag sa phone ko si Cyrus at tinatanong kung nasan ako! Syempre nag sinungaling ako sinabi ko nalang na nasa school ako at sunod na nangyari binaba na nito ang tawag. Napa buntong hininga nalang ako, ano kayang nangyari dun? Naka uwi na kaya siya ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...