- VON -
Alam mo yung pakiramdam na may asungot na sunod ng sunod sayo at pilit kang kinukulit at inaasar, pang apat na araw na niya tong ginagawa at malapit na talaga kong ma bad trip sa mokong nato.
"Good Morning Von" banggit nito sakin habang naglalakad ako palabas papunta sa may sakayan ng taxi.
"Pano mo nalaman yung pangalan ko? " asar na banggit ko dito.
" Nakalimutan muna ba classmate tayo sa isang subject. Teka nga ang sungit mo naman parang binabati kalang ehhh. " kumakamot sa ulo na banggit nito.
"Sino ba kaseng nag sabi sayo na mag tanong ka! Tsaka wag kang makulit Chad nagmamadali na ko ngayun." asar na banggit ko dito.
"Woahhhh binanggit mo yung pangalan ko? Ibig sabihin hindi mo ko Nakalimutan, dahil dyan hahatid na kita sa school wait mo lang ako kukunin ko lang yung kotse ko. " tuwang tuwang banggit nito sa kanyang sarili. Gusto ko sanang tumawa kaso nahihiya ako baka isipin pa niya na close kami.
"Hindi, nabasa ko lang sa I.D mo yung pangalan mo. Tsaka wag muna kong ihatid mas trip kong sumakay ng jeep." banggit ko dito sabay iniwan kuna siya dun at pinag patuloy ang paglalakad ko.
Nagulat nalang ako ng bigla itong mag salita sa likod ko. " sakto pala Von, kase trip ko ring mag jeep ngayun." mayabang pang banggit nito sakin.
"Ikaw bahala!!" sagot ko nalang dito, wala naman kase talaga ko sa mood na makipag usap sa mokong na to ehhh!!
Nakasakay na kami sa jeep at hanggang dito nang babadtrip parin siya. Pano ba naman kase, napaka luwag ng upuan sa jeep pero nandito siya sa gilid ko dikit ng dikit.
Kaya naman ang ginawa ko umurong ako ng konti kaso ang lakas din ng tama ng driver ng jeep. Ipreno ba naman daw ng malakas edi yun napa usog din ako sa kanya tapos yung mokong tuwang tuwa na kumakanta pa.
"Come a little bit closer baby, get it on get it on........" kanta nito sakin, na lalong nag pa init ng ulo ko.
Nang makalapit na kami sa tapat ng school, nag para na ko at hindi kuna inantay si Chad. Bahala siya sa buhay niya malaki na siya, hindi ko naman siya kaibigan o kamag anak para intindihin ko pa siya. Patawid na sana ko ng biglang may bumusinang malaking truck, napahinto naman ako at napa pikit sa sobrang takot.
Nagulat nalang ako ng may humila sakin galing sa likod tapos naramdaman ko nalang na tumumba kami siya yung nasa ilalim at ako naman yung nasa ibabaw niya hindi ko kilala kung sino yung humila sakin dahil nga naka pikit pa ako tapos narinig ko siyang nag salita.
"Ayus kalang ba?"nag aalalang tanong nito sakin.
Pag mulat ko naman ng mata ko nakita ko kaagad ang mga mata niyang kulay blue, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit sa tuwing nakikita ko yung kakaibang kulay ng mata niya bigla nalang nagiging abnormal ang tibok ng puso ko.
"Pag hindi kapa tumigil sa pag titig mo sakin ng ganyan, hahalikan na kita kahit marami pang taong nakatingin satin ngayun." naka ngising banggit nito sakin.
Bigla naman akong napatayo ng dahil sa sinabi niya at naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko dahil sa init ng hininga niya habang sinasabi niya yung hahalikan niya ko. Shit feeling ko tuloy namumula nayung muka ko.
Tinulungan ko naman siyang makatayo hinawakan ko yung dalawang kamay niya at pag angat ko sa kanya nakita kong may dugo na tumulo sa braso niya.
"Shit may sugat ka! Sorry, Sorry talaga.!" nag aalalang banggit ko dito habang kinukuha ko yung panyo ko sa bulsa ko.
"Ayus lang ako Von, sugat lang yan." tumatawang banggit nito sakin.
Pero hindi ko siya pinansin, pagka kuha ko ng panyo ko kinuha ko ulit yung kamay niyang dumudugo. "Itatali ko muna tong panyo ko dyan sa sugat mo tapos tara sa clinic para malinis at magamot nayan." nag aalalang banggit ko parin dito.
Bigla niya namang hinila yung kamay niya tapos inagaw yung panyo ko." wag na tong panyo mo! Madudumihan lang ng dugo ko meron akong panyo dito sa bulsa ko pakikuha. " seryosong banggit nito sakin.
Nagulat naman ako kase sobrang seryoso ng pagkaka sabi niya, yung parang hindi lang ako sanay na seryoso siya ganun. Kaya napatingin lang ako sa kanya. "Sabi ko may panyo ako sa bulsa pakikuha. Wag kang mag alala walang mangangagat sayo dyan tulog payung alaga ko hahahaha." nang aasar na banggit nito sakin.
Tinitigan ko naman siya ng masama at nag peace sign lang siya sakin. Kinuha ko naman ang panyo sa bulsa niya at inumpisahang ibalot sa sugat niyang dumudugo pagkatapos nun pumunta na kami sa clinic. Nung una ayaw niya pang pumunta pero wala naman siyang nagawa dahil pinilit ko talaga siya.
Nasa clinic na kami at walang mag lilinis ng sugat niya dahil busy yung nurse na naka assign dahil may isang estudyante na mataas ang lagnat kaya ang ginawa ko nag presenta na ko na ako nalang ang maglilinis.
"Aray ang hapdi." sigaw nito sakin pagkatapos kong lagyan ng alcohol ang sugat niya.
"Tsk. Kanina ang yabang yabang mo patawa tawa kapa tapos ngayun ayan kung maka sigaw ka para kang bakla." natatawang banggit ko dito.Tumahimik naman siya at namumula ang muka habang naka titig sakin.
"Hoy! Bat naka tulala ka dyan" banggit ko ulit dito.
"Ok. Lang pala na masaktan ako" seryosong banggit nito sakin.
Nagtaka naman ako sa sinasabi nito. " ano bang pinagsasabi mo?" sagot ko dito.
" First time kitang nakitang ngumiti Von, shit!! feeling ko may anghel sa harap ko pleasee lagi kana lang ngumiti kahit lagi pa kong masugatan basta ang importante makita kitang masaya." seryosong banggit nito sakin.
Nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi ko manlang napansin na ngumiti pala ako. Tsaka bat ba parang ang big deal sa kanya ng pag ngiti ko eh! Wala namang special dun. Kelan ba yung huling beses na ngumiti ako ng ganun, kelan ba ko huling naging masaya? Hindi ko na maalala simula kase nung mag hiwalay kami ni Cyrus nawalan na ako nang dahilan para maging masaya.
"Ang lalim naman ng iniisip mo!" nagtatakang banggit nito sakin.
Bigla naman akong bumalik sa ulirat ko matapos kong marinig ang salita niya. " huh? Wala wala ayus lang ako." banggit ko dito.
"Siguro may nanakit sayo dati? I mean hanggang ngayun halatang nasasaktan kaparin siguro kaya ka malungkutin at masungit kase ayaw mong mapalapit sa ibang tao. Pwede mo kong maging kaibigan Von." seryosong banggit sakin nito.
Ano bang pinagsasabi nito pano niya nalaman na ganun yung nararamdaman ko. Masyado naba akong halata? Shit kailangan kunang layuan ang isang to!. "uhmm ano Chad. Ok. Nayung sugat mo siguro pwede na kong umalis." banggit ko dito sabay kuha ng bag ko. Aalis na sana ako ng hawakan ako nito sa braso.
"Bukas ng gabi susunduin kita sa unit mo. Sasamahan mo ko sa isang party." banggit nito sakin.
"Hindi ako pwede, marami akong gagawin. " sagot ko dito.
" Hindi ka pwedeng tumanggi! Tandaan mo niligtas ko ang buhay mo kanina. Yun nalang ang kapalit ng pagtulong ko sayo. " seryosong banggit nito sakin.
END OF CHAPTER - 23
VOTE AND COMMENTSobrang nakakatuwa yung mga comment niyo sa last chapter. Thank you po. Tong chapter na to maiksi lang talaga parang preview lang ng kaunti patungkol kay Chad. Tsaka yung nag message pala sakin. Anong pinagsasabi mong Top o Bottom sapakin kita dyan ehh!!
Pili na: #CyVon #ChaVon?
VERON SO
BINABASA MO ANG
Second Chance (bxb)
Любовные романыNaniniwala kaba sa second chance? Kung ikaw ba ang tatanungin kaya mo ba uling isakripisyo ang pag mamahal mo sa taong iniwan kana? at kung ikaw naman ang nang iwan at nakita mo siya uli pero mahal mo pa siya? susubok kaba uli? ilalaban mo ba? Plea...