Chapter - 22

8.7K 321 53
                                    

- CYRUS -

Bakit bumalik pa siya! Bakit kailangan ko pa siyang makita ulit! Bakit kailangan bumalik ulit lahat lahat ng sakit. Hindi paba sapat na hanggang ngayun nasasaktan parin ako sa panloloko at pananakit na ginawa niya sakin. Hindi paba sapat na iniwan na niya ko.

Tatlong araw na ang naka lipas simula nung magkita ulit kami ni Von at hanggang ngayun hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari sa pagitan naming dalawa. Sobrang nagulat siya sa pagkikita namin, sabagay kahit ako naman nagulat din. Pero siya kakaiba, hindi niya manlang nagawang mag salita yung parang natulala na siya sakin at kitang kita ko sa mata niya yung takot.

Hinawakan ko yung braso niya at habang patagal ng patagal, pahigpit din ito ng pahigpit. Hindi ko napigilan yung sarili ko dala narin siguro nang halo halong emosyon, syempre hindi nyo naman maalis sakin na sobra akong galit sa kanya as in GALIT NA GALIT.

Siya lang naman yung taong minahal ko at pinaglaban ko pero niloko ako at pinag palit sa iba!! Diba syempre may karapatan akong magalit. Akala ko pa naman ok. na ko na kahit makita ko pa siya wala na siyang epekto sakin. Pero bat ganun, bat tuwing naiisip ko siya parang may hinuhukay sa puso ko.

Niluwagan kuna yung hawak ko sa braso niya, nagulat kase ako nang titigan niya ko diretso sa mga mata ko at kitang kita ko doon sa mga mata niya na nasasaktan na siya. Ewan ko pero parang lumambot yung puso ko at hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Kaya nung yumuko siya tuluyan kunang binitawan yung braso niya at iniwan kuna siya dun.

Naglalakad na ko pabalik sa elevator ng makarinig ako ng sigawan ng mga tao. Kaya napalingon ako bigla,laking gulat ko ng makita ko si Von na nakahiga na sa sahig at walang malay. Agad agad naman akong lumapit dito at sinubukan gisingin ito kaso wala talaga siyang malay. Dinala naman siya agad sa Hospital para ipa- check up. Nang masigurado ko sa doctor kung ok. na siya at nasa maayus na siya tsaka lang ako umalis.

At ngayun nga ito ako sa unit ko lasing nanaman. Pangatlong gabi na namin tong gabi gabing umiinom kasama ang barkada ko pati narin ang girlfriend kong si Cassy. Oo may girlfriend na ko nakilala ko siya last week ata nung enrollment. Maganda si Cassy, mabait at matalino kumbaga perfect siya para sakin. Kaya nga nagustuhan ko siya agad ehh.

"Mahal? Tatlong araw kanang ganyan ahhh! Hindi ka parin pumapasok sa school ano bang nangyayari sayo. " banggit ni Cassy saakin.

Nagulat naman ako sa ginamit niyang endearment sakin, bigla tuloy akong may naalala na dahilan kung bakit hanggang ngayun nagkaka ganito ako. Sobrang lakas lang kase talaga nung epekto nang tao nayun sakin ehh!

" Wag mo kong tatawagin Mahal! Ayoko nun. " Seryoso kong banggit sa kanya.

"Sorry Cy " banggit nito sakin.

" Sorry din, basta wag mo nalang akong tawagin sa kahit ano,pangalan ko nalang. " sagot ko din dito.

Lumapit naman ako sa kusina para kumuha pa ng alak na maiinum. Naasar ako sa sarili ko, bakit ba naaapektuhan parin ako sa kanya. Diba dapat wala na siya sakin. Diba dapat i- let go kuna siya kase tapos na yung samin, apat na taon na ang nakalipas kaya dapat wala na kong nararamdaman para sa kanya. Kase sigurado naman ako na sa kanya wala narin ako. Nasa ganun akong pag iisip ng biglang lumapit sakin si Chad isa sa mga tropa ko.

"Pare ano bang nangyayari sayo? May problema kaba?." nag aalalang tanong nito sakin.

