Chapter - 7

14.3K 425 9
                                        

- VON - 

Pag gising ko nasa tabi ko parin si Cyrus at mahimbing parin siyang natutulog,  ang sarap lang sa pakiramdam na katabi mo at yakap yakap mo yung taong sobrang mahal mo.  Naka titig lang ako sa muka niya simula sa mga mata niyang nakapikit na kahit naka mulat ay parang nakapikit parin kase nga singkit siya. Sunod sa ilong niyang matangos pababa sa mapupula niyang labi , nailang naman akong tignan yung labi niya kaya iniwas ko yung tingin ko dun.

Naalala ko kase yung ginawa namin sa school, haissttt parang abnormal tuloy yung puso ko ngayun. Hindi ko naman kase akalain na gagawin niya sakin yun ,ganun pala yung pakiramdam nang mahalikan ka ng taong mahal mo. Para kang mababaliw tapos yung paligid mo biglang lalabo tapos wala kang maririnig kundi yung kabog lang ng dibdib mo. Napahawak tuloy ako sa labi ko dahil sa alaalang yun.

"Good morning Mahal, ang aga mo naman mag wish ng kiss. "  tumatawang banggit ni Cyrus sakin , gising na pala siya at ang aga niyang mang asar. Namula naman ako dahil nahuli niya kong naka hawak sa labi ko.

"Mahal your face,  asa ka! " asar na sagot ko sa kanya.

Sumimangot naman siya " Ganyan kaba mag mahal? " seryosong banggit niya sakin . Natakot naman ako sa itsura niya kase kung titignan nyu siya ngayun sobrang seryoso talaga.

"Joke lang Cyrus! " sagot ko sa kanya nag peace sign pa ko tapos nag pa cute pero parang hindi effective .

"Sinong Cyrus?  MAHAL! " Seryoso niya paring banggit , pinag diinan niya talaga yung salitang mahal.

Naaasar naman ako sa kaartehan niya ngayun, ang agaaga niyang mang bwiset. "SORRY NA MAHAL. " sagot ko sa kanya kahit naasar na ko.

"Hindi sapat yung Sorry gusto ko ng kiss. " Napansin ko naman na parang umaarte nalang siya. Kaya napag isipan kong gumati, akala niya siya lang ang marunong umarte.

Nakahiga parin siya sa kama bumangon naman ako at umupo sa bandang tiyan niya hindi naman yung sobrang mabibigatan na siya yung sakto lang, tapos pinatong ko sa mag kabilang gilid ng unan niya yung kamay ko.Seryoso ko siyang tinitigan, binasa ko ng laway ang labi ko gamit ang dila ko tapos unti unti kong nilapit ang muka ko sa muka niya, napakagat labi naman siya at halatang nati- ten's  sa ginagawa ko. Nang malapit nang mag dikit ang labi namin iniwas ko yung muka ko sa kanya sabay bulong " Asa ka!  Maglaway ka. " tumatawa kong bulong sa kanya.

Aalis na sana ko sa pagkakapatong ko sa kanya ng bigla niya kong hilahin, napahiga naman ako at siya nayung nakapatong sakin. " Mahal ayoko ng binibitin ako alam mo ba yun." Seryosong banggit niya , ginawa niya rin yung ginawa ko kanina . Binasa niya ng laway yung labi niya gamit yung dila niya pero shit bat ganun parang mas lalong pumula yung labi niya ang hot niyang tignan sa ibabaw ko.

Kumabog kabog naman yung dibdib ko,  sinusubukan kong wag gawin pero napakagat labi nako. Ngumiti naman siya dahil sa ginawa ko " walang nakakatawa Cyrus pwede kanang umalis ."  Banggit ko sa kanya. Pero parang wala lang siyang narinig.

"Sinong nag sabing aasa ako?  Kung pwede ko namang gawin yun dahil boyfriend mo naman ako. " naka ngiting banggit niya sakin tapos may pinunasan siya sa gilid ng labi ko.  " naiintindihan kita kung bakit nag lalaway kana mahal,  sobrang gwapo kaya ng boyfriend mo. " nang aasar na banggit niya,  sinubukan ko namang itulak siya pero nahawakan niya yung mga kamay ko at inipit sa unan so ang position namin ngayun parang rapist lang siya.

"Bitawan mo ko Cyrus, kung hindi sisigaw ako." Galit na banggit ko sa kanya , tumawa naman siya ng malakas na parang joke lang yung sinabi ko.

"Pano ka makaka sigaw kung sa bawat pag dampi ng labi ko sayo ay gaganti ka? . " seryosong banggit niya.sakin ,  natahimik naman ako sa sinabi niya at nag umpisa na siyang ilapit ang labi niya sakin.

Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, patay si Lola bigla namang umalis si Cyrus sa pagkaka patong sakin tapos ako naman umupo sa kama.  Parehas kaming kinakabahan ni Cyrus dahil sa naabutang eksena ni Lola.

"Ano bang ginagawa nyung dalawa? " seryosong banggit ni Lola. " anong oras na at naglalaro pa kayu, maligo na kayu at mag almusal may pasok pa kayu. " pahabol ni Lola.  Tumango lang kami ni Cyrus at lumabas na ng kwarto si Lola.  Napa hinga naman kami ng malalim ni Cyrus buti nalang hindi green ang utak ni Lola kung hindi patay talaga kami.

"Muntikan na tayo Cyrus , kung nahuli lang talaga tayo yari ka sakin. " galit na banggit ko sa kanya.

"Bakit ako?  Kung hindi mo kase ako nilandi edi sana hindi nangyari yun." Sagot niya sakin. Sasagot pa sana ko ng bigla na siyang tumayo at kinuha ang towel ko. "Tara na mahal,  sabay na tayong maligo " naka ngisi niyang banggit sakin.

"Bastos ! " galit na sigaw ko sa kanya, Binato ko naman siya ng unan sabay takbo niyang palabas ng kwarto ko, Tumatawa pa ang loko loko.

---------

SCHOOL

Nag lalakad na kami sa hallway ng school papunta sa room namin,  napag usapan rin namin ni Cyrus na secret muna ang relationship namin at kung san kami naka upo dun muna kami halos mag katabi parin naman kase kami kaya ayus lang napag usapan rin namin na bawal na ang mag selos.

Hindi kami sabay pumasok sa loob ng room syempre iniiwasan naming may makapansin saming dalawa nauna na kong pumasok nang room, nakaupo na si Arturo sa pwesto namin at ganun din si Ariana sa pwesto nila. Mataray namang naka titig sakin ang butiki pero keme ko lang sa kanya lumapit naman na ko sa pwesto namin ni Arturo at umupo.

"Good morning babe " masayang  banggit sakin ni Arturo.

"Good Morning din " naka ngiting banggit ko sa kanya.

"Aba good mood ata ang babes ko ngayun. " masaya paring banggit ni Arturo.

"Dapat lang!  sayang naman ang ganda ko,  kung sisimangot ako diba. " masayang sagot ko sa kanya.

Bigla naman akong nakarinig ng ingay sa kabilang pwesto , sabay kaming lumingon ni Arturo sa pwesto nila Ariana at nagulat ako nandun na pala si Cyrus at naka simangot pa.

"May nag seselos ." Bulong sakin ni Arturo. Natawa naman ako at siniko ko siya baka marinig siya ni Cyrus mahirap na.

Nagulat naman ako ng kumapit na parang unggoy si Ariana sa braso ng Mahal ko. Naputol ko yung ballpen na hawak ko ang masama pa alam niyang nandito ako pero hindi niya manlang alisin yung kamay ng higad nayun. 

"Mukang may war mamaya ah! " tumatawang banggit ni Arturo.  Tinitigan ko naman siya ng masama. 

"Ito naman joke lang babe." Banggit niya sabay peace sign.  ✌

"Lagot ka sakin mamaya " sagot ko sa kanya.  Tapos nilingon ko si Cyrus. Aba ang tibay naka unan na ang higad sa braso niya,  ako lang ang pwedeng gumawa nun.  Bwiset kang babae ka kung nakakamatay lang talaga ang pag titig patay kana sakin kanina pa.

END OF CHAPTER - 7
VOTE AND COMMENT
VERON SO ❤

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon