- CYRUS -
Isang buwan na ang nakalipas ng huling beses kong makita si Von at hanggang ngayun hindi ko parin makalimutan yung mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi naman talaga ako lasing nung gabing yun ehhh! at mas lalong hindi ako tulog. Inantay ko lang talaga yung pagkakataon na matira kaming dalawa at masabi ko lahat ng masasakit na salitang gusto kong sabihin sa kanya para masaktan siya.
Alam kong panalo ako ng gabing yun, alam kong nasaktan ko siya ng sobra nang galing mismo yun sa bibig niya na nasaktan siya umiyak pa nga siya diba. Ang sarap kaya nun sa pakiramdam yung masaktan mo yung taong sobrang nanakit din sayo ng sobra yung pakiramdam na naka ganti ka sa kanya kahit papano. Kung tutuusin nga maliit na bagay palang yun kumpara sa ginawa niya sakin.
Pero tang ina bakit ganun, bakit nung mga oras nayun halos maiyak din ako sa sobrang sakit, diba nga dapat masaya ako kase dapat lang naman sa kanya yun. Nung narinig ko siyang humahagulgol sa iyak parang gusto ko siyang patahanin tapos nung umalis na siya parang gusto ko siyang habulin at yakapin ng mahigpit gusto kong sabihin na wag na siyang umalis na wag na niya kong iiwan ulit.
Pero yun nga kagaya nga nangyari hinayaan ko lang siyang umalis, mas nanaig parin ang galit kesa sa Mahal ko siya. Oo na tama na kayo Mahal ko pa nga siya! akala ko wala na ehh! akala ko puro galit nalang tong nararamdaman ko sa kanya ehhh yun pala meron pa.
Hindi kuna alam kung anong totoo sa mga pinagsasabi mo Von! Hindi ko makalimutan yung sinabi mong " pano ko naman gagawin sayo ang isang bagay na kahit kailan hindi ko pa ginawa sa iba " ehh diba sabi mo dati na may nangyari na sa inyo ni Arturo tapos tinawag mo pa kong " MAHAL " ehh! diba nga sabi mo dati hindi mo naman ako talaga minahal. Bakit ganun Von bat ba ang gulo gulo mo! ano ba talaga ang totoo kase ngayun iba nanaman yung storya mo!
Nandito kami ngayun sa school kasama ang tropa pati narin si Cassy at ang mga kaibigan nito nakatambay lang kami dito sa court dahil kakatapos lang namin kumain.
" Bakit mga tulala kayo huh! ang lalalim naman ng iniisip nyu." banggit samin ni Cassy.
Napatingin naman ako sa tabi ko at nakita ko si Chad na naka tulala nga din at panay ang buntong hininga. " ui Brad anong nangyayari sayo?" tanong ko dito.
Napakamot naman ito sa ulo niya bago sumagot sakin. " Si Von kase ehh! " banggit nito saakin.
Nagulat naman ako bigla ng si Von pala ang iniisip niya parang nakaramdam ako ng ilang at onting selos, pero pinilit kong iiwas ang aking nararamdaman kaya tinanong ko parin si Chad kung bakit. " ohh? anong problema mo. " banggit ko dito.
" Isang buwan na niya kong iniiwasan, kahit anong pangungulit ko sa kanya ayaw na niya kong pansinin. Wala naman akong ginawa sa kanya ahh! hindi naman ako lasing nung gabing yun kaya wala naman akong maalala na binastos ko siya o kaya nasaktan ko siya! bakit kaya niya ko nilalayuan." malungkot na banggit nito saakin.
Nabigla naman ako sa mga sinabi ni Chad, siguradong ako ang dahilan wala ng iba, ako lang naman ang nambastos at nanakit sa kanya . Tinupad niya yung mga sinabi niya bago siya umalis. Iiwasan na niya lahat ng dahilan para wag lang akong magalit pero bakit? bakit niya naman kaya gagawin yun?
" ehh! bat ikaw Cyrus? problema mo? " banggit ni Chad sakin.
"huh? ako? wala ahhhh!! gusto ko lang gumala nag iisip lang ako ng lugar kun saan ako pwedeng pumunta. " banggit ko naman dito.
"ahh ganun ba " maiiksing sagot nito sakin tapos bumalik na ito ulit sa pag da drama niya.
Nag paalam naman ako sa barkada pati narin kay Cassy na aalis ako, nung una gustong sumama ni Cassy sakin pero gusto ko talagang mapag isa kaya naman hindi na ito nag pumilit at hinayaan nalang akong makaalis. Tumawag naman ako sa bahay para kamustahin ang pamangkin kong si Eros, pero sa kasamaan palad ang Mommy ko ang sumagot.
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
RomanceNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...