"Bakit ba lahat kayo iniisip na may problema ko hahaha" natatawang banggit ko dito. Hindi kasi nila alam yung tungkol sa nakaraan ko. Bumalik na ko sa may sala at binalikan ang iba ko pang tropa pati narin si Cassy, si Chad naman sumunod lang sakin.

"Hayaan muna Chad! Mukang hindi pa handa si Cyrus na mag kwento satin tungkol sa problema niya." banggit naman ni Tommy.

"Mga ulol kayo! Porket ba nag yayang uminom may problema na? " sagot ko naman sa kanila para iiwas ang usapan.

"Bahala ka pare! Pero pag hindi muna kaya share muna samin yan huh! " nag aalalang banggit ni Chad. Ngumiti nalang ako para matahimik na silang lahat sa katatanong sakin.

Nagulat naman ako ng lumapit si Cassy sakin at yakapin ako sa harap ng barkada ko, bigla nalang akong may naalala pero agad ko ding inalis sa isip ko. " Wala kang karapatang guluhin ang isip ko Von. Masyado ng malalim ang sakit na binaon mo sakin. " banggit ko sa isip ko.

"Cyrus may problema ba?" nagtatakang tanong nito sakin. Pero imbis na sumagot hinalikan ko nalang siya sa labi na kina ngiti niya ng wagas. Tapos pagkatapos nun parang bigla siyang natahimik at nahiya sa barkada ko.

"Ngiting wagas si Cassy ahh! " pang aasar ni Chad dito. Magka kilala kase sila dahil mag bestfriend sila nung mga bata pa sila. Nakatulong din siguro na mag kakilala sila ni Chad kaya sinagot agad ako ni Cassy, malakas kase yung backer ko ehhh!!

"Tigilan mo ko Chad! akala mo ba hindi ko alam na may pinupormahan kang bago ngayun." banggit ni Cassy dito.

Nagulat naman ang barkada dahil hindi manlang nabanggit ni Chad yung tungkol sa bago niyang chicks. Samantalang dati pag meron siyang bagong girlfriend dinadala niya agad dito sa Condo at pinapakilaka agad samin.

"Bakit hindi mo ata dinala dito yung bago mong Girlfriend?? " tanong ni Tommy.

"Ehhh! Kase hindi ko naman Girlfriend yun." sagot niya dito.

"Ohhh? Wag mong sabihin na hindi kapa sinasagot? First time mo ata yan! " banggit ko naman dito.

"Ewan ko ba! Bakit tinitiis ko parin yung masungit na ugali nun! Eh! Halos ipamuka na nga sakin nun na ayaw niya sakin." nakabusangot na ang muka nito sa asar.

" owwww basted si Chadongg." banggit ni Tommy na tumatawa pa!

"ulul! Wala kang pake!" asar na sagot nito kay Tommy.

Natawa naman ako dahil para silang mga bata kung mag asaran! Napaka pikunin talaga netong si Chad!

"Ohhh! Ganito nalang pustahan nalang. " banggit ko sa kanila.

Tumigil naman yung dalawa sa asaran nila at parehong nakinig saakin. " Pag napa punta mo yung nililigawan mo dito sa Condo, bibilhan kita nung Collection mo na Naruto." banggit ko kay Chad

"Pero pag hindi mo napa punta sagot mo outing natin sa sembreak? " banggit ko ulit dito. Napa simangot naman siya bigla.

"Ang duga mo naman, ang mahal naman nung sakin." reklamo ni Chad.

Ngumiti naman ako dahil sa sinagot nito. " ohhhhh. Mga pare mukang hindi ata kaya ni Chad na pasagutin yung nililigawan niya takot matalo ehh! " banggit ko sa barkada. Parang mas lalo naman tong naasar.

"ok. na sige na! Pero wag kayong magagalit sakin huh! Kase medyu kakaiba siya" banggit pa nito.

Ngumiti lang ako at nag deal sign sa kanang kamay ko.

End of Chapter - 22
VOTE AND COMMENT

Pasensya na sa sobrang matagal na UD. Hindi ko po kase kayang gawin ng sunod sunod dahil sobrang busy po ng sched ko. Lalo na po at finals na po ngayun. Thank you po sa lahat ng nakaka intindi. Olrayttt.

VERON SO





Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon