Chapter - 16

1.9K 92 9
                                    




VON

Sobra akong nag alala sa huling tagpo namin ni Ariana. Natatakot kasi ako sa kung anong pwede niyang gawin. Syempre hindi na ko papayag na mangyari ulit yung ganong sitwasyon sa pagitan namin ni Cyrus. Sobrang sakit at lungkot kaya nun.

Mabuti nalang at lumipas ang mga araw na wala naming hindi magandang nangyari, na realize na siguro ni Ariana na walang magandang patutunguhan yung mga plano niya kaya hindi na niya muling ginulo ang relasyon naming ni Cyrus.

Birthday ko ngayon, pero mas pinili ko na wag nalang mag handa. Mas pinili ko nalang mag kasama kami ni Cyrus buong araw, kahit sa ganoong paraan lang masaya na ako.

Nandito kami ni Cyrus sa isang Park at sa totoo lang kanina pa ko naasar sa kasama ko. Isipin niyo huh! Kanina pa kami magkasama pero hindi niya pa ko binabati ano to sinasadya niya ba o nakalimtan niya talaga.

"oh! Bakit ang tahimik mo Mahal?" nagtatakang tanong nito sakin.

"Huh? Wala lang may iniisip lang ako." Sagot ko ditto. Ikaw ba naman kalimutan mo birthday ko sino ba naming hindi magtatampo.

"sino naming iniisip mo?" seryosong tanong nito sakin.

"Ahh! Yung kakilala ko dati may pagka ulyanin kasi yun nag-aalala lang ako baka kasi di na maka alala." Naasar na banggit ko dito. Pero ang loko loko tinawanan lang ako.

Tapos sakto pang may dumaan na grupo ng mga babae sa tapat naming na sobrang obvious naman na nagpapansin lang sa katabi ko. Pag lingon ko naman kay Cyrus naka ngiti rin siya sa mga babaeng yun. Halos tumaas yung dugo ko sa ulo ko sa sobrang inis at pagka pikon.

"Ang saya mo naman ata ngayon Mahal?" naiiritang banggit ko ditto.

"Huh?" nagtatakong tanong nito sakin. Huh! Mo muka mo! Badtrip!

"Gusto mo bang lapitan ko sila at dalhin ko sayo para makilala mo sila? Sino ba gusto mo diyan yung naka green o yung naka pink? O baka gusto mo silang dalawa para sabay sabay." Asar na banggit ko ditto. Tumayo naman ako at aktong lalapit sa mga babae ng hawakan ni Cyrus yung kamay ko.

Tinitigan ko naman to ng masama tapos siya seryosong naka tingin sakin. " Wala akong gusto sa mga yan. Isa lang ang gusto ko at ikaw yun at kaya ko naka ngiti dahil yun sayo masaya kasi ako na magkasama tayo at hindi dahil sa mga babaeng sinasabi mo. Napaka seloso mo mahal, Alam mo naman mahal na mahal kita."  Seryosong banggit nito sakin.

Namula naman ang muka ko dahil sa sinabi nito, umupo ulit ako tumabi sa kanya. " Hindi ko maiwasang mag selos. Pakiramdam ko kasi lahat ng babae sa paligid ko may posibilidad na maging ka kompetensya ko pagdating sayo. Natatakot lang naman ako na yung lalaking mahal na mahal ko mawala nalang bigla sa tabi ko." Sagot ko ditto.

"Yun yung isang bagay na hindi mangyayari Von." Sagot nito sakin.

"Siguraduhin mo lang Cyrus dahil sisiguraduhin kong mawawalan ka ng bayag pag niloko mo ko." Banggit ko dito.

"Hindi mo magagawa yun malulungkot ka" natatawang banggit nito sakin. Natawa nalang din ako sa sinabi nito. "Mahal banyo lang ako huh, balikan kita saglit lang ako." Paalam nito sakin.

Hinayaan ko naman siyang umalis. Alangan naman samahan ko pa siya sa C.R, mga 20 mins. Nadin akong nag aantay sa kanya pero wala paring Cyrus na bumabalik. Gagong yun nilandi pa ko kanina mamaya sinundan niya lang yung mga babaeng nagpapa cute sa kanya. Tatayo na sana ako para sundan siya ng may mapansin akong pulang sobre sa tabi ko tapos naka lagay " VON MAHAL." Obviously para sakin yun kaya kinuha ko at binuksan.

"Happy Birthday Mahal ko. Akala mo nakalimutan ko na no? Ako paba! Ako paba na sobrang mahal na mahal ka. Nung una hindi ko alam kung pano ba yung set up ng relasyon natin. Alam mo yun pareho tayong lalaki and we both know na hindi to normal sa mundong ginagalawan natin. Then I realized na hindi naman pala to tungkol sa kung pano tayo nakikita ng nasa paligid natin. Tungkol to sating dalawa at sa kung gaano natin ka mahal ang isa't-isa. Naalala mop aba nung unang beses tayong magkita. Umiiyak ka nun at merong pwersang nagsabi sakin na lapitan ka. Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang may nagsasabing tama yung ginawa ko kaso nagulat ako kasi tinakbuhan mo ko nun simula nun lagi na kitang sinusubaybayan. Tapos naulit yung sitwasyon nakita ulit kita sa parehong lugar at sa parehong siywasyon nung nilapitan kita akala ko tatakbuhan mo ko ulit pero nagulat ako ng bigla mo kong niyakap. Alam mo ba kung anong naramdaman ko? May kuryente Von. May kuryenteng tumama sa puso ko na parang ayaw ng lumayo sayo. Naalala mop aba yung panahong nag selos ako kay Arturo? Yun yung mga panahong pinipigilan ko yung nararamdaman ko sayo, pero the more na pinipigilan ko,the more na nahuhulog ako sayo. Kaya nung araw na umamin ka na mahal mo ko. Hindi ko na pinigilan yung sarili ko. Mahal na mahal kita Von."

Sobra akong kinikilig ng dahil sa mga sinabi nito at the same time emotional. Hindi ko alam yung ganitong side ni Cyrus, nowadays wala ng mag e-effort na gumawa ng sulat sa para sa taong mahal nila. Hindi na kasi ganun ang mga tao ngayon kaya sonrang natutuwa yung puso ko sa effort ni Cyrus para sakin. Pag check ko sa sobre may laman pa sa loob na maliit na susi at may naka bilot na papel ditto.

"Nakita mob a yung susi? Kung nakita mo yung susi pumunta ka sa may swing ditto sa park. May makikita kang bulaklak na kulay pula tapos pag hinila mo yun sa ilalim nun may box gamitin mo yung susi para buksan yung box tapos may makikita ka dun."

Sinunod ko naman ang sinabi nito. Pero nagmasid muna ko sa paligid baka nandiyan lang si Cyrus at pinag ti-tripan ako. Pagkatapos kong i-check ang paligid at masiguradong walang Cyrus sa paligid sinunod ko naman ang nakasulat sa papel.  Pag hila ko sa bulaklak nakita ko kaagad yung box na sinasabi sa sulat. Pinunasan ko naman yung box na nadumihan ng lupa. Ginamit ko yung susi para buksan yung box at may nakita ako sulat at susi na hugis puso pero kalahati lang ng puso yung meron. Kaya binasa ko yung sulat.

"Kalahati lang yung heart diba? Kasi yan yung puso mo. Kung gusto mong mabuo yang puso mo hanapin mo yung kalahati niyan sa garden ng lola mo. Tapos para Makita mo yun umikot ka ng tatlong beses tapos sabihin mo rin ng tatlong beses ang magic word."

Natawa nalang ako sa mga pinapagawa skain ni Cyrus. Alam kong kautuan lang ang mga to pero dahil nag e-enjoy naman ako sinunod ko nalang. Umuwi ako samin at agad na naghanap sa garden ni lola pero wala akong nakita badtrip naman pahirapan pa. Tapos naalala ko yung sinabi sa sulat, kaya muka akong tanga umikot ako ng tatlong beses tapos may nakita akong sobre malapit sa isang paso. Parang wala naman yun doon kanina.

"ang tigas kasi ng ulo mo eh! Kung kanina kapa sana umikot edi nakita moa gad yan. Napagod kapa tuloy! Gawin mo na yung last step sabihin mo na yung magic word I love you Cyrus 3x" sabi sa sulat kapal ng muka ahh!

"I love you Cyrus" Kahit topakin ka.

"I love you Cyrus" Kahit lagi mo kong pinag seselos.

"I love you Cyrus" kase mahal kita.

Tapos pag mulat ko ng mga mata ko nadun si Lolo at Lola sa harap. Kinabahan naman ako baka narinig nila yung mga pinagsasabi ko.

"Anong nangyayari sayo apo? Bat nagsasalita ka mag isa mo?" tanong ni Lola sakin. Sabay inabot nito yung kalahati ng susi tapos si lolo naman yung sulat sakin, niyakap sila sobrang thankful ako sa dalawang taong to kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ako lalaking mabuting tao.

"Hawak mo na yung huling susi. Ngayon pag dikitin mo naman tapos punta ka sa kwarto mo. Nandun yung huling box buksan mo yun."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, sobrang umaapaw sa kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon ng dahil kay Cyrus. Agad agad naman akong pumunta sa kwarto ko pag pasok ko wala naman akong nakitang box nagulat nalang ako ng biglang lumitaw si Cyrus hawak yung box na sinasabi niya. Tapos sa kabilan kamay niya may hawak siyang tatlong pulang rosas.

"Happy Birthday Mahal." Inabot sakin ni Cyrus yung mga hawak niya sabay niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko napigilang mapaiyak habang yakap yakap niya ko. Alam mo yung emotional ka kasi masaya ka. Yung pakiramdam mo napaka espesyal mo. Ganun yung nararamdaman ko ngayon.

"Ohh? Bakit umiiyak?" tanong nito sakin.

"Hindi mo lang alam Mahal kung gaano mo ko pinapasaya ngayon. Ikaw lang naman yung hinihiling kong regalo sa birthday ko. Yung maksama lang kita buong araw, masaya na ko dun. Pero dahil sa nag effort kapa mas lalo kong naramdam na may taong handing bigyan ako ng halaga. Thank You Cyrus" sagot ko dito.

Umupo naman kami sa kama ko. Binuksan ko yung regaling kwintas na binigay niya sakin. Silver na kwintas yun na may pendant na letter C, kinuha niya sakin yun at siya mismo ang nag suot sakin.

Nakatitig lang kami ngayong sa isa't-isa. Pareho kaming naka ngiti. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at siniil ko na siya ng halik. "I Love you Cyrus."

End of Chapter – 16

Vote and Comment

VERON SO

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon